Late na akong nagising. Okay lang dahil sabado naman. Pero ang ikinagulat ko eh ang ingay na nagmumula dun sa kabilang kwarto. Teka, lumipat na ba ang lalaking makakasama ko dito?
Dali dali akong bumangon at binuksan ang pintuan nang kwarto ko para batiin ang bago kung kapit bahay ngunit sakto namang pababa sya nang hagdan na tila nagmamadali nang di ko manlang naaninagan ang kanyang mukha.
Buong araw akong nagkulong sa kwarto. Hindi na muli nakaakyat yung makakasama ko sa taas. Sa tingin ko eh lumabas sya at dun na mismo naglunch. Baka nabored na sa kakatambay dito.
Napagpasyahan ko'ng maglaba nalang at nang matapos eh nagluto narin ako nang hapunan. After nun tumungo na ko sa itaas, sa aking hideout at nagduyan habang nagbabasa nang libro.
"Oi Gwen, nandito ka pala! Kanina pa kita hinahanap na bata ka!" Sabi ni lola habang hapong hapo pa sa pag-akyat sa mataas na hagdan.
"Oh! Bakit po la?" Tanong ko at tumayo at sinalubong sya upang magmano.
"Nasabi naba sayo nila Lee na may kasama kana dito?" Tanong ni lola. Tumango naman ako at alam ko na ang susunod.
"Iha. Lalaki ang makakasama mo. Mabait yung batang iyon ngunit kelangan mo paring mag-ingat. Iba rin ang lahi nun kaya baka hindi kayo magkaintindihan." Pangaral nya.
"Ibang lahi? Ano po pangalan la?" Tanong ko nang may pagtataka. Dalawa kasi sa mga kaibigan ko'ng Koreano ang maglilipat nang boarding house. Si DO at Baek.
"Ay hindi ko na matandaan. Mahirap kasi bigkasin ang pangalan nya. Dibale magkikita naman kayo, sa lunes o martes lilipat na sya. May aayusin lang daw sya sa dati nyang tinitirahan. Basta yung bilin ko ha? Wag mong kakalimutan!" Pangaral ulit ni lola.
"Opo la. Magbebehave po ako pramis!" Sabi ko sabay taas nang kanan kung kamay na nanunumpa.
"Hmp! Itong batang to talaga. May tiwala ako sayo, dun sa lalaki wala kaya pinapaalalahanan lang kita. Magsumbong ka sakin ha?" Sabi nya at tumango ulit ako.
"Oh! Sya sige..bababa na ako at nasusunod na ang sinaing ko." Sabi nya at tuluyan nang bumaba.
---
Lunes na, at syempre ibig sabihin nun eh maagang pagpasok sa school para sa flag ceremony.
Lunes na! Oo, Lunes na! At eto ag araw na kinakabahan ko'ng dumating pagkat makikita ko na naman ulit si Baek.
Si Baek na nakaeksena ko sa acquaintance party nung Friday saksi ang buong school.
Kinakabahan man ay dali dali akong nagprepre at umalis na papuntang school. Mage-eight na kasi at saka palang ako aalis papuntang school. Mga five minutes pa naman tong kalyeng tatahakin ko papuntang school.
Halos madapa na ko sa kakatakbo palabas nang gate nang may biglang bumusinang sasakyan. Nakilala ko iyon bilang kay Baek kaya nang mapansin ko ai nagkunwari lang ako na di ko sya nakita.
Dali dali akong naglakad palayo at napansin yata nya ako kaya pinaharurot naman nya ang sasakyan nya palapit sakin.
"Hey! Good morning Gwennie~" Bati nya sabay kindat.
"Uhm..Magandang umaga!" Ang naisagot ko at kumunot naman yung noo nya kaya trinanslate ko narin. "I said good morning." At ayun tumango lang sya.
"Hop in now or we will be late!" Sabi nya sabay bukas nang pintuan, at kahit naiilang man eh sumakay nalang ako. Kesa naman malate diba? Arte arte pa kasi! Hmp!
"You seem to be avoiding me huh? What is it? Because of that kiss?" Sabi nya nung makapasok ako sabay ngiti nang nakakaloko.
"Ewan ko sayo! Tara na nga!" Sabi ko sabay sapok sa balikat nya at tumawa lang sya sabay paharurot nang sasakyan nya.
BINABASA MO ANG
Our Song
Novela JuvenilA story of a love that has been composed by two hearts enclosed with friendship and love for music. A man who departed to foreign land to find its journey and be free. A woman who believes that being alone is better than having a friend who'll just...