Chapter 7

330 8 0
                                    

#Please Vote and Follow me on my Account💋

Doon na ako natulog sa bahay nina Zach. Mabuti naman at nandito ang kambal at doon ako natulog sa kwarto nila. Nasa iisang kwarto lang kase ang dalawa dahil malamang, mag-ka-kambal nga kaya they're inseparable. Though homeschooled naman si Kianna.

I get ready for bed and sleep with the both of them. Sadly, nasa gitna ako eh ang lilikot ng dalawang 'to.

(.....)

Bakit ang init pero giniginaw ako? I slowly open my eyes and felt it sting because of the sun's heat. Naramdaman ko rin ang sakit sa aking ulo. Damn headache!

Napatingin ako sa paligid at wala na doon ang kambal. Mukhang absent na naman ako neto. Kahit ramdam ko ang pagod sa aking katawan ay pinilit kong bumangon para kumain dahil nagre-reklamo na ang aking sikmura.

As I reach the kitchen, nakita ko si Zach. Kumunut ang noo ko "Hindi ka pa rin pumasok?" Tanong ko kaya napatingin siya sa deriksyon ko.

"Nope. May sugat ang kaliwa kong kamay. And also, tinatamad akong pumasok" sabi niya

"Oo nga naman. Yung kaliwa mo pa ang nasugatan eh yan ang kamay mo pansulat. Well, whatever" sabi ko and rolled my eyes.

Natawa lang siya. I headed to the fridge to grab something to eat when I felt his presence kaya umikot ako.

He crease his eyebrows and checked me. Oh gosh! Why do every time na nagkakatitigan kami ay bumibilis agad ang tibok ng puso ko na parang reflex na ito ng aking puso.

"You're hot" biglaan niyang sabi kaya halos mabilaukan ako dun.

Shiz! Did he just say I'm hot!? Omaygash!

"Ta-talaga?" Naninigurado kong tanong

"Hmmm... Oo, may lagnat ka ba?" Seryoso niyang sabi at inilagay ang kanyang kanang kamay sa aking noo.

So kaya pala hot dahil nilalagnat ako. Wow nice! Ang galing naman. Assumera ka kase self. Kung bakit ba kase hindi niya dinirect to the point. May pa 'hot' 'hot' pa siyang nalalaman. Hmph!

"Aba'y ewan" masungit kong sabi

He pinch the bridge of my nose "Ang sungit mo talaga" natatawa niyang sabi

I felt again the heating of my cheeks. Gosh! Why do he always do this kind of stuffs.

"Magpahinga ka na sa taas. Dali!" Utos niya

"Hindi pwedeng mamayang konti naman." Reklamo ko "Eh wala pa nga akong kain" dagdag ko

"Ihahatid ko nalang sa kwarto. Magpahinga ka na muna dun" sabi niya

Umoo nalang ako at sinunod siya. Medyo nahihilo na rin kasi ako at pagod na ang aking katawan. Bakit ba kasi ako nagka-lagnat eh wala naman akong maalala na factor na makaka-cause ng pagkaka-lagnat ko. Humiga nalang ako sa kama and sleep.

(.....)

I felt someone calling me and tapping my shoulder. "Paige, gising na" sabi ng tao

Dahan-dahan kong ibinuka ang aking mga mata. I felt it sting a little dahil tulog na tulog ako.

"Hmm... Bakit?" I groaned and ask in a raspy tone.

"Kumain ka muna para maka-inom ka na ng gamot" sabi nito. Boses ni Zach yun.

I groaned at siniksik ang ulo ko sa unan. "No" I said in a raspy tone

Yinugyug niya ang balikat ko sabay sabi ng "Gising na. Kailangan mong kumain para maka-inom ka na ng gamot para gumaling ka na"

I grunted and seat at the bed. I glared at him. Nakaka-badtrip siya pero ang loko ay nakangiti lang parang sayang-saya siya na badtrip ako. Kainis!

"Akin na nga yung pagkain" inis kong sabi

He chuckled "Oh, eto" sabi niya at inabot ang hot porridge.

"Mag-ingat ka ha. Bagong luto yan kaya mainit pa" dugtong niya pero inirapan ko lang siya. Inisin niyo na lahat huwag lang yung bagong gising. Urghh!

Inihipan ko muna ang porridge na nakalagay sa kutsara tsaka kinain hanggang sa naubos ko ito. Masarap naman kasi ang pagkakaluto.

"Si Ya Carlota ba ang nagluto nito?" Tanong ko sa kanya as soon as natapos ko itong kainin.

"Yup!" Sabi niya at kumuha ng gamot.

Kumunut ang noo ko ng makitang hindi liquid medicine ang dala niya.

"Ayaw ko yan! Alam mo yun Zach!" Reklamo ko

Lalo siyang lumapit sa akin at binuksan ang Biogesic. Fuck!

"Inom!" Ma-otoridad niyang sabi at inakmang isusubo sa'kin ang gamot. Umiling ako at mabilis na tinakpan ang aking bibig.

"Isa" sabi niya pero hindi pa rin ako natinag

"Dalawa"

"Kapag hindi mo 'to iinumin ay isusumbong ko kay tito na may ex ka na na hindi niya nalalaman pati na rin sa mga kuya mo" banta niya. Nanlaki ang mga mata ko. Oh no!

"Zach naman! Eh dare lang naman yun like one-minute ko lang siyang boyfriend-"

Naputol ako sa pagsasalita ng bigla niyang isinubo sa'kin ang gamot at aksidente kong nalunok. Pwe! Ang panget ng lasa.

Lumukot ang mukha ko ng ma-inum ito "T-tubig" sabi ko at kumapa ng tubig

Inabot niya sa'kin ang isang baso ng tubig kaya mabilis ko itong ininum.

"Ang sama mo! Hindi mo man lang ako pinatapos magsalita" sabi ko

"Well, atleast na-inum mo na ang gamot" he said with a playful smile. Urghh!!! I punch him playfully pero natawa lang siya.

~~~~~

Thank you for reading😊💖

Anne Mae,
Signing Out

Just Friends (Entangled Hearts Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon