Lunes ngayon. First monday of the month at ibig sabihin nun ay may mass na gaganapin sa chapel nang school.
Dalidali kaming tumakbo ni Baek papuntang AVR. Galing kasi kami sa admin building at kinuha ang aming mga gamit pagkat kami ang kakanta para sa mass ngayon.
Simula nang sumali kami sa glee club naging busy na kami pareho pagka't bukod sa mga event sa school at sa mass every month eh nagcchoir din kami sa St. Jude Thadeus Chapel na malapit lang din sa school namin.
Lagi kasi kaming nagsisimba doon at dahil nga sa member kami nang club nagrequest sila na kung pwede kaming kumanta para sa wednesday afternoon mass nila na ikinatuwa naman namin ni Baek.
"Oh! Gwen, Bonbon! Tara na magsisimula na ang mass." Yaya ni Ella at hinila narin si DO na kakarating din gaya namin.
Pumwesto na kami ni Baek at naghintay na magsimula ang mass. Nang matapos ay dumeretso na kami sa klase at sinimulan ang isang linggo na namang pakikibaka upang makapagtapos sa aming ika apat na taon.
"Hi Gwen! Tapos na ba klase mo?" Tawag ni Ella na kasalukuyang papasok narin nang cafe.
"Oo. Ikaw ba? Nasaan si DO?" Tanong ko nang mapansing di nya kasama ito.
"Ah..dumaan lang sa kasama nilang si Kai. Si Bonbon mo ba?" Tanong nya nang may halong pangangantyaw.
"Anong mo? Ewan ko dun noh!" Sagot ko na may pagkadefensive pala ang dating dahilan nang paniningkit nang mata nya.
"Oi ano ka ba! Nandun sa AVR!" Paglilinaw ko.
"Yun pala ang ewan. Hay! Ewan ko din sayo! Tara na at pumasok sa loob. Dun nalang natin sila hintayin." Sabi nya sabay hatak sakin.
Ganito kami every lunch time. Sumasabay na samin sila DO at Ella. Bihira nalang namin makita si Kai at Sulli na ipinagtaka ko naman dahil parang lagi silang wala sa mood twing nakakasalubong namin sila.
"Hey babe!" Bati ni Kyungsoo at ikiniss sa cheek si Ella.
"Gwennie!!!" Masiglang bati naman ni Baek at patakbo pang lumapit sakin at niyakap ako sa likuran.
"Oi! Ano ka ba! Andaming tao Bonbon baka ano isipin nila!" Saway ko sa kanya habang tinitignan ang paligid na lahat din ay nakatingin sa amin.
"Yah! What's wrong with that! I'm your best friend and it's only a hug. You hug her too right Ella? So why I am not allowed to do that?" Sabi nya nang nakapout pa.
"You're a boy. That's the reason." Sabi ko at nagroll eyes lang sya at tamad na sumalampak sa upuan sa tabi ko.
"Oi..LQ." Tukso ni Ella at pinandilatan ko sya. "Joke lang!" Bawi nya nang tumatawa. Kung di ko lang talaga best friend to tinusok ko na nang rinidor ang mukha!
---
Wednesday, 3PM na at tapos na ang aming klase. Kasalukuyan kaming naglalakad ni Baek palabas nang gate. Papunta kaming St. Jude church para kumanta sa pang 4PM na mass nila.
"Manong sa may St. Jude po." Sabi ko dun sa driver nang tricycle. Tumango naman sya at sumakay na kami ni Baek.
"Eto po bayad. Salamat po." Trying hard na sabi ni Baek nang makaabot kami sa simbahan at napangiti naman ang driver dahil may pagkaslang ito.
"Why are you laughing?" Gulat nyang tanong nang makita akong tumatawa.
"Nothing!" Sabi ko habang kinakagat ang aking labi to supress my laughing.
"Yah! Is it because of my tagalog?" Tanong nya na medyo irita na.
"Psh! Tara na nga!" Hinila ko nalang sya papasok nang simbahan habang patuloy sya sa pagdakdak nang 'I'm trying okay'.
BINABASA MO ANG
Our Song
Fiksyen RemajaA story of a love that has been composed by two hearts enclosed with friendship and love for music. A man who departed to foreign land to find its journey and be free. A woman who believes that being alone is better than having a friend who'll just...
