I dedicate this story to my idol Serialsleeper, I am your no. 1 fan, Nanang! Ibang genre po eto but I really like your style of writing. You inspire me to create my very first story. Thank you! From the bottom of my heart. :)
----------------------------------------------------
Tiim bagang si Trev habang nakatingin sa mga dokumento na inaalisa niya sa harapan niya. Hindi na niya alam kung paano iaahon ang kabuhayan na pinagkatiwala sa kanya ng namayapang mga magulang.
Siya ang nagmana ng Hacienda Baltimore at kasama niya sa kanyang pangangalaga ang labing tatlong taong gulang na kapatid na si Kitty.
Daan daan mang hektarya ang lupa na minana, mas naging dahilan pa iyon para lalong malugmok ang kabuhayan. Hindi na kayang bayaran ni Trev ang mga tauhan ng Hacienda. Ang iba ay kusa ng umaalis dahil sa lagi na lang delayed ang pagpapasahod ni Trev. Lalo na ngayon na tag-init at madalang ang patak ng ulan, madalang na rin ang anihan. Pati na din ang mga alagang hayop, mahigit na isang daang baka, kabayo, tupa, baboy at kambing ay hindi na din masyadong napapakain ng maayos dahil na din sa tagtuyot.
Sapo-sapo ni Trev ang kanyang ulo habang nagiisip kung ano pa ang pwedeng magawa niya upang maisalba ang natitirang ala-ala ng kanyang mga magulang.
Hindi niya napansin ng dumating na pala ang matalik na kaibigan niyang si Marcus.
"Trev, ginawa mo na ba ang suggestion ko sayo? Kailangan mo ng katuwang sa pamamahala ng Hacienda ninyo. Hindi mo kakayanin ng magisa ito. Tignan mo nalang ang loob ng mansion na ito, para na itong bodega! At saka ano nalang ang pinakakain mo sa kapatid mong si Kitty? Lagi nalang instant noodles!" panunumbat ni Marcus kay Trev.
Para lang walang naririnig si Trev na nakatulala at nakatingin lang sa mga papel na hawak hawak.
"Oy, Trev!" tinampal na ni Marcus ang balikat nito. Saka palang parang nahimasmasan ito.
"Oh, andyan ka na pala." Baling ni Trev kay Marcus.
"Aba'y kanina pa ako salita ng salita dito, Kausap ko lang pala ang hangin! Ang sabi ko, ginawa mo na ba ang suggestion ko sayo? Binigyan kita ng magandang Agency, subok na subok yun!" giit ni Marcus na nakakunot ang noo sa pag-aalala sa kaibigan.
"Oo. Nagpadala na ako ng litrato gaya ng sabi mo. Siguraduhin mo lang na ibibigay ng Agency na yan ang kailangan ko, kung hindi malilintikan ka talaga sa akin, Marcus ka!" bulyaw ng nanggagalaiting si Trev.
Wala na kasi siyang nagawa dahil sa pangungulit ni Marcus araw araw. Ang sabi nito na makakatulong daw na may makatuwang si Trev sa buhay.
Ang tanging paraan lang ay magpadala ng list of requirements sa isang popular na mail-order bride Agency at presto ipapadala na nila ang babae na best match sa kaibigan. Sila na din ang magpa-process ng lahat ng papers parang maging legal ang kasal ng dalawa.
Hindi naman talaga kailangan ni Trev na dumaan sa Agency. Gwapo ito, matalino, maganda ang pangangatawan dala na din sa hirap ng pagtatrabaho sa Hacienda. Sa totoo lang, kahit minsan lang sila lumabas na magkaibigan para umattend ng mga party, laging si Trev ang pinagkakaguluhan ng mga babae.
Ang problema lang kay Trev ay walang interes lumabas at makipag date. Lagi niyang sinasabi na wala siyang oras at magtatrabaho na lang siya sa Hacienda. Kaya lang talaga siya napapayag ni Marcus dahil makukuha niya ang lahat ng hiniling niyang requirements.
Kahit papaano, naisip ni Trev, makakatulong yun sa kanilang magkapatid. Sa wakas, makakain na sila ng masarap na pagkain, hindi na magmumukhang tambakan ang bahay nila at may makakatuwang na siya sa finances ng Hacienda.
BINABASA MO ANG
Ang Aking Mail Order Bride (COMPLETED)
Romance"I just want to make my own choice. Just this once, I want to live my life for myself and not for other people." Simula ng makita ni Lyka ang misteryosong larawan ng isang lalaki ay nagiba ang takbo ng kanyang buhay. Sa unang pagkakataon, she made h...