CHAPTER 21

2.6K 65 3
                                    



SAMANTHA's POV

I got to know Trev more after the almost catastrophic incident. He is not that bad pala katulad ng mga sinasabi ng iba.. katulad ng sinasabi ng Nanay ko.. Kung anuman ang reputasyon niya sa town, although mas marami akong negative comments na naririnig, I still decided to give him the benefit of the doubt. Hindi naman siguro masama na maging kaibigan siya, right? Tutal, he just saved my life! I almost died.. again!

In fact, I discovered that he is such a lovely guy. He is thoughtful and such a gentleman! He seemed to be thinking of the welfare of others before his own.

Napag-alaman ko din from Marcus kung gaano niya kamahal ang kanyang nakababatang kapatid. I wanted to ask more pero ayoko namang sabihin ni Marcus na masyado akong interesado! Minsan kasi may pagkasutil yung isang iyon. He's always picking on me!

Trev started to do deliveries personally. Lihim naman akong natuwa kasi mas madalas ko na siyang makita sa town. Sabi kasi nila, he hasn't visited the town for a long time after his parents passed away. Suddenly, I feel bad for him. Hindi ko naman siya masisisi kung nawalan na siya ng ganang lumabas. I would probably do the same kung nangyari din sa akin yun.

Lately, napadalas din ang punta ni Marcus dito sa cafe, lagi siyang may kasamang maliit at cute na babae. Pinakilala sa akin ni Marcus yung babae na ang pangalan ay Maine. I haven't seen such soulful eyes! We immediately became friends, at niyaya niya akong mag-coffee kaming dalawa minsan.

Why not? It probably will be great to have friends in this small, lonely town.. Napangiti ako bigla..

-----

Darating si Maine ngayon para tulungan ako. It was lovely for her to offer! I can use an extra hand since kailangang lumuwas sa Manila ang parents ko. Mag-isa lang ako and I need to beat the deadlines. Sobrang dami kong orders lately! Not to mention ang mga projects ko pa with Mayor Santillan! Feeling ko talaga ay maloloka na ako!

Kasalukuyan akong naglalagay ng icing sa cake na ginagawa ko ng tumunog ang chimes ng pintuan.

"Hi, hun! I hope I'm not late. May kinailangan kasi akong daanan!" sabi ng nagmamadaling si Maine, at naghahabol pa ito ng hininga. Inilapag nito ang bag sa isa sa mga upuan doon.

Nabigla ako. Huminto ako sa ginagawa ko at napatingin sa kanya! Hun? It sounds very familiar.. Parang may tumawag ng ganyan sa akin before..

"Is there anything wrong, Sam?" tanong ni Maine, tila nagtataka.

"N-nothing.." pilit akong ngumiti. Ano namang sasabihin ko? Na parang may naalala ako pero wala naman talaga? Her endearment just sounded so familiar.. Pero baka naman sabihin ni Maine na nababaliw ako.

I sighed. Lumapit siya sa akin at inakbayan ako. Hinagod-hagod pa nito ang likod ko. "Hun.. Don't worry, I'm here to help you. Kaya natin ito! You look so worried.." sabi pa niya and mas lalo akong na-confuse. Parang may napukaw sa damdamin ko dahil sa mga gesture niya na iyon. I can't just give it a name..

Pinilit kong ngumiti, "Thank you, Maine. I really appreciate you helping me.. Tama ka, kaya natin ito! I will try to focus more.."

I realized na nakatitig lang siya sa akin. Her eyes suddenly became misty. She seemed like she was about to cry.

Inilapag ko ang icing sa table and I quickly wiped my hands. Ako naman ang umakbay sa kanya. "What's wrong, Maine?" I pulled her into a warm embrace to try to comfort her.

Bigla itong humikbi. "I-i'm sorry, Sam. Bigla ko lang naalala ang bestfriend ko." nakatungo ito na pilit itinatago ang pag-iyak nito.

"I'm sorry, Maine. Marcus told me na kamukha ko nga daw talaga ang bestfriend mo. I didn't know that so much people will be affected because of my presence. I'm truly sorry," niyakap ko siya ng mahigpit.

Ang Aking Mail Order Bride (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon