Chapter 8: Can I Have this Dance?

46 1 0
                                        

Mahigpit ang hawak ko sa basong nangangalahati na na kanina lang ay halos mapuno nang sprite. Tila ang lakas ko ata uminon ngayon. Uhaw na uhaw ako, o sadya lang kinakabahan lang?

Nagsimula na kasi ang sayawan at halos lahat nang mga kaklase ko ay nasa dance floor na. Kami ni Baek? Eto, nagpapalamok sa isang tabi.

Bahagya syang tumatawa tuwing napapatingin sya sa mga classmate namin or kela Kai na halos lamunin na ang dance floor sa pagsayaw. Si Sulli naman eh nagi-enjoy na makipagsabayan sa kanya.

Nagpaikot ikot ako nang tingin hanggang sa maspot nang mata ko si DO na masayang nakikipag-usap sa isang babae. Nanlaki naman ang mata ko nang mamukhaan ko ang babae.

"Ella.." pabulong kung sabi at napansin ata ako ni Baek. Bigla nyang itinuon ang tingin nya sa direksyon na tinungo nang mata ko at ibinalik sakin.

"Looks like Kyungsoo got a new chick. Affected?" Sabi nya sabay taas nang kilay. Tiningnan ko sya nang masama sabay laklak nong sprite na iniinom ko. "Looks like yes." Dugtong nya na parang nanggagalaiti sa di malamang dahilan.

"FYI, I am not affected and I don't care!" Sabi ko sabay glare sa kanya at tumawa naman sya.

Tumahimik nalang ako after nun at patuloy lang ang malakas na music at gayon din ang sayawan nang mga estudyante. Mas lalo pa silang dumami at dumagdag din ang kanina pang nag-uusap na si DO at Ella.

Sa totoo lang wala akong pakialam kahit sino man ang makasama nang babaeng yun. Ang ayaw ko lang eh yung mga taong malapit sakin ang kapitan nya at sa muli ay malasin na naman ako. Napabuntong hininga nalang ako at sinapo ang aking noo.

"Hey, are you okay?" Tanong ni Baek. Tumango naman ako at ngumiti lang.

Lumipas ang sunod sunod na kanta at bigla nalang tumigil sa pagwawala ang crowd. Kasunod nun ang pagkumpulan nang mga tao kasama ang mga partners nila. Ang ilan naman ai nagsiupuan na. Dun ko napansin, sweet na pala ang music.

"Uhmm..." ungol ni Baek na ikinakuha naman nang attensyon ko. "I'm..." ulit nya at tila hiyang hiya na kinakamot ang batok nya habang nakangiti.

"What?" Tanong ko. Anu ba yan. Natatae ba sya? Pwede naman sya umalis lang o di kaya sabihin na mag'ccr muna.

"Can I have this dance?" Tanong nya at parang namingi ang pandinig ko nung sabihin nya yun. Ano daw?

"H-Huh?" Naisagot ko na lamang.

"Comon' Gwen, don't make me say it." Sabi nya sabay pout na parang bata. Napatawa nalang ako nang mahina at napailing. Di lang pala sya demanding, nanghaharas pa!

"Can we?" Sabi nya sabay lahad nang kanyang palad.

"Okay!" Sabi ko sabay tayo at naglakad na kami papuntang dance floor.

Tumigil kami sa may bandang gitna at humarap sya sakin. Ngiti lang sya nang ngiti. Nakakaloko talaga tong intsik na to!

"Shall we?" Tanong nya at ngumiti lang ako. Sunod nun eh kinuha nya ang kaliwang kamay ko at marahan itong ipinatong sa kanyang balikat habang ang kanan naman ay mahigpit nyang hawak.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nagkalapat ang mga kamay namin. Hindi rin ito ang unang nagkatinginan kami at nakangiti sya. Ngunit, ito ang una kung sayaw. Ang unang beses kung pagtapak sa dance floor na ikinakaba ko.

Hindi ako dancer, malamang sa malamang eh hindi ako magaling. At ang ikinakaba ko pa eh baka maapakan ko pa ang paa nya. Nga pala? Ba't ngayon ko lang narealize yun? Umuo pa naman ako! Wala nang atrasan to!

Napansin ni Baek ang pagkabalisa ko kaya natigil muna ito at tinignan ako nang nakakunot ang noo.

"What's wrong?" Tanong nya.

Our SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon