Chapter 1

84 4 0
                                    

Shyna

"Ha?" Natulala siya "Ano? Rebound?" Tumango ako.

Bigla siyang tumawa na ikinagulat ko.

"HAHAHAHA GRABE! You made me laugh!" Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa dahil tumawa siya despite of being broken hearted o hindi dahil akala niya nagbibiro ako.

"Seryoso ako." Tinignan ko siya nang diretso sa kaniyang mga mata, na nakapagpatigil sa pagtawa niya.

"Shyna..."

"Seryoso ako Marck. Tutulungan kitang maka move on sakaniya, tutulungan kita para hindi ka magmukhang kawawa sa harap nilang lahat."

Tutulungan kita na maging masaya ulit, and this time sa piling ko.

"Shyna, hindi mo kailangang gawin ito. Hindi ko kailangan ng rebound para lang hindi mapahiya."

"Edi tutulungan na lang kita para mawala 'yang nararamdaman mo para sakaniya. Tutulungan kitang ibaling sa iba yang atensyon mo."

Ibaling sa akin yang atensyon mo.

"Shyna, ayokong makasakit ng iba. Ayokong masaktan ka. Hindi mo kailangang gawin ito."

"Alam ko na aware ka sa nararamdaman ko para sayo. Pero kung nag aalinlangan ka sa offer ko dahil doon, wag kang mag alala ayos lang at alam ko naman kung hanggang saan lang dapat ako."

Napabuntong hininga siya bago nagsalita "Pagod ka lang. Umuwi ka na, baka gabihin ka sa daan." Sabi niya, at naglakad na siyang muli palayo.

"AHHHH! AYOKO NA! NAKAKAHIYA!" Nasabunutan ko na lang ang sarili ko ng maalala ko ang kahihiyang ginawa ko kahapon.

"Bakit mo ba kase ginawa yun Shy? Tanga tanga mo talaga!" Pinagsasampal ko ang sarili kong mukha pero itinigil ko rin ng makaramdaman ako ng hapdi.

"Ngayon, paano ko siya haharapin? Ahhhh! Ayoko na! Ayoko na!"

First time kong nilapitan at kinausap nang ganoon si Marck, para na rin akong nag confess ng nararamdaman ko dahil sa ginawa ko kahapon. Hindi ko alam kung saang lupalop ko napulot yung confidence ko ng mga panahon na iyon eh, hindi naman ako ganun dati nahihiya pa nga akong kausapin mga naging crush ko noon kahit about group activity pa yan.

Rebound VolunteerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon