LYKA's POV
Naalimpungatan ako pagkarinig ko sa alarm clock ko na nakapatong sa bedside table. Dali-dali ko itong ini-off at bumalik sa pagtulog. 'Aaaisssh, tinatamad pa akong bumangon. I'm sure, Daddy will understand,' sa isip-isip ko.
Tinakpan ko ang mukha ko ng pink at malambot kong kumot at pumikit muli. Narinig kong bumukas ang pinto at may pumasok pero hindi ko pinansin. For sure, si Adela na naman ito, ang personal maid ko.
"Mam, kailangan nyo na pong bumangon. Pinapatawag na po kayo ni Sir sa ibaba. Pinasasabi po niya na wag nyo daw pong kalimutan ang VIP Client meeting nyo po ngayong umaga," sabi ni Adela habang binubuksan ang makapal na kurtina na tumatakip sa napakalaking bintana sa kwarto. Ito ang dahilan ng biglang pagliwanag ng kwarto ko. Agad akong dumapa at sinubsob ang mukha ko sa unan.
"Adela, 5 minutes pa please. I can't take this anymore! I didn't have any sleep last night because I was finishing that proposal!" sabi ko na nakasubsob padin sa unan.
Don't get me wrong. It's not my fault that I am like this. Unica Hija lang naman ako ng aking Mum and Dad who are the owners of the Wyong Real Estate Company. Ang tatlo kong kuya ay mga succesful na, internationally. My Kuya Jasper is already in Canada and has his own shipping business there, si Kuya Trent naman ay nasa America at pinamamahalaan ang branch ng company namin doon at si Kuya Marvin naman ay nasa Japan at siya ang CEO ng isang trading company doon.
So, you see, wala na silang choice kundi ibigay sa akin ang pamamahala ng kompanya namin dito sa Pilipinas. I just can't tell them that I don't want any part of it.
I want to have my own choice. This is my own life anyway. Teka, masama ba iyon? Gusto ko lang naman magkaroon ng sariling desisyon sa buhay ko. Minsan naiisip ko, lahat ng luho ko binibigay nila Mum and Dad, pero ni minsan ba, inisip nila kung ano ba talagang gusto ko? Ang passion ko sa pagpinta ang gusto ko talagang ipursue, pero hindi ko magawa kasi I am not allowed to.
One time, I was painting a very beautiful portrait of Mum and Dad, gift ko sana sa kanila. Pero nung mahuli ako ni Mum when I was at the middle of doing it, sinabihan nya ako na itigil ko na daw. Nakakahiya daw na ang Unica Hija nila ay walang ibang ginawa kundi magpinta buong araw. Kailangan ko daw pagaralan ang business namin instead, at ipakita ang galing ko dahil balang araw ako daw ang hahawak ng kompanya namin.
That day, I cried. Kasi not only I felt that my self-esteem was hammered to the ground kundi parang itinapon ko na din ang dream ko na maging isang tanyag na Artist. Dati, painting was everything to me pero ngayon parang wala na akong purpose. Lagi na tuloy ako tinatamad. Aiiiissssh!
"Mam, magagalit po sa akin si Sir kapag hindi ko po kayo kasamang bumaba. Please naman po, bumangon na po kayo," pagmamakaawa ni Adela.
Hinila ni Adela ang kumot na tumatakip sa aking katawan at pilit nya akong binabangon. May pagka istrikto kasi si Daddy, for sure talagang pinapagalitan nito si Adela.
Halos malaglag na ako sa kama. "Adela, you are very scared of Daddy but you are not scared of me. Bitiwan mo nga ako, please! Aiiissssh," sabi ko nalang at umupo sa gilid ng kama pero nakapikit padin at inis na inis.
"Oo na, babangon na nga ako. Prepare my clothes please, magshower muna ako," sabi ko nalang at saka tinungo ang bathroom.
Hindi naman talaga ako masungit, hindi ako katulad ng mga ibang mayayamang Unica Hija sa pelikula. Bad mood lang talaga ako ng araw na ito. Usually naman kasundo ko ang lahat ng tao sa paligid ko.
Kung may isang katangian ako na maipagmamalaki ng magulang ko, ito ay ang pagiging people-centered ko. Ang sabi nila, lahat ng nakakausap ko ay laging namamangha sa mga kwento ko. Lahat ng business partners ng kompanya namin lagi napapa-OO ng proposals ko. Lahat ng VIP clients ko ay madali kong maencourage bumili ng properties. Sabi ng parents ko, ako daw ang lucky charm ng kumpanya.
BINABASA MO ANG
Ang Aking Mail Order Bride (COMPLETED)
Romance"I just want to make my own choice. Just this once, I want to live my life for myself and not for other people." Simula ng makita ni Lyka ang misteryosong larawan ng isang lalaki ay nagiba ang takbo ng kanyang buhay. Sa unang pagkakataon, she made h...