Chapter 24

185 3 4
                                    

#Please Vote and Follow me on my Account💋

"Paige uwi ka na! Ano bang ginagawa niyo jan? Nagju-jugjugan na ba kayo diyan?!" Sigaw ni Kuya Rage

Taena!

Epal talaga tong si kuya.

Pareho kaming nahiya ni Zach kaya mabilis kaming naghiwalay.

Linapitan kami ni kuya. "Oh? Nais-turbo ko ba kayo?" Nang-aasar nitong tanong

Sinapak ko si kuya tsaka tumakbo papasok ng bahay.

Kinaumagahan, habang kumakain kami, umepal na naman si Kuya.

"Blooming ka ata ngayon Paige ha." Kuya Rage teased. Urgh! Sarap talagang sapakin ni kuya. Nakalimutan ko atang siya lang ang no.1 na bwesit sa buhay ko. Kay tanda-tanda na pero isip bata pa rin.

I glared at kuya Rage pero lalo lang siyang natawa. Nawe-weirduhan na rin sina mommy, daddy at kuya sage sa inaasal naming dalawa.

"Excuse me po ma'am. Pinapabigay po sa inyo" sabi ni Yaya tsaka ini-abot sakin ang bouquet ng pulang rosas.

"Hindi pa rin ba titigil yang manliligaw mo Paige. It's been a year" komento ni kuya Sage

I just shrug and stare at the flower. As always, sobrang ganda na naman ng arrangement nito. Kung sino man ang nagpapadala nito, i badly wanna meet him.

I was about to transfer the flower to a vase when a paper fell down. First time na may naka-attach na sulat sa bulaklak.

I immediately read it

Hi Paige! Good Morning kung umaga mo 'to natanggap. Good Evening naman kung gabi. Gusto ko sanang umpisahan ang mensahe ko sa'yo sa salitang 'I'm sorry'. I'm sorry kung napaka-coward ko na manligaw sa'yo sa personal. But now, I decided. I really really like you Paige. And I wish you would show up in the school auditorium. Please

Your secret admirer

Yung lang ang nakalagay sa sulat. Dahil na rin sa curiosity, napag-desisyunan kong pumunta. I wanna meet him not to give him false expectations but to clarify things. I like Zach and I know what it feels like to like someone that doesn't like you back. Mahirap ipagsisiksikan ang sarili.

"Oh Zach! Bakit ka nandito?" tanong ni kuya Sage

Agad namang sumama ang timpla nina kuya Rage at Daddy. Nag-iinarte pa silang ayaw kay Zach eh nuon nga halos ampunin na nila si Zach. Now I know kung saan nagmana ang pagiging maarte ko.

Lumapit si Zach kay daddy. "Tito, ihahatid ko po si Paige sa school" paghihingi niya ng permiso

Tumango lang si daddy bilang sagot. Nakangisi namang lumapit si Zach sa'kin.

"Let's go Paige" sabi niya

I check my things before going out. Baka kasi may naiwan ako. Mahirap maging ulyanin.

"Ano yan?" Tanong niya tsaka linapitan ang bouquet ng pulang bulaklak

Napalingon ako sa kanya. Sinusuri niya ang bouquet. "Uhm... wala" maikli kong sagot

Kinabahan ako bigla ng mapansin niya ang letter na naka-attach sa bulaklak. Kumunot ang nuo niya

He was about to read it when I quickly grab it.

Nagtagis ang bagang niya "What is that Paige? Isa na naman ba yan sa mga manliligaw mo." Galit nitong tanong.

Naguluhan ako sa kanyang inasal. Alam ko namang ayaw niyang may manligaw sa'kin pero iba kasi ang nakikita ko sa mukha niya. Or maybe i was just assuming things. Deym! I'm so whipped!

"Yung ano... alam mo na." I stuttered

"What?"

"Yung manliligaw ko dati"

I saw him relax a bit tsaka tinuro ang bulaklak "Throw that" utos niya

Wth

Nagalit ako sa kanyang sinabe.

"Ano bang problema mo? Why can't you just let me be? Malaki na ako Zach! I can choose for myself. And when i say gusto kong makipagrelasyon, then so be it. Stop controlling my life." I angrily spatted at him

Nagdilim ang mukha niya. His jaw tightened and his eyes are throwing daggers. Marahas niya akong hinila ng walang imik.

"Zach ano ba! Nasasaktan ako" inis kong reklamo ng makapasok na ako sa loob ng kotse niya.

His face then softened. Napayuko siya tsaka mahinang bumulong ng
"Sorry"

Hindi nalang ako umimik kasi nagagalit ako. I can't believe that ganito ang inabot namin just became of a freaking flower! Curse all the flowers

Pagdating namin sa school, hindi ko na siya inantay dahil mabilis ko nang binuksan ang pinto ng kotse niya. I immediately went to the auditorium.

Tahimik at walang tao. Medyo madilim rin ang paligid. Bakit ba ako pinapunta ng secret admirer ko dito? Nagsimula akong kabahan. Sht! Baka scam yun tapos rapist pala.

"H-hello? May tao ba?" Kinakabahan kong tanong

Bigla nalang bumukas ang mga ilaw sa loob ng auditorium and the view made my heart melt in awe. Sobrang ganda.

May lalaking nakatayo sa stage at napapalibutan ng balloon and flowers. May mga pulang rose petals sa ground na nagsisilbing pathway.

"Paige" pagsasalita nito

His voice is so familiar.

"I'm not a very expressive person and until now, nahihiya pa rin ako sa'yo" he said making me chuckle

"So i wanna expresss my feelings for you through a song" he continued and started strumming his guitar.

*plays happier*

As soon as he was finish singing. Lumapit siya sa'kin. Doon ko lang narealize na kanina pa pala ako nabato sa kinatatayuan ko.

He smiled sweetly at me. "Paige, can I finally court you?" Tanong niya

Hindi ko alam pero iba ang lumabas sa bibig ko.

"Ikaw?!" I ask in shock. Malakas siyang natawa. Ang sexy ng boses niya

"Seryoso nga, you're my secret admirer?" Maarte kong tanong and whined

He chuckled and said, "Yes"

~~~~~

jemimahfy  try guessing who HAHA if u get this right I'll do an update HAHAHAHAHAHHAHA

Just Friends (Entangled Hearts Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon