Chapter 15: Crushed Hopes

20 1 0
                                        

"I like you Gwen..more than a friend."

Paulit ulit na nagrereplay sa utak ko ang katagang sinabi ni Baekhyun. Para na nga akong sira na di parin makapaniwala sa nangyari.

Hinalikan nya ako, sa lips pa talaga. At di lang yun, sinabi pa nyang gusto nya ako higit sa isang kaibigan.

Gaya kanina, twing naaalala ko iyon ay parang presong nagwawala ang puso ko sa halong kaba at di maipaliwanag na tuwa.

Oo, natutuwa ako, pero may kung ano sa loob ko na nagsasabing hindi ko pwedeng maramdaman ito. Na parang mali ang umasa ako.

Pero bakit? Bakit ako nagkakaganito?

"Arrrgghhhh!!!" Inis ko'ng hinila ang kumot at tinalukbong sa mukha ko. Hindi ako makatulog. Ala una na nang umaga pero hindi parin ako dinadalaw nang antok. Si Baek kaya? Nakatulog kaya sya nang mahimbing?

Bumuntong hininga nalang ako at ipinikit ang aking mata, nagbabakasakaling dumalaw ang pinakahihintay ko'ng antok pero wala parin. Ang boses ni Baek na paulit ulit na nagriring sa isipan ko ang mas lalo pang gumigising sa akin.

Bumangon ako at naisipang lumabas muna. Magpapahangin nalang ako sa rooftop. Baka posibleng marelax ang utak ko at sandaling makalimutan ang kabaliwang nagrereplay palagi sa isipan ko.

Umakyat ako nang hagdan at papalapit na sana sa swing nang mapansin ko'ng may taong nakaupo din doon.

Nakilala ko agad sya at di man ako nakapagsalita ay sya ang unang bumati sa akin.

"Hey! Can't sleep?"

Tumango lang ako at tumabi sa kanya at marahang tumadyak para gumalaw ang swing.

"Yeah." Pabulong ko'ng sabi na nakatuon ang paningin sa aming mga paa.

"What's bothering you?" Tanong nya na bigla ko naman ikinakaba. Sabi na nga ba eh! Pampalala ang pinunta ko dito, hindi pamapawala.

Tumikhim ako at ipinahid ang aking dalawang palad sa tuhod ko na namamawis na sa pagkabalisa.

"Uhmm..it's..."

"About earlier?" Pagputol nya at nganga lang ako dun.

Alangan akong tumango at ngumiti lang sya at huminga nang malalim.

"You don't have to force yourself to like me back you know?" Sabi nya nang nakatingin sa malayo. Ako naman ay nakatitig lang sa kanya. Okay lang ba talaga sa kanya kahit basterin ko sya?

"Hindi naman sa ganun Bonbon..Uhmm...the truth is.."

"It's okay. I will give you time to think and contemplate about your feelings for me. We're friends, best friends indeed, and I know that it's not easy for you to have that kind of feeling towards me." Paliwanag nya na ngayon ay nakatingin na sa mga mata ko.

"Baekhyun..."

"Gwen..just promise me one thing?" Pagputol nya at tumango nalang ako.

"Please don't change. Whatever happens, I hope youll not change the way you treat me before. I hope were still be friends." Seryoso nyang sabi at sinuklian ko nalang ito nang ngiti at naguguluhan man eh mas pinili ko nalang na sabihin ang nararapat.

"Of course. We're still friends...whatever happens.."

---

"Alam mo kahit kelan pakipot ka talaga!"

Inis na sermon sakin ni Ella nang ikwento ko ang nangyari kahapon. Sinabi ko sa kanya ang lahat, pati na rin ang conversation namin ni Baek kagabi.

Our SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon