Chapter 21

24 3 0
                                    

Shyna

Matapos ang naging pag uusap naming magkakaibigan ang nasa isip ko lang ay ang makausap si Marck at sisiguraduhin kong hindi na niya ako maiiwasan.

Nabawasan na rin ang bigat nang pakiramdam ko dahil nasabi ko na sa mga kaibigan ko ang totoo, hindi sila nagalit pero may kaunti silang tampo at kailangan ko raw bumawi kapag okay na ang lahat.

Kinuha ko ang cellphone ko at napagdesisyonang tawagan si Michael, yeah I have his number, he secretly got my number from his brother's phone sabi niya nung tinawagan niya ako.

"Hello Ate Girlfriend?"

"Hi Michael, how are you?"

"I'm fine ate, kailan mo po ako ulit bibisitahin? I want to play with you."  Napangiti ako dahil sa sinabi niya.

"Gusto mo ngayon na?"

"Really? Wait I'll tell kuya." Dinig ko ang excitement mula sa boses niya pero pinigilan ko siya sa balak niya.

"No, don't tell your kuya about this. I want to surprise him, nandyan ba siya?" Nagbabakasakali kong tanong.

"Yes he's here, he can't go out because dad's not here." Napangiti ako sa sagot niya.

"Then can you text me the address?"

"Of course ate girlfriend, see you!"

"See you." In-end na niya ang tawag at napasuntok na lamang ako sa hangin, hindi na niya ako maiiwasan dahil balak ko siyang kornerin sa mismong bahay nila at saktong wala yung dad niya.

Nagbihis na ako ng black high waist pants at oversized shirt na itinuck-in ko sa harap, kinuha ko ang sneakers ko at ang wallet ko bago lumabas ng kwarto.

Sinuot ko sa labas yung sneakers at nagpaalam na aalis, naglakad ako sa sakayan ng jeep at bumaba sa 7/11 at bumili ng ice cream para kay Michael.

Base sa sinend na address sa akin ng kapatid ni Marck, walking distance lang mula sa 7/11 yung bahay nila kaya minabuti ko na lakarin na lang ito at bagalan na rin ang paglalakad para na rin makapag isip-isip.

This time, I will do my best para makapag usap na kaming dalawa at sisiguraduhin kong hindi na siya makakaiwas.

Ilang hakbang na lang ay natanaw ko na si Michael sa harap ng bahay nila na ngayon ay tumatakbo na para salubungin ako. Nang makalapit ay niyakap niya akong agad kaya naman umupo ako para lumebel sa laki niya at niyakap siya pabalik.

Kumalas siya sa pagkakayakap at napatingin sa plastic bag na bitbit ko. "Para sa akin ba yan ate girlfriend?" Naniningning ang mga mata niya habang nakatingin dito.

Nakangiti kong iniabot sakaniya ang ice cream na binili ko kaya nagtatalon siya sa sobrang tuwa.

"Tara ate pasok ka, nasa loob si kuya. Shh lang ako, I didn't told him that you're coming over to surprise him." Hinila niya ako papasok sa gate ng bahay nila.

Wow.

Ang laki ng bahay nila at mayroon pang garden na mukhang alagang-alaga. May nakita rin akong iilang mga kasambahay nagtatakang pinagmamasdan ako habang kinakaladkad ako ng bata papasok sa bahay nila.

"Kuya! I have a surprise for you!" He shouted to call his brother wherever he is. Huminto siya sa pagkaladkad sa akin hanggang sa living room ng bahay nila.

"Wait over here ate girlfriend, I need to drag your real lazy-ass boyfriend here." Hindi pa man ako nakakapagsalita ay tumakbo na siya papunta sa tingin ko ay kwarto ni Marck.

Nilibang ko naman ang sarili ko sa mga litrato na nakadisplay, at napako ang tingin ko sa isang picture frame kung saan naroroon ang family picture nila.

Rebound VolunteerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon