Prologue

91 6 6
                                    

Shyna

"Yes" nakangiting tugon ni Nina, napatalon naman sa tuwa si Jace. Napailing na lang ako nang mapansin kong nag walk out si Marck.

Kailangan ba talagang sa harap ng buong klase mag propose? Alam naman nila na may masasaktan, pwede namang tanungin na lang niya si Nina kung pwede niya ba itong maging girlfriend ng silang dalawa lang. Respeto na rin sa mga single di ba?

Sinundan ko si Marck, ang bilis niyang maglakad siguro dahil nasaktan talaga siya nang husto. Ako nga itong wala sa posisyon niya at pinapanuod lang siya nasasaktan na, eh siya pa kaya?

Naabutan ko siyang nakaupo sa bench na nasa silong ng mangga. Dahan-dahan akong umupo sa tabi niya, pero alam kong naramdaman niya ang presensya ko. Mahabang katahimikan ang namayani bago ko ito binasag.

"Hindi ko na tatanungin kung ayos ka lang o hindi, alam ko naman na yung sagot eh." Pagbasag ko sa katahimikan.

"Bakit ka sumunod? Baka dumating si sir." Halatang ayaw niyang pag usapan.

"Parang hindi mo narinig yung announcement na wala si sir ah? Uwian na."

"Umuwi ka na." Sagot niya habang nakatingin sa kawalan.

"Nandito lang ako. Alam ko hindi tayo close pero nandito lang ako kaya ilabas mo na yan masama ang sinosolo mo lang yang sakit na nararamdaman mo." Pagak siyang tumawa bago tumingin sakin.

"Bakit? Makikihati ka? Kung pwede lang eh. Pinamigay ko na lang sana tong sakit na to. Tangina!"

He looks...very heart broken.

Nakita ko sa mga mata niya kung gaano siya nasasaktan. He loves her that much huh?

Kung ako na lang sana yung minahal mo hindi ka masasaktan ng ganiyan. Hindi ba talaga pwedeng ako na lang? Hindi kita sasaktan tulad ng ginawa niya. Ako na lang, ako na lang Marck.

"Marck!" Sigaw ko sabay takbo papunta sa kinaroroonan nya, huminto naman siya sa paglalakad at lumingon sakin.

"I volunteer." Napakunot ang noo niya sa pagtataka.





"I volunteer to be your rebound girlfriend."

Rebound VolunteerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon