Dali dali akong tumakbo papuntang roof top para mameet ang bago kung makakasama dito sa pinaka top floor.
Hingal man ay mas nangibabaw parin ang excitement sakin at kahit madilim eh go na go parin ako sa pagkapa sa dilim para mabuksan ang ilaw.
Akma ko nang bubuksan ang ilaw nang bigla nalang may umilaw sa aking likuran.
Nagmula ito sa makukulay na ilaw at ang ipinagtaka ko naman eh hindi naman pasko. July palang pero ba't naman naisipan nilang magkabit nang christmas lights.
Naglakad ako palapit sa aking swing na nandoon mismo nakapulupot ang mga christmas lights hangang sa haligi nang aking kubo.
Napakaganda nitong tingnan. Ang ipinagtataka ko lang eh kung paano ito naset up at kung sino ang nagset up mismo.
Pero base nga sa sulat, siguradong ang bago ko'ng kasama ang may gawa nito. Napakagaling naman nya at napakasweet para imeet ako nang may ganito pa talaga.
"Do you like it?" Isang boses na galing sa aking likuran ang bahagyang gumulat sa akin.
Lumingon ako para makita ito, kahit alam ko na sa boses palang ay sya nga.
"Baekhyun!" Masaya ko'ng bati sabay takbo at yakap sa kanya. "I know it's you!" Dugtong ko pa at mas hinigpitan ang yakap sa kanya.
"I want to be with you that's why I decided to transfer here!" Sabi nya nang kumalas kami sa pagkayakap.
"Did you miss me that much? Duh? It's like everyday that we're together?" Pabiro ko'ng sabi sa kanya.
"Its not safe for you to be here alone especially you're a girl. You are my best friend that's why I want to protect you." Sabi nya sabay kurot sa ilong ko.
"Ouch!" Pabiro ko namang sabi at naginarteng nasaktan pero di naniwala ang mokong at nagtawanan nalang kami.
---
Lumipas ang mga araw na masaya at masigla. Walang oras na di kami nagkakasama at kahit nasa boarding house man eh palagi parin kaming magkasama.
Lagi kaming tumatambay sa roof top at yun nga, naging hide out na namin iyong dalawa.
Mas pinaganda pa namin iyon at naging play area kung saan kaming dalawa ai nagpapractice kumanta, tumugtog nang piano at gitara na pareho naming nadiscover sa isa't isa. Ngunit ang pagiging magaling nyang pianista ang dati pang alam ko na.
Di lang pala sya magaling tumugtog, magaling din syang kumanta na ikinamangha ko pa.
Sya man din ay humanga sa galing ko'ng mag gitara, at kahit di nyo man halata eh may kagalingan rin ako sa pagkanta.
Di naman siguro magkakandarapang maghabol si Steff sakin kung hindi ako magaling diba? Woah! Ang hangin!
Mapa'week days o weekend man, magkasama parin kami ni Baek at yun nga, di ko na namalayang matagal na pala akong hindi nakakauwi sa amin na dahilan upang mabigla ako sa ibinalita sa akin nang aking kapatid.
"Gwen. Si lolo, wala na, wala na ang lolo Gwen." Mangiyak ngiyak na ibinalita sakin ni Gian na bigla ko namang ikinahagulhol sa gitna nang klase.
Lahat nang kaklase ko maging ang teacher ko ay nagulat sa bigla ko'ng pag-iyak. At dahil sa nangyaring iyon, malungkot akong pumasok sa mga sumunod ko pang klase.
Buong subject na kasama ko si Baek ay tahimik lang ako. Kahit sya ay tahimik lang din na ikinataka ko naman dahil hindi nya ako kinukulit sa kung anong nangyari sa akin. Alam na kaya nya?
Natapos ang klase namin sa English at nagkataong free time ko na the whole afternoon. Pauwi na sana ako nang magtext si Baekhyun.
FROM: BONBON
BINABASA MO ANG
Our Song
Teen FictionA story of a love that has been composed by two hearts enclosed with friendship and love for music. A man who departed to foreign land to find its journey and be free. A woman who believes that being alone is better than having a friend who'll just...