Chapter 16: Setting you free

27 1 0
                                        

Di matigil ang mga luha ko habang tinatahak ang daan pauwi nang boarding house. Matapos naming mag-usap ni Sulli, nagpaalam na ko at nagdahilan na may importanteng gagawin.

Ang totoo nyan di ko lang talaga kayang magtagal na kausap sya kasi baka di ko mapigilan ang sarili ko at umiyak sa harapan nya. Ayaw ko naman magduda sya sakin.

Bumuntong hininga ako at marahas na pinahid ang mga luhang kanina pa di maawat na umaagos sa mukha ko. Parang di na ata titigil ito.

Para akong baliw na naglalakad sa tahimik na kalsada nang subdivision. Dito ko piniling dumaan kasi hindi matao at dumaan na rin ako sa simbahan, kay St. Jude Thadeus na patron daw nang mga nagmamahalan.

Di ko naiwasang ibuhos ang mga hinanakit ko sa kanya. Feeling ko kasi sinumpa na ako na di na pwedeng magmahal kahit kelan.

Mali man eh halos ibuntong ko sa kanya ang galit ko sa mundo. Pero siguro nga totoong ginagrant nya ang mga wish nang taong sumasampalataya sa kanya, kasi si Baekhyun ang hiningi ay ang panghabang buhay namin na pagkakaibigan hindi ang aming pag-iibigan.

Pero bakit nya sinabi sa akin na gusto nya ako kung iyon naman ang hiniling nya? Hindi kaya naguguluhan lang sya nung sabihin nyang gusto nya ako? Hindi kaya nais lang nyang makawala sa nakaraan nya kaya pinili nyang gustuhin ako?

Alas otso na nang gabi nang marating ko ang boarding house. Walang tao ang dalawang floor pagkat nasa parke o saan mang galaan ang mga boardmates ko at wari ko'ng gayun din si Baekhyun pagkat malapit na ang fiesta dito.

Pumanhik ako sa kwarto ko at nang papasok na ako nang pinto ay may humigit sa braso ko.

"Gwen." Halos pabulong na tawag nya at kahit madilim ay alam kong sya iyon.

"Baek..what are you doing here?" Tanong ko at yumuko nang mapansin kong parang chinicheck nya ang mukha ko.

Ayaw kong makita nya akong umiiyak. Baka ano pa isipin nya. Hindi nya pwedeng malaman ang tungkol sa pag-uusap namin ni Sulli. Dapat tulungan ko sya sa paraang hindi nya halatang pinagpipilitan ko si Sulli sa kanya.

"Can we talk?" Tanong nya at hindi paman ako nakapagsalita eh hinila na nya ako paakyat nang rooftop. Teka, ba't gusto nya akong makausap? Ano bang problema nya?

---

Halos isang oras na kaming nakatayo at nakatunganga lang sa kalangitan na ngayon eh nadedekurasyunan nang makukulay na fireworks.

9PM na at nagsimula na ang jamming nang mga banda sa parke. Tahimik ang gabi dito sa amin pagkat halos lahat nang tao eh nasa bandang syudad na nang bayan.

Natapos ang putukan at heto parin kami, nakatayo lang sa isang sulok nang rooftop at walang imik. Ayaw ko din naman magsalita. Baka kasi malaman pa nya ang plano ko.

Bumuntong hininga ako dahilan nang pagkayamot at bigla naman syang napatingin sa gawi ko.

Hinarap nya ko di kalaunan at lumapit pa nang kunti sakin at nang tumama ang mga mata namin ay bigla naman akong kinabahan.

Kinabahan ako pagkat iba ang tingin nya sakin. Napakaseryoso nang mukha nya. Parang may sasabihin sya na importante at yun ang ipinag-aalala ko.

"Gwen..I want to talk to you about Sulli.." bigla nyang sabi na ikinabigla ko naman. About Sulli? Bakit?

"What about Sulli?" Tanong ko nalang at minuster ang inosente looks para di sya magduda.

"Don't deny it. I know she run to you and beg you to convince me." Seryosong sabi nya at medyo natatakot na akong tignan sya sa mata.

Our SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon