This is it! Eto na talaga! Wala nang atrasan to! Woah!
Namamawis ang palad ko habang hinihintay kung buksan ni Sulli ang kurtina nang salamin. Hindi ako mapakali. As in super kinakabahan ako. Baka kasi ang pangit ko pag may make up.
"Are you ready unnie?" Tanong sakin ni Sulli na ngiti nang ngiti. Tumango lang ako at hiyang ngumiti sa kanya.
"Okay! See yourself!" Sabi nya sabay hablot nung kurtina at bumungad sakin ang bagong bago kung mukha.
"Oh my G!" Pabulong kung sabi at madramang itinakip ang palad sa aking bibig.
Hindi ako makapaniwala na ako ang nasa salamin. I mean, hindi ko alam kung ako nga ba ito o pinaglalaruan lang ako nang aking imahinasyon.
"Ako ba talaga to?!" Pasigaw kung sabi sabay sapo nang aking mukha. Kinurot ko pa ang aking pisngi at masakit nga! Hindi ako tulog! Gising na gising ako sa katotohanang may igaganda pa pala ako.
"You like it?" Tanong ni Sulli habang tawa tawang pinagmamasdan ako.
"Yes! I love it! Thanks Sulli!" Sabi ko sabay akap sa kanya.
"Careful! You'll ruin your hair unnie." Sabi nya sabay kalas sa pagyakap sakin at inayos ang aking buhok.
"It's nothing unnie. Thank you for caring my precious oppa. I owe you alot! Thanks for befriending him." Sabi nya sabay hawak sa kamay ko.
Hindi ko sya maintindihan. Ang totoo nyan naguguluhan ako. Hindi ko alam kung tama ba ang naririnig ko or sadya lang na nais nyang kaibiganin ko si Baek para panandaliang makalimutan nya ang tungkol sa nakaraan nila. Na pansamantalang mapawi ang sakit sa puso nito at para hindi mapag-isa.
Naguguluhan man at nais kung magtanong ngunit mas pinili ko nalang na hayaang nakakubli ang katotohanan at patuloy na maging masaya kasama sila.
Tumango nalang ako at muli ay nagyakapan kami. "Thank you so much unnie." Muli na naman nyang sabi at muli ay bumuntong hininga ako at tinapik ang balikat nya.
---
"Jagiya, Let's go!" Sigaw ni Kai sa labas nang aparment ni Sulli. Nakarating na pala sila at susunduin na kami.
"Coming!" Sigaw ni Sulli at sinenyasan ako bago tumungo sa pinto. Dali dali naman akong tumakbo palapit sa kanya at bumaba sa first floor nang kanyang aparment para salubungin si Kai.
"You look great Babe!" Bati ni Kai at ngumiti nang pagkaloko kay Sulli. Tila kinilig naman si Sulli at nagmadaling tumungo ito palapit sa kanya at hinagkan sa pisngi.
Nangunot naman ang mukha ni DO at bored na pumasok sa sasakyan sabay lagapak nang pinto sa marahas nyang pagsara dito.
Maya maya din ay bumukas ang kabilang pinto at nakita ko si DO na nakatingin sakin.
"Hey Gwen! Is that you?" Tanong nya nang nakakunot ang noo.
Nagwave ako sa kanya at mahiya hiyang ngumiti. Nakakailang naman to!
Lumabas sya nang sasakyan at tumungo sakin. Di naman ata kami napansin ni Sulli at Kai sapagkat busy sa paglalambingan ang dalawa.
"You look..beautiful!" Sabi nya na parang di pa makapaniwala. Sabagay, sino ba naman ang hindi mabibigla? Ang galing kasi magmake-up ni Sulli kaya naremedyuhan pa ang exotic kung mukha!haha.
"T-Thank you.." sabi ko nalang sabay higpit nang hawak sa dala kung pouch. Aminado akong napakapula nang pisngi ko ngayon at di rin makakailang nahalata ito ni DO.
"You're cute!" Sabi nya sabay tawa nang mahina dahilan nang paglala pa nang pamumula ko.
"Hey you two! Stop flirting ang hop on now! We're late!" Sigaw ni Kai sabay tawa nang malakas.
BINABASA MO ANG
Our Song
Roman pour AdolescentsA story of a love that has been composed by two hearts enclosed with friendship and love for music. A man who departed to foreign land to find its journey and be free. A woman who believes that being alone is better than having a friend who'll just...
