CHAPTER 3

3.2K 79 12
                                    


LYKA's POV

Nagising ako ng maramdaman kong may malakas na yumuyugyog sa mga balikat ko. Kinurap kurap ko ang aking mga mata, pilit kong inaalala kung nasaan ako. Pagkamulat ko ng mga mata ko ay tumambad sa akin ang maliit na mukhang may cute na cheeks. Nakapamaywang ang cute na bata at nakakunot ang noong nakatingin sa akin. Tumingin ako sa paligid at naalala ko kung nasaan ako ngayon.

"Sino ka? Bakit ka nakikitulog sa kama ng kuya ko?" sabi ng batang magkasalubong na ang mga kilay. Gusto ko na talaga lapirutin ang mga pisngi ng batang ito.

"Good morning, pretty young lady." Sabi ko ng nakangiti. Nag inat ako at umupo sa gilid ng kama at humarap dito. Nakita ko ang maliit na ngiting sumilay sa maliit niyang mga labi. Pero sandali lang ito. Bumalik na naman ang pagpapakita niya na masungit siya. "I'm your Ate Lyka, your Kuya's wife."

"M-my Kuya's w-wife?" sabi nito na halatang nasurpresa. Nagulat ako ng bigla itong umiyak.

Lumapit ako dito at niyakap ito. Hinaplos ko ang kanyang maikling buhok na hanggang leeg. "Shhh. Don't cry little one. Tell me what's wrong." pag-aalo ko sa kanya.

"I haven't been invited to my Kuya's Wedding. Gusto ko pa naman maging abay." Hikbi nito. Namumula na ang mga mata nito sa kaiiyak.

Pinigilan kong matawa dahil sa sinabi nito. Akala ko pa naman meron akong nasabi na masama. "Don't worry, pretty girl. I promise that you will be our bridesmaid when your Kuya and I get married in the church. I will let you choose your gown. Anong gusto mong color?" sabi ko sa kaniya habang kandong kandong ko na siya sa lap ko. Naku, patay na ako, nakapangako pa ako. I'm not even sure kung anong patutunguhan ng sitwasyon na pinasok ko.

"Pink!! Pinky promise?" sabi niya habang humihikbi hikbi pa at nakalabas ang left pinky nito.

"Pinky promise." And we entwined our two pinkies together. "Now, tell me your name, pretty young one." I smiled at her.

Bigla na lang kami napalingon ng bumukas ang pintuan at pumasok dito si Trev. "Kitty! There you are!" sabi nito habang nakatingin sa aming dalawa na parang gulat na gulat sa nakita. Nakayakap kasi sa akin si Kitty at nakaupo pa din sa kandungan ko.

Bumaling ako kay Kitty. "Kitty. You have a very pretty name. It suits a pretty girl like you." Ngumiti ako sa kanya habang haplos haplos ang kanyang buhok.

"Thank you! You are the second most beautiful angel I have ever seen in my entire life, Ate Lyka!" tuwang tuwa na sabi naman ni Kitty.

Natawa ako. "Sino ang una?" tanong ko.

"Of course, my Mum." Malungkot na sabi ni Kitty at napalis ang mga ngiti nito. Gusto kong magtanong kung bakit ito malungkot ngunit biglang bumaling ito sa kanyang kapatid, "Kuya! Kanina pa ako intay ng intay sa iyo. Kinalimutan mo akong imbitahan sa kasal mo!" she pouted at Trev.

Halatang gulat na gulat si Trev at parang hindi alam ang sasabihin. Tumingin sa akin si Trev. Eto na naman kami. "So, you already told her. You haven't even bothered waiting for me." Asar na sabi sa akin ni Trev.

"I'm sorry. I just don't know what to do. She asked me. I just answered." Sabi ko nalang para hindi masira ang araw ko. Umagang umaga ay nagsusungit ang lalaking ito. Hinahawaan pa niya si Kitty ng kasungitan eh. "Don't worry, I also told her that she will be our bridesmaid when we get married in the church." Nag wink pa ako sa kanya para lang asarin siya.

Nakita kong namula si Trev pero malamang sa sobrang asar sa akin. Yay! I win! Patawa-tawa ako sa loob ko. Asaran pala ha, let's see! Magaling ako dyan.

"Let's go Kitty." Inis na sabi ni Trev sa kapatid. Hinila pa nito si Kitty mula sa kandungan ko. Halos mapasama ako at muntik mahulog sa kama.

"Kuya naman! Ang init parati ng ulo mo eh. Gusto ko isama si Ate Lyka!" pagdidiin ni Kitty at hinila niya ang kamay ko. Para tuloy kaming naglalaro ng tug of war at si Kitty ang lubid. Ang kinaibahan lang ay nagpapahila ako. Wala akong lakas dahil alas-sais palang ng umaga. Ang aga magbangayan ng magkapatid na ito!

Ang Aking Mail Order Bride (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon