Chapter 1: New Friend

137 2 0
                                    

"Gwen hintay!"

"Gwen!"

"Oi! Gwen!"

"Ai butiki!" sigaw ko ng bigla akong kalabitin ng classmate kung si Steff.

"Pasensya na, kanina pa kasi kita tinatawag eh di mo manlang ako nilingon." sabi nya sabay pout. Tinanggal ko ang earphones na kanina pa ai nakasabit sa tenga ko.

"Kaya naman pala eh!" inis nyang sabi sabay pamewang.

"Ano bang sasabihin mo at hinabol mo pa talaga ako?"tanong ko sabay taas ng kilay. Dinukot nya ang isang piraso ng papel sa bulsa at inabot sakin.

"Oh! Invitation para sa glee club. Gusto ka sana naming isali. Gwen masaya yun! Tsaka magaling ka kumanta kaya sali kana?" sabi nya sabay pout na parang batang nagpupumilit na makahingi ng dagdag baon sa nanay nya.

"Ayoko." tinatamad kung sambit at umakma akong tatalikod ng hilain nya ang bag ko dahilan upang ako'y mapaharap ulit sa kanya.

"Sige na Gwen? Please...?" pagpupumilit nya.

"Sabi ng ayaw ko eh! Ba't ba ang kulit mo?" inis kung sagot. Binitawan naman nya ang bag ko at yumoko nalang at tumalikod para umalis. Haharap ulit sana sya ngunit pinigilan ko.

"Wag mo nang subukan. Di parin ako papayag kahit iyakan mo pa ako." matigas kung sabi at humakbang na sya palayo sakin. Huminga na lamang ako ng malalim at wari sinisi ang aking sarili sa kasupladahang ginawa ko.

Oo, suplada ako at napakarude ng ugali ko. Eh ganun talaga ako eh!

Nagsimula na kung maglakad papuntang library, favorite hangout place ko pagbored na ko masyado. Madalas akong pumunta dito lalo na after class. Minsan nga tumutulong nalang ako sa pagsasara ng library para lang matapus ang librong binabasa ko. Mahilig akong magbasa, di lang halata!

6 pm na pero marami paring estudyante. Nag'ooffer kasi ng evening class ang school namin kaya maraming student ngayon na nakatambay para maghintay ng susunod nilang klase sa gabi.

Malapit na ko sa AVR(Audio Visual Room) nang school namin kung saan ngpapractice ang dance troupe ng school. Walang tao kasi walang practice sila. Abah! alam ko yata ang sched. Eh kasi naman ang crush kung si Josh kasama sa dance troupe.

Palagi ko kasing sinisilip yun.......pag nagpaparactice. Kayo ha? Wag masyadong green. Nature lover lang ang peg? haha.

Deretso ako sa paglalakad ng bigla akong napahinto ng marinig kong may tumutogtog ng piano. Yung kantang yun, ngayon ko lang narinig yun pero ibang klase ang dating sakin. Yun bang parang iiyak na ko sa sobrang sad nya. Yung tipong ilalabas ang mga lungkot na nakabaon sa puso ko. Yung tipong cocomfort sakin sa madahan at napakapulido nyang pagtugtog.

Dahan-dahan akong naglakad palapit sa glass na pintuan at sinilip kung sino ang tumutogtog. Bahagya kung itinaas ang aking kaliwang kamay para magsilbing panangga sa ilaw at makita kung maiigi ang kaganapan sa loob. Eh kasi naman may lahi yatang bampira 'tong taong to. Madilim di manlang pinaandar ang ilaw. Bulag yata.

Sinilip ko kung sino ang tao sa loob at isang lalaking maputi at may katamtamang taas ang nakaupo sa bench at nakaharap sa malaking piano na pag-aari nang school. Nakapikit sya habang dahan-dahang inilalapat ang kanyang magandang daliri sa bawat keys ng piano. Ngayon ko lang nakita 'tong lalaking to at sa tingin ko eh hindi sya pinoy. Kung pagmamasdan mo ng maiigi kahit nakapikit sya eh halatang singkit ang mga mata nya at di makakailang mala'labanos ang kutis nya sa sobrang puti.

Insecure naman ang lola nyo..maputi naman ako pero di kasing putla nang instsik na to. haha.. Ito siguro ang sinasabing bagong transferee nang mga kaklase ko kanina. Infairness, tama sila, gwapo nga...pag nakaside view haha..di ko pa nakikita ang buong itsura nya eh!

Our SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon