LYKA's POV
"Lyka, gising na.."
Nagising ako ng may marahang tumatapik sa pisngi ko habang tinatawag ang pangalan ko. Napabalikwas ako sa aking pagkakahiga..
Trev?!
My mind's still very clouded, nahihirapan akong buksan ang aking mga mata.. I can't remember the last thing that happened! Nasaan ako ngayon?!
Nasapo ko ang ulo ko at nakapikit pa ding napaupo ng kama.. Kama?! Nahihirapan man ay pinilit kong buksan ang aking mga mata! Sabik na makita ulit si Trev ngunit nabungaran ko ang nakangiting mukha ni Aling Thelma.
"Iha, buti at gising ka na. Kailangan mong kumain at magpalakas.. Eto at ipinagluto kita ng mainit na sabaw para naman mainitan ang sikmura mo.."
"Aling Thelma! Ano hong ginagawa ko dito?" nakakunot na tanong ko na lamang dahil sa pagkabigla. Napahawak ako sa ulo ko. My head is throbbing really bad!
"Susme, Iha! Nakita kitang nakahandusay at walang malay sa labas ng bakery ko habang nagsasara ako. Aba'y kaylakas pa naman ng ulan, Anak! Tinawag ko agad si Biboy at Carding na tulungan kang buhatin pauwi dito sa bahay namin. Andito din ang mga bagahe mo," sabi nito habang ipinatong ang tray na may lamang sabaw at kanin sa may bedside table.
"Walang-malay ho?" gulat na gulat ako sa narinig. Wala ako talagang maalala kundi ang sakit na ngayon ay andito pa din sa dibdib ko at hindi nawawala..
"Oo Anak, natataranta na nga ang lahat ng tao sa bayan kasi marami sayong nakakita.. Iha, ipagpaumanhin mo, nahuli ako ng dating kasintahan ni Sir Trev sa Mansyon.." hindi na naituloy pa ni Aling Thelma ang sasabihin niya dahil pinutol ko agad ito. Alam ko na kung saan hahantong ang usapan na ito at ayoko na muna itong pag-usapan. I'm sure na iiyak na naman ako nito!
"Walang anuman ho iyon, Aling Thelma. Ginawa niyo lang ho ang dapat ninyong gawin. Ayoko ho kayong madamay sa isang bagay na ako ang may gawa," sabi ko na lamang at hindi nakaila sa akin ang naaawang tingin ng mabuting Ginang.
"Hindi na ako magtatanong pa, Anak. Pero kumain ka muna at maaari kang manatili sa aming munting tirahan hanggang kailan mo gustuhin. Bukas ang tahanan namin para sa iyo, iha," nakangiting wika nito at walang pagsidlan ang tuwa sa puso ko.
"T-talaga ho?" hindi makapaniwalang tanong ko. I can't believe na she will just accept me ng walang tanong-tanong. Basically, I'm a stranger to her and her family!
"Iha, nagpapasalamat ang pamilya ko sayo. Kung hindi dahil sa perang ibinayad mo ay hindi kami makakapagbukas ng isang bakery. Natupad ang pangarap naming mag-asawa! At ng dahil sa kinikita ng bakery ay makakapagpatuloy na ng pag-aaral ang anak naming si Biboy! Hindi mo man alam pero hulog ka ng langit sa aming mag-anak," hinawakan pa ni Aling Thelma ang mga kamay ko habang sinasabi iyon. Nakita ko na nangingilid ang mga luha nito dahil sa sobrang pagpapasalamat.. Parang kinurot ang puso ko at hindi ko mapigilang maluha na rin. I can't believe I made a difference in another person's life.. Kahit na mula ito sa isang kasinungalingan.. "Sobrang nakukunsensiya kaming magasawa ng ako'y hindi nakatupad sa pangako ko sayo.. Sana ay mapatawad mo ako, Iha," sinserong sabi pa nito.
Lalo lamang napukaw ang damdamin ko sa kabaitan na ipinapakita ng Ginang. Nadagdagan ang inis ko dahil sa ginawa ni Krystal, idinamay pa ang mga taong walang kinalaman sa problema namin ni Trev! "Don't worry ho, huwag niyo na hong alalahanin yun. I already taken care of it. Tapos na ho iyon," I said sadly. Muling kong naalala ang mga nangyari.. Muli kong naalala si Trev.. May kirot man sa dibdib ay pinilit ko na lang na ngumiti para sa kapakanan ni Aling Thelma, so she won't feel bad anymore..
-----
Naging mahirap ang mga sumunod na araw para sa akin. Hindi ko alam kung paano magsisimula muli. Pakiramdam ko naging pabigat naman ako ngayon sa pamilya ni Aling Thelma. I don't have any more money to contribute sa gastusin nila araw-araw. Pero they were not complaining, sa katunayan nga ay mukhang they are genuinely happy na andun ako sa kanila naninirahan.
Ngayon ko lang narealize kung gaano kahirap ang walang pera. Naiintindihan ko na kung bakit maraming tao ang gahaman sa pera. People will just do about anything and everything to gain more money and power..to increase their status in life.. Mahirap pala kapag walang-wala ka..
Ngayon ko lang din narealize kung gaano ako nakadepende kay Mum and Dad. Ibinibigay nila lahat ng luho ko at lahat ng kailangan ko. I didn't need to worry about anything.. And yet I still complained while they were just giving to me everything that they think I need.. Just like what all parents would do for their kids..
I sighed. Somehow, I felt guilty for what I've done to my parents. But I don't have any regrets kasi I've met Trev.. Hindi man maganda ang ending namin ni Trev, ang mahalaga ay nagawa ko ang lahat para matulungan siya.. I showed him how much he meant to me and how much I love him.
But now, I have to be strong..
Kailangan mapatunayan ko sa sarili ko na kakayanin ko, even if it means starting from scratch..
"Aling Thelma, kung maaari ho sana ay gusto kong sumama sa Bakery. If you don't mind ho, can you please train me para naman ho makatulong ako sa inyo kahit papaano.." hindi na talaga kaya ng konsensya ko na walang ginagawa at nakadepende na lang sa pamilyang ito. I badly need to do something!
"Naku, Iha hindi naman kailangan. Kaya naman namin ang mga gawain sa Bakery.." sabi ng parang nahihiyang si Aling Thelma. Kasalukuyan nitong pinipindot ang calculator as if she is computing something. Sinilip ko kung ano ang ginagawa niya. It seems like it's a list of the Bakery's expenses.
"Maybe I can help with that, Aling Thelma. Patingin nga ho.." inabot naman sa akin nito ang notebook na hawak. Nakita ko kung gaano kamahal ang binabayad nila sa mga ingredients at iba pang kagamitan sa bakery.
Kung may maipagmamalaki man ako, aside from talking to people, I also know who are the right people to contact.
Kinuha ko ang mobile phone ko at hinanap ang contact number ng discount retail supplies na may close connection sa company namin nuon. I made a very good deal with them before and I saved their company lots of money. I'm sure that this time, they will be able to help me, too. Napakamura nilang maibibigay kung anong kakailanganin ng bakery, at mabibigyan pa ako ng more discounts for sure! Malaki ang masi-save ng bakery nila Aling Thelma kung nagkataon.
Matapos kong makausap si Mr. Bridge, ang may-ari ng retail supplies, ay pinalagay ko na ang Bakery ni Aling Thelma sa list of their regular customers. Guaranteed na meron silang discount and regular na silang magde-deliver sa bakery depending sa monthly audits nito.
Inexplain ko kay Aling Thelma ang lahat and she hugged me really tightly.
"Hulog ka talaga ng langit, Iha!" naluluhang sabi nito habang mahigpit pa ding nakayakap sa akin.
Walang pagsidlan ang saya na nadarama ko! I can't believe that I have this capability to help them. Kung dati ay masyado akong nasanay na naka-depend lang sa wealth ng parents ko, maybe this time, I can make it without the help of their money.. Maybe I can make it on my own! I didn't realize na marami din pala akong natutunan sa pagtatrabaho ko sa company namin before. I'm very thankful of that!
Natutuwang tinawag ni Aling Thelma si Manong Carding at ang anak na si Biboy upang ibahagi ang magandang balita. Hindi ko mapigilang mapangiti habang pinagmamasdan ang mag-anak while they are chatting happily to each other.
I'm going to do my very best to help this family..
Maybe not with money..
But with the best of my ability and creativity..
May mga plano ng nabuo sa isip ko at napangiti ako..
I know what to do now..
I just need to talk to them about it..
*********************
END OF CHAPTER 14!
THANK YOU SO MUCH FOR READING!
Thank you for your votes and comments! =)
*********************
BINABASA MO ANG
Ang Aking Mail Order Bride (COMPLETED)
Romance"I just want to make my own choice. Just this once, I want to live my life for myself and not for other people." Simula ng makita ni Lyka ang misteryosong larawan ng isang lalaki ay nagiba ang takbo ng kanyang buhay. Sa unang pagkakataon, she made h...