LYKA's POV
Naisip kong pumunta sa balcony after dinner para magpahangin. May isang mahabang sofa doon kaya naman ay naupo ako dito at tumingin sa kalangitan. What a lovely night sky! Kitang kita ang napakadaming bituing nagkalat sa langit.
Kay sarap ng simoy ng hangin sa lugar na ito, ibang iba sa usok na nalalanghap sa siyudad. Napakatahimik din dito na para bang lagi kong naririnig ang mga naiisip ko, na kung dati ay nalulunod ako sa ingay ng mga nasa paligid ko.
Dito sa lugar na ito, parang akala mo hindi uso ang problema. But the truth is, the people who are living in this sanctuary are actually hurting. The beauty of this place is deceiving.
"A penny for your thoughts?" nagulat ako ng biglang umupo si Trev sa tabi ko, tumingala din siya sa kalangitan.
"I am just admiring how beautiful the night sky is." nakangiting sabi ko habang nakatingin pa din sa mga bituin sa langit. It is very peaceful here. Naririnig ko pa ang mga kuliglig na maaaring nasa hindi kalayuan.
"It is very beautiful, indeed. Such a shame I didn't take the time to even look at it.." mahinang bulong ni Trev. Tumingin siya sa akin at muling bumulong ".. Until now.." Nahigit ko ang aking paghinga. Ramdam na ramdam ko ang lungkot sa bawat salitang binibitawan niya. Inilagay nito ang mga kamay sa magkabilang bulsa ng pantalon at saka bumuntong hininga habang tumingala ulit sa kalangitan. I just want to comfort him and tell him that everything will be alright.. Na matatapos din ang lahat ng paghihirap niya.
"When life gets too overwhelming, just look up at the night sky and lose yourself for a while. That's what my Grandma used to tell me noong nabubuhay pa siya. It then became a routine whenever I feel lonely and empty. I just gaze at the beautiful starry night and just for a little while, I feel that I am not alone anymore.. My emptiness seemed to be filled with awe.. It made me feel thankful that I am alive.." I told him habang nakatitig sa napakagandang liwanag ng mga bituin. Hindi ko mapigilang ngumiti, punong puno ako ng magagandang ala-ala ng yumaong abuela.
Napatingin sa akin si Trev. Ang mga mata nya ay nangungusap at punong puno ng kalungkutan. "My night sky is anything but starry.." mahinang tugon nito. Ibinalik ang mga mata sa langit. "It has always been dark and empty.. No matter how long I look.. I couldn't see any stars.." mapait na wika nito. Ramdam na ramdam ko ang sakit sa bawat salitang binitiwan ni Trev. Gusto kong pawiin ang kung anumang lungkot at sakit na nararamdaman nito. Parang dinudurog ang puso ko na makita siyang ganito, as if he already lost hope.
I reached out to him and touched his arm, nabigla ito at napatingin sa akin. I smiled at him. " I hope I can offer even just a little brightness in your dark night sky.." I whispered, still looking at him with sincerity in my voice and my eyes. ".. Even just for a little while.."
Nagulat ako ng biglang ngumiti ito, pero this time, umabot na ito sa kanyang mga mata. He held out his hand and took mine. " You already did, Lyka.." bulong nito. "You already did.."
-----
Magkasabay kaming naglalakad sa pasilyo papasok sa bahay. It's getting late at kailangan pang gumising ni Trev ng maaga dahil sabi niya bukas daw ay magiging sobrang busy dahil araw ng pasahod sa mga tauhan. I offered help and he accepted. Kaya kailangan ko na ding matulog. Hirap pa man din akong gumising ng sobrang aga. Bakit pa kasi nag-offer ako!
Nasa harap na kami ng pintuan ng kwarto ni Trev ng bigla kong nasabi, "We should make this our routine from now on. Before we go to sleep." I suggested, balak ko lang namang i-lighten ang mood. Pero nung napagtanto ko ang sinabi ko ay bigla akong namula. "A-ang ibig kong sabihin..W-we probably should do this more often." Hindi ko naman ibig sabihin na matutulog kaming magkasama! Omg, nakakahiya! Hindi na tuloy ako makatingin sa kanya. May paroutine-routine pa akong nalalaman. Kung pwede bang lamunin na lang ako ng lupa, now na please!
BINABASA MO ANG
Ang Aking Mail Order Bride (COMPLETED)
Romance"I just want to make my own choice. Just this once, I want to live my life for myself and not for other people." Simula ng makita ni Lyka ang misteryosong larawan ng isang lalaki ay nagiba ang takbo ng kanyang buhay. Sa unang pagkakataon, she made h...