Chapter 14: When you say nothing at all

24 1 0
                                    

Mabilis na dumaan ang pasko at new year at medyo mahirap man eh nakayanan ko naman makasurvive nang di nakikita ang bestfriend ko for almost one month. Umuwi kasi sya sa Korea at ako naman eh sa aming bayan.

Naging masaya naman ang bakasyon ko kasama ang pamilya ko at naging proud sa akin ang papa ko nang malaman nyang naging member na ako nang club at nagkabati na kami ni Ella.

Ikinuwento ko din sa kanila ang about kela Baekhyun at natuwa naman sila. Nais pa nga nilang makita si Baek pero syempre hindi pwede kasi nasa Korea nga sya.

January 10, first day namin sa school at excited akong pumasok pagkat makikita ko na ulit si Baek after nang mahabang bakasyon.

Hindi kasi sya umuwi nang boarding house. Dederetso nalang daw sya sa school pagkagaling nang airport.

Papasok na ako nang gate nang makasalubong ko si Sulli. Matamlay ang itsura nya ngunit nakuha parin nyang ngumiti nang makita ako.

"Hi unnie. How have you been?" Tanong nya at niyakap ako na sinuklian ko naman.

"I'm good! How's your vacation?"

"It went nice. Did you see Baekhyun oppa?" Tanong nya na parang nag-aalinlangan pa.

"Not yet but he said he'll be here this morning before his class." Sagot ko at ngumiti lang sya.

"Good. I'll be going then. Tell him I say hi." Sabi nya at nagsmile sabay wave.

"Sure. Have a nice day!" Sabi ko na sinuklian din ang ngiti at pagkaway nya.

---

Natapos ang first period at hindi nakarating si Baek. Ni hindi rin sya nagtext sa akin.

Hanggang lunch time eh hinintay ko ang text nya pero wala parin. Ngunit nung bandang 4PM na biglang nagbeep ang phone ko at dalidali ko naman itong kinuha upang tignan kung sino ang nagtext.

FROM: BONBON

Hey Gwennie! I'm sorry I have something important to do. Are you at school now? Please go home early, I'm at the rooftop. I badly want to see you :)

Xoxo,

Your Bonbon :)

Napangiti ako nang mabasa iyon at dalidali akong lumabas nang gate at pinara ang napadaang tricycle para makauwi agad agad!

---

"Bonbon?" Tawag ko habang patakbong inakyat ang hagdan. Parang naka'two steps at a time pa nga ako eh! Excited much? Hayaan mo na, minsan lang eh!

"I'm here Gwennie!" Sabat naman nya at kahit hapong hapo pa eh mas binilisan ko pa ang pagtakbo.

"Bonbon!" Masaya kong bati sa kanya at tumayo sya sa pagkakaupo at sinalubong ako nang mahigpit nyang yakap.

"Waaahhh!! I missed you Gwennie!" Sigaw nya habang karga at yakap ako at inikotikot sa ere.

"I missed you too! How have...you..been?" Hingal ko pang tanong nang mailapag na nya ako.

"I'm good! I missed you so much! I missed Philippines!" Sabi nya at niyakap ako ulit. Oi! Nakakailan na yan ha? Psh! Hayaan mo na! Minsan lang eh? Dumadalas na yan ah? Psh!

"Hey! You never texted me that you can't make it to school!" Pagtampo ko at agad naman syang bumawi.

"Sorry na? I just fix something important kasi? Are we okay now?" Sabi nya na nagpacute pa. Tumango lang ako at pinisil ang ilong nya. Ang cute nya kasi lalo na pagnagtatagalog.

Our SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon