#Please Vote and Follow me on my Account💋
Natataranta pa rin akong naglalakad ng paikot-ikot dahil hindi ako mapakali. Sabi kasi ng doctor na kailangang maoperahan ang mukha ni Remiel. Nag-aalala na ako.
"Could you please sit down Paige" naiiritang sabi ni Zach
"Anong sit down!? Kasalanan mo 'to Zach eh" pagsisisi ko
Nalukot ang mukha niya at pagak na tumawa "Wow! Just wow! Ikaw pa 'tong linigtas ko tapos ikaw pa 'tong may lakas na loob na magalit?" Sabi niya at tumayo para harapin ako
"You don't know anything Zach" saad ko
"I know everything Paige" sabi niya ng medyo pasigaw
"Sumisigaw ka!?" Galit kong sigaw
"Eh sa sumisigaw ka eh" sigaw niya rin pabalik. Napansin ko rin ang mga taong napapatingin sa amin.
I calmed down at kumalma rin siya. I sigh "You shouldn't have punch him" sabi ko
"Stop defending him. Ano bang meron sa kanya na pinagtatanggol mo siya ng ganito" inis niyang sabi
"He's just a friend Zach" dahilan ko
"And I'm your Best Friend" sabi niya
"Eh mali ka naman talaga" sabi ko
"Kasalanan ko ba kung sobra akong nag-aalala sa'yo at nawala ako sa kontrol Paige? Sabihin mo nga, sino bang hindi mag-aalala ng dalawang araw na kitang hindi ma-contact tapos pagdating ko sa bahay niyo ay wala ka rin at hinahanap ka rin ng parents mo tapos may unknown caller na tumawag sa'kin at sinabing kinidnap ka niya?" Mahaba niyang sabi "O baka naman hindi ka lang talaga niya kinidnap" dagdag niya
Kumunot ang noo ko "Are you crazy? Kahapon ko nga lang siya nakilala eh."
Magsasalita na sana siya pero linapitan kami nung nurse. "Maam, gising na po ang pasyente" sabi nito. Nagkatitigan muna kami ni Zach bago ako nag-iwas ng tingin at pumasok sa room.
Napansin ako ni Remiel na pumasok kaya nginitian niya ako. "Hey" he said
I smiled back "Hey" I replied "Okay ka na ba?" Tanong ko at linapitan siya
"Yeah, lalo na't nakikita kita. Bibilis ang paggaling ko nito" he said na ikinatawa.
Mahina ko siyang sinapak sa balikat. "Aww!" Reklamo niya "Ang brutal mo talaga" sabi niya
I just smiled at him. Inayos ko na rin ang higaan niya at pinakain siya. He said "Thank You" at nginitian ko siya. Pagkatapos niyang kumain ay lumabas ako to check on Zach
May kausap siya sa phone habang nakapa-mulsa at naka-kunut ang noo. Napansin niya ako pero binalik agad ang atensyon sa kanyang kausap. I admit, nakaramdam ako ng disappointment kasi feeling ko ay binalewala niya lang ako.
"Yes, sure" yun lang ang narinig ko bago niya ako linapitan.
"Tita called by the way. Umuwi ka na daw dahil nag-aalala na sila" Sabi niya at umalis.
Kumunut ang noo ko. What the hell? Is he expecting me na mag-jeep? Wala akong dalang pera. Medyo nakakalayo na rin siya sa'kin. Tsaka, eeeewww! Ang baho kaya
Bigla siyang huminto at tumalikod na seryoso ang mukha. "Ano? Hindi ka sasama?" He said sarcastically.
"S-sandali lang. Magpapa-alam na muna ako kay Remiel" sabi ko at mabilis na tumakbo para magpa-alam tsaka mabilis na sinundan agad si Zach.
Wala kaming imikan sa sasasakyan. Feel ko rin kasi na galit siya at kasalanan ko. I imaginarily slap my head. Shiz ka talaga Paige!
Pa'no na 'to? Galit si Zach sa'kin tapos liliit pa lalo ang chance ko sa kanya. Gusto ko nang maiyak eh. Ang sarap ng babaan ang pride ko para magka-ayos kami.
I slowly took a glance at him at seryoso lang siyang nakatingin sa daan. Galit nga siya. Hininto lang niya ako sa labas ng gate na hindi pinapansin at hindi nagsasalita at pinaharurut ang sasakyan paalis. Leshe! It's a freaking Ferrari kaya mabilis ang takbo nito. Urghh!
Nakabusangot akong pumasok sa bahay. Agad naman akong yinakap nina Mommy, Daddy at nina Kuya. Panay ang sermon at iyakan nila dahil sa sobrang pag-aalala. Binatukan pa nga ako ng magaling kong Kuya.
Nagpa-alam na muna ako sa kanila na magpapahinga na muna ako dahil napagod ako. Mabuti naman at pumayag agad sila. Usually kasi ay pinapakain pa nila ako ng sandamakmak na sermon.
I slump myself on the mattress as I remember my conversation with Remiel.
Flashback
Linantakan ko ang kusina sa sobrang dami ng pagkain. Gutom na rin kasi ako. Narinig ko ang mumunting ingay sa paa kaya napalingon ako kung saan galing ang ingay and saw Remiel. He is smiling at me. What is wrong with him? Para siyang bipolar. Tch!
"Anong nginingiti-ngiti mo diyan?" Inis kong tanong
He chuckled and I admit, it's pretty sexy. "Gutom ka nga talaga. Sorry kung nalipasan ka ng gutom dahil sakin" paumanhin niya at lumapit sa'kin and wipe the excess food on my lips.
Naramdaman ko naman ang pamumula ng aking mga pisnge. Agad ko siyang tinulak na ikinatawa niya. "Lumayo ka nga!" Kunwari ay inis kong sabi. At aba't, tinawanan lang ako ng walanghiya.
"You do know na may gusto ako sa'yo right?" Straight-forward niyang sabi
"O-oo" awkward kong sabi
"Pero wala akong pag-asa" pekeng ngiti niyang sabi
"Bakit naman?" Tanong ko
"Si Zach ang gusto mo diba?" Ngiting tanong niya at tumingin sakin sa mata.
I gulped. Nadali niya ako. Nanigas ako sa aking kinatatayuan at kinakabahan.
"Joke lang yun. Pero base sa reaction mo, mukhang totoo nga" natatawa niyang sabi kaya sinapak ko siya sa braso
"Awww!" Reklamo niya kahit natatawa pa rin
"Tumahimik ka nga kung ayaw mong ipasok ko tong tinidor sa bituka mo" pananakot ko kahit hindi ko naman seseryosohin yun.
Tawa lang siya ng tawa at tila hindi narinig ang aking sabi. Napa-iling nalang ako at mahinang natawa.
Biglang nagseryoso ang mukha niya "Alam ba niya?" Tanong niya
"Ang alin?" Takhang tanong ko
BINABASA MO ANG
Just Friends (Entangled Hearts Series 2)
Teen FictionIt may be as cliché as it is but in this current society, many people fall inlove with their best friends. Isa na ako roon. Ang hirap pala itago ang feelings mo lalo na't lagi siyang andiyan para sa'yo kasi 'best friend' ka nga niya. Masakit. Sobran...