Part 13

72 1 0
                                    

(Kiana Aguilar--Smith's pov)

Halos 2 weeks na nang pumasok ako sa klase. Na-recognize ko din ang iba. Madami pala akong naging kaibigan at sikat pala ako. Aish!

Pinipilit din nila akong maging MUSE. Hindi naman ako pumayag. Ano sila?  Instant winner? Swimsuit attire kaya modeling! Hindi pa nga nakikita ni Dymes yung mala-dyosa kong katawan.

Speaking of the devil. Si Dylan, medyo masungit these days. Hindi ko nalang din siya pinapansin dahil baka mag-away lang kami.

And Hazel? since magka-batch kami, graduating din siya. Uuwi ang pamilya niya dito. So, mag-tatapos siya ng pag-aaral dito sa HEC. Wish me luck guys!

Kanina pa lutang ang isip ko. Na-miss ko din yung araw na walang ginagawa kung hindi makipag-bonding kay Dylan. Speaking of, hindi na naman siya pumasok sa afternoon class. San kaya yun? Nakakapagtampo naman.

-Uwian-

So,asaan na ang magaling kong asawa?

To: Hubby

Hubby! san ka na? Uwi na tayo.

Sent..

After 7 minutes..

From: Hubby

Go on. Susunod nalang ako.

T_T </3 What did just happened!? Maybe I'll talk to him later.

Grabe kapagod. Kahit naman hindi ko na ipasa ang grades ko, g-graduate pa din ako. Parang ayaw ko na, tinatamad na 'ko. Okay sana kung katabi ko si Dylan! Eh, hindi naman. Lagi siyang wala, ayaw niya na sigurong mag-aral. May diploma na kasi siya! nag-take siya ng masters degree test kaya may diploma agad.

*Ding dong*

Binuksan ko ang pinto, hoping na si Dylan. Si Dylan nga! Ohmygosh! Niyakap ko siya ng mahigpit pero hindi niya ko niyakap pabalik. Just a cold look.

WHAT'S HAPPENING ON EARTH!?

Naglakad na siya paakyat sa kwarto at nagbihis. Kaagad din siyang bumaba sa kusina at kumain, MAG-ISA! Ugh. Hinintay ko kaya siya! Geez. 8:00 pm na kaya!

Sinabayan ko siyang kumain. Actually, nanginginig na 'ko. Gusto ko na kasing umiyak dahil sa inaasal niya. COLD. Parang walang pake. Siguro nasanay lang ako na sweet siya sa'kin.

"Uhm, hubby..gusto mo ba ng juice?" Formal kong sabi.

"Nah"

"Eh..uhm..ano..tubig nalang?"

"I can manage"

"Ah, okay! Ahh ano hubby! Uhm---"

"You shouldn't talk while eating Kiana" Aba! Spokening dollar na ba si Hubby? Pansin ko lang this past few days..spokening english siya..pero teka..tinawag niya ba 'kong..KIANA!?

WHAT THE HECK!?

"Ahh..sorry po Dylan!" Sigaw ko at sabay nagdadabog na tumayo. Sobrang ingay ng upuan. Pahagis kong nilagay ang plato sa lababo.

"Ate! pahugas nalang po nito! Salamat po!" Sigaw ko at saka tumakbo ako paakyat ng kwarto at ni-lock ito.

Ako ang matutulog dito sa kwarto na'to. Humiga ako at pumikit. Nag-replay sa utak ko ang mga nangyari kanina. Iniisip ko palang sobrang nasasaktan na 'ko eh.

Unti-unting tumulo ang mga luha ko. Nasasaktan ako sobra. Ugh! Nag-uunahan ang mga luha ko na tumulo. Ansakit sakit.

</3

---

"Kiana, wake up! papasok ka diba?"

"Hindi ako papasok"

"Bakit?"

"Ayaw ko"

"Wow! akala ko ba gusto mo?"

"Bakit ka ba ganyan this past few days!? Ang cold cold mo sa'kin!"

"Tss,annoying" That hurts.

Sinundan ko siya.

"May problema ba tayo!?"

"Will you please shut up!?"

"Okay then"

----

1 month. 1month na ang nakakalipas. Simula nang mag-away kami ni Hu--Dylan. Hindi kami halos nagpapansinan. Tuwing magkakasundo kung saan matutulog ang isa't isa.

Lagi siyang sa guest room natutulog. Ayoko siyang katabi. Ganub din siya, ayaw niya kong katabi.

Ganito na kami. Every night umiiyak ako sa kwarto. Halos gusto kong mag-laslas para may pake ulit siya sa'kin or magka-amnesia ulit ako every 3pm para alaga niya ko.

Hindi na din niya ako sinasamahan sa school. Yeah, pumapasok pa din ako. Goal ko ang maka-graduate.

Uwian na. Nothing much happened at the classroom. Nag punta muna ako sa garden. Sabi kasi nila, nakaka-refresh daw dito.

"I love you..aalagaan kita, mas mamahalin kita kesa sa pagmamahal na binibigay niya! Hindi ko gagawin ang mga bagay na ginagawa niya sa'yo!"

"I love you James!" Naglalakad ako nang may marinig akong nag-uusap. Bukas ang teka ko, hindi ako chismosa ah?

Nagpantig ang tenga ko ng marinig ko ang pangalang James. Gusto kong isipin na..hindi siya yun..sana hindi siya..

O__O

</3

*slaaaaaap*

"Lumayo ka sa asawa ko" Mahinahon na sabi ko kay HAZEL--ANDI. Malanding 'to! Asawa ko si Dylan!

"F*ck, Kiana! look what you did!" Sigaw ni Dylan sa akin at inalalayan si Hazel. Sobrang pula ng pisngi niya at nagkaroon ito ng sugat dahil sa singsing ko. Umiiyak si HazeLandi.

"Siya ba ang dahilan, Dylan? Siya ba!?"

"No, okay? Let's talk about it later"

Hindi ko na siya kinausap at nag-walk out na 'ko. Dumiretso ako sa playground ng subdivision namin.

And then nakita ko ang M&M and Girls.  Nakita nila akong umiiyak. Makiki-stay nalang muna ako kila Yumiko.

Dylan and I needs time..

Mr. and Mrs. SMITHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon