CHAPTER 24

2.5K 62 6
                                    


Malakas ang mga yabag na maririnig sa corridor ng hospital dahil sa bilis ng takbo ni Samantha upang mapuntahan ang kapatid. Sobrang tagal na panahon ang hinintay niya upang makahingi ng tawad sa kapatid. Ngayon ay gising na ito! Hindi mapakali si Samantha at hindi siya magkandaugaga kung paano haharapin ang kanyang kapatid.. Lubos naman ang kasayahan niya na kahit paano ay maiibsan din ang bigat ng kalooban na na nararamdaman niya nitong nakalipas na taon.

Nakasunod naman sa kanya si Trev na nagpumilit na samahan siya kahit tumanggi man siya ay hindi din ito pumayag.

Napahinto siya upang buksan ang pintuan ng may marinig siyang malakas na mga boses na nag-uusap sa loob.Nakahawak pa rin siya sa seradura ng pinto ngunit parang biglang bumigat ang mga paa niya at napako siya sa kinatatayuan niya.

"Nay! Bakit niyo naman ginawa iyon?" sabi ng isang boses ng lalaki na hindi pamilyar sa kanya.

Sumunod ang boses ng kanyang Ina. Rinig na rinig niya ang pagtangis nito. "Hindi ko napigilan ang sarili ko Biboy! Masama bang alalahanin ko ang kapatid mong si Samantha na namayapa din sa isang aksidente? Nakita ko ang pagkakataon Biboy, wala namang umaangkin sa kanya bilang anak. Gusto ko lang naman siyang protektahan at alagaan!" sigaw ng kinikilala niyang Ina nitong nakaraang taon. Narinig niya kung malakas na hagulgol nito.

"Ngunit hindi pa rin iyon tama! Unfair iyon kay Ma'am Lyka! Ako ang may kasalanan ng aksidente, Nay! Pinilit ko siyang turuang magmotor! Ako ang pumilit sa kanya!"

Tumulo na ang kanina pang pinipigilang luha ni Lyka sa mga narinig! Hindi na niya napigilan pa ang damdamin na pilit tinatago nitong nakaraang taon. Isang buong taon na puro paninisi at galit sa sarili ang kanyang nararamdaman! Pinipigilan niyang maging masaya dahil puro guilt na lang sa nangyari sa kapatid ang kanyang tanging naaalala kasabay ng pagkabura ng lahat ng kanyang memorya..

Ngunit ngayon ay malalaman niya na hindi pala totoo ang lahat ng kanyang naaalala..

Ang tanging alam niya sa pagkatao niya ay hindi totoo!

Nanghina siyang napaupo sa harap ng pintuan habang tahimik na umiiyak.

Naramdaman niya ang kamay na dumantay sa kanyang balikat at umupo din si Trev sa tabi niya.

"I never doubted that it's really you.. Lyka.." bulong ni Trev na parang nanghihina din sa impormasyong narinig. Hinawakan niya ang mga kamay ni Lyka as if he doesn't want to let her go. Kapwa sila nakasandal sa pintuan at nakatitig lang sa kawalan, kapwa nanghihina sa rebelasyong nalaman. Sa nakaraang buwan na nakilala niya si Samantha, he always knew that she is his Lyka. He just want to give her time to regain her memories. He didn't want to pressure her to remember. He just continued to love her from afar, habang naghihintay sa muling pagbabalik nito.. Pero ngayon at narinig na niya ang katotohanan sa mga taong kumupkop dito, he still felt that all his energy escaped him. She really is his Lyka! He finally found her!

Humarap si Lyka kay Trev habang patuloy pa rin ang pagdaloy ng mga luha sa kanyang mga mata. "T-trev, I don't know who I really am.." nanginginig ang boses niyang nakatitig kay Trev. Ang mga mata niya ay puno ng takot.

Hinapit ni Trev sa isang mahigpit na yakap ang naginginig na si Lyka habang hinihimas ang likod nito as if to comfort her. "Shhh.. I know who you are. You are my Lyka.. Our Lyka.. You finally found your real family. And that's me, Kitty, Maine and Marcus. Soon enough, you will remember everything once you go back to the people who loves you more than anything in this world and to your real home where you truly belong.." he was whispering but Lyka can hear every single word that he said. She couldn't help but cry even more.

"Please take me away from this place," pagsusumamo ni Lyka, clinging to him like he is her only lifeline. Hindi na niya alam kung ano pa ang kanyang dapat na paniwalaan.

Trev slowly pull her up and lead her outside the hospital, to his car and away from that place.. away from those people she thought was her family..

away from those people who deceived her..

Hindi nagsasalita si Lyka buhat ng narating nila ang sasakyan ni Trev, kahit ng magstart na itong magdrive. Nakatingin lang siya sa kawalan. Pilit nitong inaalala ang lahat ng nangyari buhat ng aksidente. Everything she could remember about the accident was a blur. Napahawak siya sa ulo niya. She is having a massive headache dahil sa pilit na pag-alala sa mga nawalang memorya.

"Please don't pressure yourself on remembering, Lyka.. Give yourself some time.." banayad ang boses ni Trev na halatang alalang-ala sa kanya.

Tumingin lang ulit si Lyka sa labas ng bintana ng sasakyan at unti-unting ipinikit ang mga mata. Tuluyan ng bumigay ang hapong-hapo na katawan at nakatulog ito.

Trev glanced at her habang nagtatangis ang bagang. He couldn't believe that they will do that to her! Naghinala na siya noong una pa lang dahil hindi maipagkakaila na si Samantha at si Lyka ay iisa.. the way she talks, the way she smiles, the way she laughs.. and her scent that often takes his breath away.. Everything about her tells him that she is Lyka!

Lalo pang nakumpirma ang kanyang hinala ng malaman niya na ang Ina ni Samantha ay ang ginang na nagluluto at naglilinis sa Hacienda dahil sa pakiusap ni Lyka. Kilala niya ang pamilya ni Aling Thelma na may prinsipyo sa buhay. Kaya hindi siya makapaniwala na magagawa nila ito kay Lyka. He wanted to confront them noong una pa lang ngunit hindi niya ginawa para hindi na masaktan pa lalo si Lyka. Hinintay niyang bumalik ang ala-ala nito, with the hope that she will remember him soon. Ngunit lumipas ang mga buwan at sa paniniwalang unti-unti ng bumabalik ang ibang memorya ng dalaga, napilitan na lamang siyang maging kaibigan muna nito.

Oh how he longed to hold her!

to kiss her and to tell her how much he meant to his life! How much he loves her!

Pero hindi niya magawa in fear na baka mas maconfuse ito at lalo lamang lumayo ang dalaga..

Napahigpit ang hawak niya sa manubela, habang naniningkit ang mata sa galit. She is hurting again.. He hasn't forgiven himself for hurting her a year ago, and only heaven knows how much she is in pain right now! Parang nadudurog ang puso ni Trev sa isipin na iyon..

Narating nila ang Mansyon at mahimbing pa rin ang tulog ng dalaga. He picked her up slowly at dahan dahan na binuhat papunta sa kwarto nila ni Lyka. He put her down gently on their bed at saka kinumutan ito. Hinaplos niya ang kanyang magandang mukha habang hindi mapigilan ang bugso ng damdamin.

"I will never let anyone hurt you again, Sweetheart.." buong pagsuyong bulong ni Trev sa dalaga as he gently kissed her forehead.

Tinignan niya muna ito ng matagal bago tuluyang lumabas ng kwarto.

He knows what to do now..

Kailangan niyang gawin ito para tuluyan ng bumalik ang mga ala-ala ng pinakamamahal niyang si Lyka..

He will do whatever it takes..

Even though it means pain for him..



*****************************

Thank you for reading!

I apologise sa matagal na update.

It was just very busy lately..

Maraming salamat sa walang tigil na suporta at pag-iintay! =)

*****************************

Ang Aking Mail Order Bride (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon