Well, ilang days narin akong naninibago sa hyper at bagong paguugali ni Baek. Kung dati makulit sya ngayon nasobrahan na yata!
Thank god at free day ngayon so this means I'm free from that annoying guy.
Walang pasok ngayon kaya trip ko tumambay sa boarding house at dumuyan sa aking mini garden sa rooftop.
Pag wala akong ginagawa dito ako pumupunta. Abandunado ang rooftop nung una at nagsisilbing sampayan lamang namin ito ngunit nung tumira ako dito nakita kung napakagandang tumambay dito lalo na sa umaga at gabi. Napakapeaceful kasi.
Nang magisa nalang ako sa may pinakatop floor eh ipinaalam ko kay lola na gagawa ako nang garden dun at luckily, pumayag naman sya na ikinasaya ko kasi tinulungan pa ko nila kuya Psy at Lee sa paggawa nang kubo at duyan. Kaya ayun! Perfect hideout ko na to!
Makulimlim ang kalangitan at bahagya nang bumuhos ang katas nito kaya dalidali akong tumakbo pababa.
Medyo bored na ko kaya naisipan ko munang matulog. Siesta time na rin naman. Humiga ako sa kama at nagsimula nang magbilang nang tupa hanggang sa tuluyan na kung tumungo sa neverland.
"Oi dahan-dahan naman at baka masira yan!" Sigaw sa labas at sa tingin ko eh si kuya Lee yun. Sa boses palang kilala ko na mga tao dito.
"Tulungan mo kasi ako. Mabigat kaya to?" Sigaw naman ni kuya Psy.
Ang ingay naman yata nila. Ano kayang nangyayare?
Dali dali akong bumangon at binuksan ang pinto at nakita ko silang buhat buhat ang isang malaking flat screen TV papasok sa kabilang kwarto.
May new boardmate ba? Baka nakapagdecide na yung lalaking sinasabi ni lola na bumisita nung nakaraang araw?
"Kuya anong meron?" Tanong ko kay kuya Psy.
Dahan dahan nilang inilapag sa sahig ang TV at bahagyang huminga bago tinungo ang tingin at sumagot sakin.
"May bago ka nang makakasama rito. Lilipat sya sa makalawa. Kaya eto, inaayos na namin yung kwarto para ready na pag lipat nya." Paliwanag ni kuya Psy.
"Ahh.." sabi ko na lamang sabay balik sa kwarto ko at humiga ulit.
Napalundag naman ako nang biglang magvibrate ang phone ko sabay ring nang napakalakas.
"Anu ba yan!" Reklamo ko sa gulat. Nakalimutan ko yata isilent mode.
Tawag iyon galing sa kung sino man. Di kasi nakaregister ang number nya.
Inunlock ko yung phone sabay sagot dito.
"Sino-"
"Gwennie!! It's me Baek! Can you go out and meet me down here?" Sigaw nya.
"Kay!" Bored kung sagot at dalidaling bumaba nang hagdan. Nasalubong ko naman ang mga boardmates kung babae sa second floor na tili nang tili. Kala mo naman nakakita nang artista.
"Anyare?" Tanong ko.
"Ang gwapo nung guy sa baba..Ewan ba't napunta yan dito. May hinahanap yata. Tara baba tayo imeet natin baka ako yung hinahanap!" Excited na sagot ni Che sabay hila kela TinTin at Joy. Natawa naman ako nung makita kong si Baek yung tinutukoy nila.
"Hi! Sino hinahanap mo?" Tanong ni Che na halata namang pinipigil lang ang kilig. Sunod-sunod ding nagtanong ang iba ko pang kaboardmates.
Ilang na ngumiti lang si Baek. Di nya naiintindihan yung mga sinasabi nila pero bukod pa dun parang naiirita yata sa sya pagkumpulan nang mga boardmates kung babae dun.
Lumapit ako sa kanila at agad naman akong nakita ni Baek. "Oh! Gwennie!" Sigaw nya.
Agad namang ibinaling nang mga babae ang tingin nila sakin na para bang gulat na kilala ako nang lalaking pinagpapantasyahan nila.
BINABASA MO ANG
Our Song
Подростковая литератураA story of a love that has been composed by two hearts enclosed with friendship and love for music. A man who departed to foreign land to find its journey and be free. A woman who believes that being alone is better than having a friend who'll just...