CHAPTER 4

3K 84 4
                                    


LYKA's POV

Bigla akong natigilan dahil sa nakita kong gulat sa mukha ni Aling Thelma at ni Biboy habang nagkatinginan silang dalawa ng sinabi kong sa Hacienda Baltimore ako nakatira.

Ibinalik sa akin ni Aling Thelma ang envelope na naglalaman ng pera.

"Hindi ko matatanggap ito, iha." tugon na lamang nito at nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata.

"May problema ho ba?" tanong ko sa Ginang. Na-curious talaga ako kung bakit ganoon ang reaksyon nilang dalawa.

"Ang asawa kong si Carding ang isa sa mga nawalan ng trabaho sa Hacienda. Hindi na kasi kayang bayaran ni Sir Trev ang kanyang mga tauhan kaya isa-isa niya itong tinatanggal. Yung iba nga ay kusa na lang umalis dahil laging delayed ang pagpapasahod ni Sir." pagpapaliwanag ni Aling Thelma. "Sunod-sunod ang kamalasang nangyari kay Sir Trev nitong nakaraang taon. Kinailangan pa nga niyang pumunta sa States para lumayo at siguro para na din makalimot. Pero ng namayapa ang kanyang mga magulang ay kinailangan niyang bumalik dito at asikasuhin ang naluluging kabuhayan." patuloy pa na sabi nito.

"Ano hong kamalasan iyon?" Gusto ko talagang malaman kung ano ang nangyayari sa misteryosong lalaking ito. No wonder, lagi itong grumpy at hindi man lang marunong ngumiti. Hindi ko ito masisisi kung parating ganoon ang mood nito. Hindi ko din mapigilan na maawa dito. I feel bad dahil sinungitan ko din ito. I'm sorry, Grandma. Nakalimutan ko po ang mga turo nyo. Oo nga pala, I shouldn't assume anything without knowing the person first.. Na behind that person's smile or frown, there's always an untold story.. Na maaaring lihim na nasasaktan ang taong yun at ayaw lang niyang ipaalam sa iba.

"Hindi ko maaaring sabihin sa iyo, iha. Pilit na lumayo si Sir para kalimutan ang mga mapapait na nangyari sa kanya dito. Wala ako sa lugar upang magsalita tungkol dito. Kapag nalaman niya na usap-usapan siya sa bayan, maaaring mabuksan na naman ang kanyang mga sugat na pinilit niyang maghilom at masasaktan na naman siya. Hindi ko hahayaang mangyari iyon. Mabubuting tao ang pamilya Baltimore. At malaki ang naitulong nila sa bayan na ito." sagot ni Aling Thelma.

Hindi ko mapigilan na humanga sa mga tao sa bayan na ito. Nakikita ko ang pagpapahalaga nila sa isa't isa at wala silang hinihintay na anumang kapalit. Nakakatuwang isipin na meron pa palang natitirang kaunting humanity sa mundo. Parang kinurot ang puso ko sa nasaksihan. Buo na ang pasya ko, I will help them as much as I can. "Tanggapin niyo na po itong bayad na ito, Aling Thelma. Just think of it as my help sa inyo ni Manong Carding. Huwag niyo na lang po ipaalam kay Trev ang tungkol dito." sabi ko nalang para pumayag ito.

Nagdadalawang isip pa din ang Ginang. "Sigurado ka ba, iha?"

"Don't worry, Aling Thelma. Hindi maaapektuhan si Trev dito." sabi ko pa sa kanya habang ibinibigay ko muli ang envelope sa kanya. Nakatingin lang ito habang inaabot ito.

"At saka tawagin niyo na lang pala akong Lyka.. Lyka Baltimore.." nakangiting sabi ko sa Ginang at hindi ko maiwasan na mapansin ang labis na gulat sa kanyang mukha.

-----

Alas singko na ng hapon at papalubog na ang araw ngunit wala pa din ang magkapatid. Binisita nila ang puntod ng mga magulang. Pero baka naisipan din nilang mamasyal. Mabuti na rin iyon para naman makapag-relax naman sila kahit sandali lang. Sana'y makalimutan nila ang kalungkutan kahit ilang saglit lang.

Mga bandang alas-tres ng matapos ang lahat ng gawaing bahay. Tumulong din si Biboy kay Aling Thelma kaya mas napabilis ang paglilinis at pagluluto ng hapunan. Nag offer din ako ng tulong dahil wala namang magawa sa bahay at nabored na din ako. Tinuruan ako ni Aling Thelma magwalis pero inabot ako ng isang oras para mawalisan lang ang living room. Lumilipad kasi ang mga alikabok pabalik sa mga nawalisan ko na. Tawa ng tawa si Biboy kasi parang ginagawa ko daw na golf ang walis. Nakakahiya! Wala man lang akong kaalam alam sa mga gawaing bahay!

Ang Aking Mail Order Bride (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon