#Please Vote and Follow me on my Account💋
Bumalik na naman ang taas ng aking lagnat kagabi pero pumasok pa rin ako. Damn this fever! Ang sama ng pakiramdam ko.
Kumakain na ako ng agahan ng biglang tumunog ang doorbell. Tinawag ko ang yaya namin at inutusan siyang buksan ang pinto.
"How are you feeling?" Tanong ni Zach at umupo sa aking harapan
"Masama pa rin ang pakiramdam ko" pag-amin ko at tumuhog ng hotdog.
Inilapit ni Zach ang kanyang kamay sa aking nuo. Even just a touch of our skin makes my body shiver.
"Medyo mainit ka na naman. Pa-ospital ka nalang kaya" seryoso niyang sabi
"Ayoko nga!" Mabilis kong sabi
"Hanggang ngayon ba naman ay takot ka pa rin sa karayon" Natatawa niyang sabi kaya inirapan ko nalang siya
Hinatid ako ni Zach sa school at sabay rin kaming naglakad papunta sa room. Dala-dala niya ang mga gamit ko dahil nga daw may sakit ako kaya dapat nga ay nagpapahinga ako.
Nagulat nalang ako ng makita ko si Troy sa room. Hindi ko inaasahan na magiging magkaklase kami.
Napansin niya ako kaya tinaasan niya ako ng kamay and smile at me "Paige!" He exclaimed happily
Para naman akong nanigas ng maramdaman ko ang mala-demonyong aura ni Zach sa aking likuran na parang nagsasabi na kapag pinansin ko pa si Troy ay baka magkaroon ng World War 3.
Tipid ko nalang na nginitian si Troy at umupo na.
"What's wrong with that guy!?" Inis na sabi niya at tiningnan ako. Nagkibit-balikat nalang ako at hindi nalang pinansin at kanyang reklamo
Lalo akong nagulat ng mapansin si Troy sa aking harapan. Bigla akong kinabahan dahil nasa tabi ko lang si Zach na tila mina-man-manan ang kilos ko.
"T-troy" kinakabahan kong usal
"I've heard na nilagnat ka daw. I bought you these" inilabas niya ang biling mga pagkain but mostly ay prutas
"Thanks. That's very thoughtful of you" sabi ko at kinuha ang prutas.
"Tss! Mura lang naman yang prutas. Kaya ko naman yang bilhin" rinig kong bulong ni Zach sa aking gilid. Hindi ko nalang siya pinansin.
(.....)
Sa huling klase, nagpa-groupings ang guro namin para sa upcoming project. Lima kami sa isang grupo. Ako, si Troy, si Xander, si Fyre at si Leni. Mabuti naman at kasama ko sina Troy at Xander.
"Guys, sa bahay na namin. 7pm sharp" suhesyon ko. Tumango naman sila at nagsi-impake
Hindi pa nag-aala syete pero andito na si Fyre. Yung babaeng bagong pawn ni Xander. Kawawa naman siya.
"Ang aga mo" mataray kong sabi sa kanya na naka cross-arms
"May gagawin pa ako Paige" sabi rin niya pero para akong nagalit sa tono ng kanyang pagkakasalita. Hindi ko nalang siya pinansin. Hindi nagtagal ay nagsidatingan na rin yung iba.
"So let's start" masiglang sabi ni Xander
Tumahimik lang ako dahil wala ako sa mood dahil ang sama ng pakiramdam ko. "Okay ka lang ba Paige?" Nag-aalalang tanong ni Troy
"Yes, I'm fine" sagot ko
Narinig ko namang sumipol ng mahina si Xander so I glared at him. Nag-iwas nalang siya ng tingin.
Todo suggest si Leni kung paano gagawin ang project. Hindi na rin ako umapila kaya tatango nalang ako.
Napatalbog ako sa aking unoopuan ng marinig namin ang malakas na pagsara ng aming pinto. Iniluwal nito si kuya Sage kasama si Zach. Dumudugi ang kamay ni kuya kaya mabilis ko siyang nilapitan.
"Yaya yung gamot" agad kong utos na sinunud naman ng aming katulong. Nagulat sina Troy, Fyre at Leni sa eksena.
"The hell dude! Anong nangyari sa inyo?" Tanong ni Xander
"Something just came up" tipid na sabi ni kuya
Masama kong tiningnan si Zach na ngayon ay umiiwas sa aking matatalim na tingin
"Zach" pagsisimula ko.
He look at me na may namumungay na mata. "I'm sorry" paglalambing niya and hug me. Shit! Kinilig ako. Help me! Zach please, huwag ka namang ganyan
"Alam niyo, kung hindi lang talaga kayo best friends ay talagang iisipin kong magjowa kayo eh" sabi Leni na ikinapula ng aking mga pisnge.
Agad kaming bumitaw sa isa't-isa. Then an awkward atmosphere resembled. Shit!
Nasa kalagitnaan kami ng pag-de-design ng project ng dalhan kami ng snack ng aming katulong.
May linagay na snack sa Troy sa aking harapan kay napatingin ako sa kanya na nagtataka.
"You should eat. It's good for your health at para naman mabilis kang gumaling" ngiting sabi nito and glance at Zach. Ang gwapo niya talaga kaso si Zach lang ang laman ng puso ko
"Are you trying to imply that I'm not taking good care of her!?" May bahid na inis na sabi ni Zach
"Wala akong sinabeng ganyan. Ikaw lang ang nag-isip ng ganyan" Troy said smirking.
Haaay! Panibagong sakit na naman sa ulo.
~~~~~
Anne Mae,
Signing Out
BINABASA MO ANG
Just Friends (Entangled Hearts Series 2)
Teen FictionIt may be as cliché as it is but in this current society, many people fall inlove with their best friends. Isa na ako roon. Ang hirap pala itago ang feelings mo lalo na't lagi siyang andiyan para sa'yo kasi 'best friend' ka nga niya. Masakit. Sobran...