"Ah..Ah..Ah..do, re, mi, fa, so, la, ti, do~" paulit-ulit na praktis ni Baek habang nakatayo sa sulok nang AVR.
Nandito kami ngayon para mag'audition. Iilan lang naman kami ngunit tatlo lang ang kukunin at kasama din namin sa audition si Kyungsoo.
"Okay let's start!" Tawag ni Miss Gonzales na head nung glee club.
Dali dali kaming bumalik sa aming pwesto at naghintay nang tatawagin na pupunta sa stage at ipamalas ang talento sa pagkanta.
"Mr. Do Kyungsoo." Tawag ni Miss Gonzales at dali dali namang tumayo si DO.
"Good morning everyone. I am Do Kyungsoo, exchange student from Korea and I will sing English song entitled When I was your man by Bruno Mars." Pambungad na salita ni Kyungsoo at nagsimula na syang kumanta at nang matapos ay nagsitayuan at nagpalakpakan ang mga judge na mga head nang iba't ibang department at syempre nang naturang club.
Natapos na ang ilan pang contestant at masasabi ko'ng magagaling silang lahat at aaminin ko, kinakabahan ako na baka mafail ako. Pero kakayanin ko to. Alang alang kay lolo.
"Mr. Byun Baekhyun." Tawag ni Miss Gonzales at itinaas ni Baek ang kanyang kamay sabay lakad paakyat nang stage.
"Hello everyone! I am Byun Baekhyun from Korea. I will sing Ngiti by Ronnie Liang." Sabi nya at napa 'Woah~' naman ang crowd at naexcite sapagkat tagalog ang kakantahin nya na masasabi ko'ng hindi madali para sa katulad nyang foreigner.
"That's exciting! You may start now Mr. Baek!" Excite na sabi ni Mam Gonzales at tumango lang si Baek at nagsmile sa crowd na pinatingkad pa nya nang matuon sa akin.
Minamasdan kita, nang hindi mo alam.
Pinapangarap ko'ng ikaw ay akin.Panimula nya at ibinaling ang tingin sa akin na ikinabigla ko naman.
Mapupulang labi, at matingkad mo'ng ngiti.
Umaabot hanggang sa langit.
Wag ka nang titingin sakin at baka matunaw ang puso ko'ng sabik.Ngumiti sya at kumaway sa akin bago ipinagpatuloy ang pagkanta.
Sa iyong ngiti, ako'y nahuhumaling.
At sa tuwing ikaw ay gagalaw ang mundo ko'y tumitigil.
Para lang sayo, ang awit nang aking puso.
Sana ay mapansin mo rin ang lihim ko'ng pagtingin.Buong kanta ay nagkakatitigan lang kami. May kung anong kumukulo sa aking kalamnan na di ako mapakali at kinakabahan na rin habang patuloy lang sya sa pagkanta at pagtitig sa akin.
Hindi ko mawari ko'ng ano iyon ngunit alam ko'ng hindi ito pangkaraniwan. Nagkakagusto na ba ako kay Baek? Hindi ko alam, at lalong hindi ko rin maintindihan ko'ng bakit ganun na lang sya makatitig sa akin.
Parang..
"Hey Gwen! You're the next!" Kalabit ni DO na ikinawala ko sa aking pagddaydream at napansin ko'ng lahat nang tao ay nakatayo na at pumapalakpak, ang iba'y naghihiyawan pa lalo na ang mga kababaihan.
"Ah! Y-Yeah!" Sabi ko nalang at tumayo paakyat nang stage na kasalukuyan din namang pababa si Baek mula doon.
"Hey Gwennie! How was it?" Tanong nya nang nakangiti.
"Y-You're good! I-I mean, great!" Sabi ko at napasapo naman sya sa kanyang dibdib na wari mo'y relieved na marinig ang positive ko'ng comment.
"Thanks Gwennie! Good luck to you!" Sabi nya sabay hug sakin at ikiniss ang forehead ko at ngumiti bago ako iwan sa paanan nang hagdan paakyat nang stage.
Woah! Ano yun? Bumilis ang heartbeat ko at mas lumala yata ang kabang nararamdaman ko.
"You can do it Gwennie!!" Narinig ko'ng sigaw mula sa likuran at yon nga, nakita ko si Baek na kumakaway sakin.
BINABASA MO ANG
Our Song
Ficção AdolescenteA story of a love that has been composed by two hearts enclosed with friendship and love for music. A man who departed to foreign land to find its journey and be free. A woman who believes that being alone is better than having a friend who'll just...