Chapter 14

297 5 0
                                    

#Please Vote and Follow me on my Account💋

Flashback continuation...

"Na may gusto ka sa kanya?" Taas kilay niyang tanong. Umiling lang ako.

Namayani saglit ang katahimikan sa pagitan namin.

"Ganun ba talaga kalaki ang galit mo para maghiganti ng ganito?" Tanong ko. Well, sinuntok lang naman siya ni Zach diba?

"Yeah. Galit talaga siya nung nalaman niyang pinopormahan kita noon and after he punch me that day, pag-uwi ko sa bahay ay nagtaka nalang ako kung bakit umiiyak si mommy at lasing si Daddy. Hindi naman talaga likas na alcoholic si daddy. Nalaman ko nalang na pina-bankrupt pala ni Zach ang nag-iisa naming company. Sobra kaming nalugi dun at yun lang ang pangkabuhayan namin. Sa sobrang dami na ng utang namin ay nag-suicide si Daddy dahil wala na siyang pambayad at si Mommy naman ay nangabit at iniwan ako sa pangangalaga ng aking yaya" pigil iyak niyang sabi

He stilled when I hug him. "Inspite of all that, you still survived life Rim. And you're more than amazing" I sincerely said

Napalingon siya sakin at dalawang butil ng luha ang tumakas sa kanyang mga mata.

"I like the sound of Rim" sabi niya na nakangisi

"Ang haba kasi ng name mo" natatawa kong sabi na ikinatawa niya rin

"Hulognahulognaakosa'yoPaige.Mulanoonhanggangngayon.Maypag-asapabaako?" (Hulog na hulog na ako sa'yo Paige. Mula noon hanggang ngayon. May pag-asa pa ba ako?)  Mabilis niyang sabi

"H-ha? Pakiulit nga. Ang bilis eh. Hindi ko masyadong narinig" sabi ko

Ngumiti lang siya at ginulo ang buhok ko. "Wala" sabi niya

Inalis ko ang kanyang kamay sa aking ulo "Huwag ang buhok ko Rim" reklamo ko

"Ang arte" sabi niya na natatawa at kumuha ng pagkain tsaka kinain

End of Flashback

It's unusual to me kapag hindi ako hinahatid ni Zach sa school o di kaya ay hindi kami magkasabay. Gaya nalang ngayon. I must have hurt his feelings. Dapat talaga akong mag-sorry eh.

Naglalakad ako ngayon sa hallway at napansin si Zach na kausap ang mga myembro ng frat nila. Napansin niya rin ako pero mabilis niyang inilayo ang kanyang tingin sabay lakad paalis.

Nataranta naman ako kaya hinabol ko siya. "Z-zach! Teka lang!" Sigaw ko. Wala na rin akong pakealam kung may maka-agaw pansin basta't maka-usap ko lang siya.

Hindi niya ako pinansin at naglakad na medyo patakbo. Kinuhit pa siya ng kasama niya at lumingon sa akin para sabihin kay Zach na ako ang tumatawag pero deadma lang siya. Lalo kong binilisan ang aking takbo. Bahala na ang hika ko basta't maka-usap ko lang si Zach.

Tumakbo ako ng mas mabilis hanggang sa tumigil siya sa may school garden at nasubsub ang mukha ko sa likuran niya.

Kahit na nahihirapan na akong huminga ay inayos ko pa rin ang aking sarili.

Tiningnan niya ako sa kanyang mga nagliliyab na mga mata. "Baliw ka ba Paige!? Alam mo namang may hika ka tapos tumatakbo ka?" Galit niyang saad

I started sobbing "H-hindi mo kasi ako pinapansin. Sorry na Zach" naiiyak kong sabi

"Sorry doesn't change anything Pigee. You trampled my pride!" Sabi niya

Tumakas ang ilang butil ng luha sa aking mga pisnge "Kaya nga ako nagso-sorry diba?" Mahina kong sabi kahit medyo hirap makakuha ng hangin

"So ba't ka ngayon nagso-sorry? Akala ko ba ako ang mali?" Inis niyang sabi

"Naman eh!" Inis kong sabi and stomp my foot. Urgh! Ang kitid ng utak

"Kasi importante ka sa'kin Zach! Hindi ko kayang mawala ka" umiiyak kong sabi

His face softened for a while pero nawala agad ang buhay sa kanyang mga mata.

"Important? Really? Sana inisip mo muna yan bago ipagtanggol ang lalaking yun. Sabihin mo nga Paige, bakit importante ako sa'yo?" Sabi niya and stared at my face

"Tinatanong pa ba yan Zach?" Umiiyak at nanghihina kong tanong and look at his eyes pero nanatili lang siyang poker face.

"You are my best friend. Parte ka ng buhay ko. You supported me, took care of me, kind to me, protective, and everything I could've ask for. Kaya...." I took a deep inhale bago ako magtapat. Sobra akong kinakabahan. Win it or lose it. I'll take all the risk. Hindi ko na kayang itago ang nararamdaman ko. Sasabog na ang puso ko

"Kaya?" Takhang niya

"Kaya ako nagkagusto at nainlove sa'yo" mabilis kong sabi but enough for him to hear everything I said.

I saw how shock he is after my confession so I ran as fast as I could. Hindi ko ata kakayanin ang magiging sagot niya.

I'm not ready for rejection

And

I don't think I'll ever be ready for a heart break

Just Friends (Entangled Hearts Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon