(Kiana Aguilar's point of view)
"Misis..gising na!" Niyugyog ako ni.. sino ba 'to? Hindi ko pa din siya iniimik dahil inaantok pa din ako.
"Kiana.."What the? --__-- inaantok pa din ako eh.
"Kiana..Misis Smith.." Ano daw?..
--__-- nagtakip lang ako ng unan. Baka si Papa 'toh.
O___O napatayo ako nang maramdaman kong may humalik sa'kin.
"S-sino ka!?" Sigaw ko sa lalaking nasa harap ko ngayon. Naka-poker face lang siyang tinignan ako.
O___O
Oo'nga pala..Shems! bakit nakalimutan ko? nag-peace sign nalang ako kay James. Aish.
"B-bakit ka nanghahalik mister?" tanung ko dito.
"Wala namang masama dahil asawa naman na kita"Sabay ngumiti siya na nakaka-asar.
"Psh. Ewan sayo!"Sigaw ko dito sabay humiga ulit ako at nagtakip ng unan at nagkumot.
"Kiana! Magready ka naaa! may debut celebration ka ngayon!!"
"Wala akong pake!"
"Unbelievable! tumatawag na sila mama! tumayo ka na!"
"5 minutes!"
Akala ko hinayaan niya nalang ako pero binuhat niya kong pang bagong kasal papuntang sala.
"Waaah! bitaw!"sigaw ko dito , sabay binitawan ako pahagis sa sofa. Aish. Tinignan ko siya ng masama. Tinuro niya lang yung banyo.
--__--
Nagready na 'ko ng damit. Uuwi muna kami sa bahay gamit ang kotse ni James. Simpleng fitted na pantalon at white t-shirt lang ako sinuot ko at kaunting pulbos. Relos lang ang tanging alahas na nasa katawan ko ngayon.
Pagkalabas ko ng banyo ganun din ang ayos ni James black pants at white t-shirt tapos naka-relos. O///O Meant to be talaga kami. Hahaha!
Sumakay na kami sa kotse. May guard at isang katulong naman kaya okay na iwan ang bahay.
Pagka-uwi.
"Mama!Papa!"sigaw ko at niyakap sila ng pagkahigpit higpit.
"Happy 18th baby ko" sabi ni Papa sabay kiniss ako sa cheeks. Ganun din si Mama. Pina-akyat na nila ako sa kwarto ko dito para ayusan daw para sa party ko.
Naka-gown na red ako at naka-kulot ang buhok ko. Tadtad ng make-up ang mukha ko at ang daming bracelets na suot ko. May hikaw na mahaba ako at heels. Hindi na 'ko maka-kilos nang maayos.
Pagka-baba ko ay niyakap agad ako ni Mama. At pinalabas na'ko ng mansyon and wow..ang daming tao!
Konti lang ang mga kakilala kong dumalo. Pinakilala ni Mama ang Mother in law ko. Masayang nag-kwentuhan kami. Hinahanap ng mata ko si James..
Asan na kaya siya...bakit ganun? kahapon lang kami nag kakilala ni James pero feeling ko mahal na mahal na mahal ko na siya.. Lakas ng charisma ni James eh.
"Ehem..at first I would like to congratulate my daughter. Happy 18th birthday to my baby damulag Kiana!" Iyak ng iyak si Papa at Mama. They're acting so weird. Pero I'm so happy dahil mahal na mahal nila ako.
Niyakap ko sila at magsasalita na daw ako.
"First of all..maraming maraming salamat po sa lahat ng dumalo sa debut ko. At sa asawa kong si James.. asan ka na? hehe" pagkabanggit ko nun ay nag iyakan at nagyakapan sila. Weird.
Sumayaw na kami at si James ang partner ko sa 18th flower ko. Grabe yung kilig ko. Shems ang pogi ni James. Nung nginitian ko siya ay umiwas siya ng tingin. Hell. Pahiya onti.
Pagkatapos ay umuwi na kami at nagpahinga. Almost 2:50 pm palang pero pagod na pagod na ko.
"Misis..may pupuntahan lang ako" sabi ni James. Hay..kinikilig talaga ako kapag tinatawag akong misis ni James.
----
*Yawn*
"Hi wife" -_O The who!? paano!? asan ako !?
"Wife ka diyan. Di nga kita kilala!" Tawagin daw ba 'kong wife eh di 'ko nga siya kilala.
"I'm your husband,Dylan Smith. Bata palang tayo mag-asa..wa na tayo. It's an arranged marriage at habang tulog ka ay nilipat ka na dito ng parents mo" Paliwanag ni Dylan. Dylan daw eh!
Ngumiti lang siya at nagluto ng pagkain namin. Bumaba ako sa kwarto at manunuod ako ng news. Hinablot ni Dylan ang remote at sinalang ang 'Maybe this time' Ano naman 'toh? --__--
Pinakain niya ko ng *0* SPAGHETTI my favorite! Halos iyak tawa ako sa movie pero si Dylan iyak ng iyak.
"Uhmm..Dylan! relate na relate sa story? Hahaha!" pagkasabi ko nun ay niyakap niya 'ko ng kay higpit.
"G-gusto mo ng choc-o? meron pa ata sa ref. Hehehe!" Lalo lang siyang umiyak.
"Uy! Wag ka nang umiyak! you can have my choc-o if you want" Ngumiti siya pagkasabi ko niyon. Tumango tango ako at binigay sa kanya yung Choc-o ko.
Choc-o lang pala makakapagpatahan sa kaniya. Aish.
Niyakap niya 'ko at hinalikan sa nuo. FC si Dylan. Hahaha! ngayon lang kami nagkakilala pero ang sweet niya na. Parang ang sarap niya tuloy halikan. Ewan pero may kung anong tumulak sa'kin para halikan siya.
Grabe. Tumutugon siya sa halik ko. Parang sanay na sanay na kong humalik kahit first kiss ko ito.
Tumigil siya sa paghalik sakin at niyakap ako ng mahigpit. Nakatulog ako sa yakap na iyon. I felt like I love him so much.
Itutuloy..
BINABASA MO ANG
Mr. and Mrs. SMITH
RomanceOne day, James and Kiana woke up then *poof* they're married. How are they're life going to be? Meet the Mr. and Mrs. Smith ♥ Written by: CandyLann Copyrighted 2014