Simula ng namayapa ang kanyang mga magulang ay hindi na nakapunta pa si Trev sa bayan. Nagpasama siya sa kaibigang si Marcus na mamili ng kakailanganin para sa nalalapit na kaarawan ni Kitty. Gusto sana niyang sorpresahin ang kapatid. Nitong nakaraang taon ay nawala ang pagiging makulit ng bata, naging tahimik ito at lagi na lang nagkukulong sa kwarto. Marahil ay talagang ininda nito ang pag-alis ni Lyka.
Pagdating nila ng bayan ay nagulat sila ni Marcus sa malaking pagbabago nito. Napaka-organise ng bayan. Nawala ang magulong mga nagtitinda sa gitna ng kalsada na parang palengke bagkus ay napalitan ito ng mga naggagandahang market stalls. May mga nakatanim na iba't ibang bulaklak sa paligid ng bawat stalls na nagsisilbing decorations ng mga ito. Napakagandang pagmasdan ng man-made pond sa gitna ng mga stalls at shops at nilagyan nila ito ng maraming ibat-ibang uri ng koi fish. Naglagay din sila ng mga benches na nakapalibot sa pond para sa mga taong gustong makapagpahinga at magrelax.
At both sides of the roads ay ang mga fancy shops na mukhang bagong tayo lamang. May mga bagong restaurant na din na nagpatayo dito na lalong nag-aatract ng mga bisita galing pa sa ibang lugar. Naging parang moderno na ang bayan. Aakalain mo na nasa isang mayamang lugar ka sa Manila kung hindi mo alam na ito ay San Andres.
"Whoa! Is this really San Andres town?" manghang bulalas ni Marcus na natuod din sa pagkakatayo katabi niya.
"I can't believe it, either," bulong niya. "It's amazing! Kailan pa nangyari ito?" napamangha na rin siya. Hindi talaga siya makapaniwala.
Nagsimulang maglakad si Marcus patungo sa isa sa mga stalls. Iba't iba ang makikita mo dito. May mga stalls na nagtitinda ng ice cream, cupcakes, flowers, handmade crafts at marami pang iba. Napakaraming pwedeng tignan at baka ma-spend nila ang buong araw sa kakatingin lang!
Hinila na niya si Marcus sa isang party shop dahil alam niyang madidistract ang kaibigan. He likes exploring at sigurado siya na naghahanap na ito ng mabibili para ibigay kay Maine! Obvious na nagkakagustuhan na ang dalawa. Hindi lang makapagtapat ang 'torpe' niyang kaibigan. Napatawa siya. Torpe?! Si Marcus? Napa-iling siya. Ngayon lang ata niya nakita si Marcus na nauumid ang dila sa harap ng isang babae. Madalas presko ito. Pero ngayon ay napakagentle nito towards Maine.. Napangiti siya.. Na-inlove din sa wakas ang matalik na kaibigan..
Pagdating sa party shop ay binili na nila lahat ng kakailanganin nila. Namangha sila sa laki ng shop at mukhang kumpleto ito. Naisip nila na unicorn and castle theme ang birthday party ng kapatid. Siguradong matutuwa si Kitty. Lihim na humiling si Trev na sa pamamagitan nito ay makuha na nitong ngumiti muli..
"Trev, nabili na ba natin lahat ng kakailanganin?"
"I think we already got everything here. Cake na lang ang kulang."
"Great! May time pa tayong makapagexplore! I think I saw a bakery near the koi pond! It's called 'Sweet Memories'.."
"Ang lakas talaga ng memorya mo kapag puro sweets na!" biro pa niya sa kaibigan.
Nakita agad nila ang Bakery na tinutukoy ni Marcus. Kakaiba ito sa pangkaraniwang bakery. Napaka-creative ng pagkapintura nito. Parang isang artist ang may gawa nito. Mayroong wall painting ng iba't ibang Disney Characters, Castles, Unicorns, Superheroes which made it look magical, lalong lalo na sa mga bata. For sure madami ng naattract na mga bata itong bakery na ito.
Sumilip sila sa window ng bakery na gawa ng glass at napasinghap si Marcus sa mga cakes na iba't iba ang design. Na-amaze din si Trev sa nakita. Ang detalye ng pagkagawa ng cake ay mukhang talagang napakadelicate. It looks like the baker was very careful and patient while making each cake. He has never seen a cake as beautiful before.
"Trev, mukhang mahal dito. Tignan mo naman kung gaanong kadetalye ng mga cake na yan!" sabi pa ni Marcus na mukhang naglalaway na. "Parang gusto ko tikman lahat!"
BINABASA MO ANG
Ang Aking Mail Order Bride (COMPLETED)
Romance"I just want to make my own choice. Just this once, I want to live my life for myself and not for other people." Simula ng makita ni Lyka ang misteryosong larawan ng isang lalaki ay nagiba ang takbo ng kanyang buhay. Sa unang pagkakataon, she made h...