CHAPTER 15

2.6K 73 0
                                    

Inihagis ni Marcus ang mga dala-dalang folder sa coffee table pagkapasok niya ng Mansyon. Dumeretso siya sa kusina at kumuha ng maiinom sa fridge. Mula sa gilid ng mata ay tinignan nito si Trev na umupo ng pabagsak sa sala at sinimulang hilutin ang sintido nito habang nakapikit.

Napansin niyang lagi itong aburido at mainit ang ulo nitong mga nakaraang buwan.. Simula ng umalis si Lyka.. Isang buwan na ang nakararaan..

Hindi na ulit ngumiti pa ang matalik na kaibigan. Naging mas malala ito ngayon dahil nakuha na nitong magsungit kahit sa mga tauhan nito. Mas lalo pa nitong inilulong ang sarili sa trabaho at halos wala na siyang panahon para kay Kitty.

Naaawa na din siya kay Kitty, wala na din itong ginawa kundi umiyak simula ng nalaman nito na umalis na ang Ate Lyka niya.. Lalo na kapag nakikita nito ang kwarto niya with Lyka's beautiful paintings on her walls.

At si Krystal naman, parang lintang laging nakabuntot kay Trev. He keeps ignoring her, but she just doesn't want to go away.

Naalala niya tuloy ang nangyari ng gabing iyon..

Tinawagan siya ni Trev at nagyayang lumabas at uminom. Gulat man at hindi pa kailanman nagyayang uminom ang kaibigan, agad niya itong pinuntahan. Alam na niya agad na may malaking problema ito.

Sinabi ni Trev ang lahat sa kanya. It was very surprising. The first time she met Lyka, he was very sure that she was different from the rest. Hindi niya akalain na makukuha nitong magsinungaling.. It must be for a reason..

He couldn't believe na magagawa ng babaeng mag-fake ng kasal nila. Partly, he was at fault, too. Siya kasi ang naghikayat kay Trev na subukan ang Agency na nirekomenda niya.

Bumalik din sa ala-ala niya ng puntahan niya ang Agency na ito sa Manila kinabukasan. He wanted to get everything straight for his bestfriend. Pagdating na pagdating sa building ng Agency, he barged in and announced his arrival. He wanted to intimidate the owner as much as possible, dahil he was upset too. Naiinis siya dahil nagkaganito ang sitwasyon ng matalik na kaibigan.

"I need to speak to the owner now!" Marcus said firmly sa receptionist na parang natuliro agad. Dinampot ng babae ang phone at may tinawagan.

Pinaupo siya ng receptionist but he refused. He wanted to appear like he's not scared of anyone. Ilang minuto pa siyang naghintay ng may nagsalita sa bandang likuran niya.

"Good morning, Mr. What can I do to help you?" sabi ng isang malamyos na boses na nagpaharap kay Marcus. Natigilan siya ng makita niya ang maliit na babae na hindi lalagpas sa balikat niya. Maikli ang buhok nitong kulay brown at napaka-graceful nitong kumilos. May magandang ngiti ang kanyang mga labi and he can say it's kinda seductive. She's looking up at him with those beautiful eyes. He held his breath. Get hold of yourself, Marcus. Hindi time ngayon na mangbabae..

"I-i need to talk to the owner of this Agency!" sinubukan pa rin niyang magtapang-tapangan. Pero mukhang bumibigay na siya. If only this woman will stop staring at him with those soulful eyes!

"I'm Maine Cortez, the owner of Love Match Agency. And you are?" inabot pa nito ang kamay nito habang nagpapakilala. Automatic namang inabot iyon ni Marcus na pinagalitan ang sarili. He needs to intimidate her! But he found himself smiling at her. Ang lambot ng kamay niya!

"Marcus.. Marcus Montemayor." wala sa sariling sambit niya habang nakatitig pa rin sa mga mata ni Maine. Feeling niya ay para siyang hinihigop nito.

"What can I do for you, Mr. Montemayor?" ulit na tanong nito. Hinila nito ang kamay and Marcus reluctantly let her go.

He cleared his throat before speaking. Parang may biglang bumara sa lalamunan niya. Hindi niya mawari kung ano ang nangyayari sa kanya right this very moment! "My friend was a client of your agency. He found out that his marriage to the woman you sent was not real. How can you explain that, Ms. Cortez?" He said gently. Hindi niya kayang sungitan ang kaharap. She looks like she is such a sweet soul!

Nabigla naman si Maine at nanlaki ang mga mata. Napatakip pa siya sa kanyang bibig. Alam na niya kung sino ang tinutukoy nito! O my God! It means alam na ni Lyka ang lahat!

"Let me explain myself, Mr. Montemayor.."

"Just call me Marcus."

"Marcus.. Lyka is my bestfriend. Kinailangan kong gawin iyon to save her from her parents. Kapag nalaman nila na nagpadalos-dalos ang anak nila sa pagpapakasal, hindi lang ang buhay ng kaibigan ko ang masisira. Pati na din ang sa kaibigan mo! I just literally saved your friend, too!"

Natigilan naman si Marcus. So, that was the reason.. He is pretty sure na walang alam sila Trev at Lyka about dito. Maine's intention is just to protect her bestfriend.

"Where is Lyka? I need to talk to her!" sabi pa ni Maine, showing alarm in her beautiful eyes.

"Hindi mo alam kung nasaan siya?" nakakunot ang noong sabi ni Marcus. "That's my other reason kaya ako andito para pabalikin na si Lyka sa Mansyon."

"W-what?! Lyka left the Hacienda Baltimore?" gulat na gulat si Maine at kinuha mula sa bulsa nito ang cellphone. Nagumpisa itong mag-dial ng numero. She was pacing in the room at makikita ang pagkabahala sa magandang mukha nito.

Marcus was patiently waiting. Pinagmamasdan lang niya ang bawat galaw ng kaharap. Nagulat siya ng bigla itong umiyak. "What's wrong, Maine?" masuyong tanong niya dito.

"She's not answering her phone!" natatarantang wika nito while she's dialing the number again. "This is all my fault! Kapag may nangyaring masama kay Lyka ay hindi ko mapapatawad ang sarili ko!"

"Hey, sweetheart, calm down. Come here and sit down." hinawakan niya ang braso nito para alalayan niya ito sa mga upuan na malapit at sumunod naman ito habang nasa tenga pa rin ang cellphone.

Wala pa ring sagot si Lyka. Napatakip naman si Maine sa mukha niya habang umiiyak pa din.

Niyakap ni Marcus ang babae. He now understands why.. He just doesn't know if Trev will listen..

-----

Bumalik sa kasalukuyan si Marcus. Nagsalin siya ng tubig sa dalawang baso at nagtungo sa sala kung nasaan si Trev. Tama nga ang hinala niya, na kahit anong attempt ang gawin na pag-explain sa matalik na kaibigan ay sarado na ang isip nito. He just doesn't want to talk about Lyka. Yun na lang ang laging bukambibig nito.

Regular pa din and pagcontact niya kay Maine, madalas ay binibisita niya ito sa Manila. Lagi na rin silang naguusap sa mobile phone nitong mga nakaraang araw. She was telling him everything..lahat ng nararamdaman nito.. She's still feeling very bad especially now na hindi pa rin nila matagpuan ang kaibigan nito. Somehow, it turned really good for Marcus because he came to like Maine. Hindi nga lang magandang pagkakataon na magtapat ng nararamdaman dito. He needs to wait a little longer..

Napabuntong hininga siya habang pinagmamasdan si Trev. Ipinatong niya ang dalawang baso na may lamang tubig sa coffee table at itinabi ang mga folder na unang inilagay niya dito.

"Trev.." tawag niya sa kaibigan. Nakatulog na siguro ito sa sobrang pagod sa farm. Kinailangan nilang mag-audit ng mga inani kanina. Nasiyahan naman siya sa resulta ng anihan ngayon. Nakatulong din talaga ang Irrigation system na pinalagay ni Lyka. Isa ito sa gusto niyang ipagpasalamat sa dalaga, kung makikita niya lang ito.

Inabot niya ang isa sa mga folder sa harapan niya. Pumunta kasi ang lawyer ni Trev kanina at madami itong inabot na documents kay Trev na hindi pa nito natitignan dahil sa kawalan ng oras. Gusto niyang tulungan ang kaibigan kaya pag-aaralan niya ang laman ng mga documents na ito.

Binuklat niya ang isa sa mga folder..

Ngunit maling folder ata ang nabuksan niya!

Nanlaki ang mata ni Marcus sa nakita..

It was the Deeds of Sale ng kalahati ng Hacienda!

At nakapangalan ito..

kay Lyka Baltimore!

********************

END OF CHAPTER 15

THANK YOU SO MUCH FOR READING!

Photo of Maine at the Media Section! :)

*********************

Ang Aking Mail Order Bride (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon