Chapter 3: Loner

50 2 0
                                        

"Oi Gwen! Ano bang isusuot mo sa party?" tanong nang classmate kung si Kate.

"Hindi ko alam. Pants at t-shirt lang okay na yun!" sabat ko na halatang walang interes.

Hindi naman ako mahilig sa party, lalo na pag sosyalan. Ewan ko ba kung anong trip nang mga taong to at pinili pa talaga ang Korean inspired na acquaintance party. Ayaw ko naman magdress. Eh sosyalan  daw peg eh so kelangan nakadress.

"Mamaya gwen punta kaming mall para maghanap nang damit na susuotin. Dress kasi ang dapat isuot so dapat magdress ka din. Sama ka samin ha?" sabi nya sabay tap sa balikat ko.

"Kayo nalang. Di ako intresado." sabi ko sabay buklat nang libro at nagbasa. Umalis naman sila at nagsiupuan sa kanikanilang mga upuan. Malamang nadisappoint na naman sila.

Ganun kasi ako umasta. Di nyo naman ako masisi kasi naranasan ko din yan dati pa, sa three years na inilagi ko sa school na to marami na akong taong nakasama.

Mas pinili ko kasing mag'irregular student simula nong ipahiya ako nang kaklase kung inakala ko eh best friend ko.

---------------

FLASHBACK..

"Gwen, si Jake Oh?" sabay turo nya sa lalaking nakaupo sa bench sa ilalim nang puno nang mangga.

"Hayaan mo na sya Ella. Malamang badtrip na naman yun." pagkibit balikat kung sabat sa kanya.

"Lapitan mo kasi. Sige na samahan kita?" pagpumilit nya.

"Ayaw ko nga, ikaw nalang kaya?" inis kong pagtanggi sa kanya.

Boardmate ko kasi si Jake kaya kilala ko. Hindi naman kami close, masyado kasi syang tahimik. In fairness gwapo talaga sya.

"Gwen, may sasabihin ako sayo." nahihiyang sambit nya habang nakayuko.

"Ano yun?" tanong ko naman. Parang seryoso yata sasabihin nang bruhang to.

"Kasi...si Jake...crush ko." pagtatapat nya.

"Ano!?" pabigla kung tanong sa kanya. Dali-dali naman nyang tinakpan ang bibig ko, marahil nahihiya.

"Oi! Wag kang maingay! Baka marinig tayo!" sabat nya habang tinatakpan parin ang bibig ko. Tumango naman ako at tinanggal na nya ang kamay nya.

"Yun naman pala eh! Ikaw yung may gusto tapus ako pa ang idadahilan mo para makalapit sa kanya. Ba't di ka kaya lumapit dun?" sabi ko tapus tiningnan ko sya nang may halong pang-aasar.

"Ano ka ba!? Wag ka ngang maingay! Gwen...tulungan mo ako.." sabi nya sabay pout. Ano na naman ba kelangan neto?

"Ano na naman ba ha?" tanong ko.

"Ehh...kasi..gusto ko sana maging close kami. Ehh..alam ko matutulungan mo ako kasi boardmates kayo..sige na, tulungan mo akong makalapit sa kanya please?" pagmamakaawa nya. Napakaamot nalang ako nang ulo.

Ano ba naman yan! Hindi ko trip maging tulay noh!

"Sige na Gwen...Please...???" pagmamakaawa nya.

Aish! Eto na talaga! Di ko matiis ang bruhang to eh!

"Sige na! Pero ang kapalit ililibre mo ko nang snack sa cafe ha? Yung spaghetti, at dapat everyday!" sabi ko sabay taas nang kilay.

"Oo naman. Eh kahit di mo naman sabihin yun palagi naman kita nililibre eh!" sabat nya sabay pout.

Hayy..tong bestfriend ko talaga. Mayaman naman sya kaya keri nya kahit sampong orders pa nang spaghetti araw-araw.

Nagsimula akong lumapit kay Jake nung mga araw na yun. Labag man sa aking kalooban eh sinunod ko nalang ang request nang bestfriend ko. Halata naman kasi na patay na patay to kay Jake. Ilang bwan din na naging close kami ni Jake at palagi kong isinasama si Ella sa boarding house para naman magkausap sila.

Our SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon