Chapter 14

24 4 0
                                    

Shyna

"Bakit may private pool dito? Sino lang ang pwedeng gumamit?" Kuryosong tanong ni Glaiza.

"Family. Dito kami tumatambay lalo na kapag maraming guest, mas gusto kasi naming magpipinsan na solo namin." Sagot ko.

"Sila Lucas lang ba ang may ari dito?" Tanong naman ni Danica.

"Yup. Bago matapos ang contract ni Tito sa trabaho niya, pinagawa na nila ito para may source of income parin sila."

Nandito kami ngayon sa infinity pool ng resort, exclusive for the family lang. May cr, bar counter na hindi namin pwedeng puntahan dahil bilin iyon ng parents ni kuya Lucas, sun loungers, lamesa at mga upuan sa labas, may tv rin sa loob at sofa sa harap nito.

"Nasaan na ba si Marck? Hindi ba siya susunod?" Dinig kong tanong ni Harvey nang makalabas sila mula sa cr para magpalit ng damit.

"Tinext ko na bro, papunta na raw siya." Sagot sakaniya ni Eric.

"Baby Gian, swimming tayo." Parang tuko nanaman kung makakapit si Justin sa kawawang si Gian.

"Ayoko! Tigilan mo nga ako, doon ka kay Lucas." Tumakbo ito patungo sa direksyon namin habang nakasunod naman sakaniya si bakla.

"Hoy tama na yan." Awat sakanila ni Glaiza, pero patuloy parin sila sa pagtakbo hanggang sa nasali na rin sina Eric at Kuya Lucas.

Napansin ko ang kakaibang tinginan ng dalawa, tumigil sa pagtakbo si Gian dahil sa pagod kaya naabutan siya ni Justin pero tumatakbong lumapit sakanila yung dalawa at tinulak sila dahilan para malaglag silang pareho sa pool.

"What the fuck!?" Inis na sigaw sakanila ni Gian.

"Omg my dress!" Tili ni Justin.

Hindi namin napigilan ang pagtawa lalo na ng sumunod nilang itulak ay sina Misty at Harvey na tahimik na nag uusap habang nakaupo sa gilid ng pool, nagreklamo ang dalawa pero di kalaunan ay nagharutan na.

"Walanghiya ka bakla!" Napatingin ako kay Danica na ngayon ay nasa tubig na din dahil sa paghila sakaniya ni Justin pababa. Sumali na rin sakanila si Glaiza bago pa may tumulak sakaniya.

Napansin ko naman ang pinsan ko na hinahabol si Jona, halata mo sa mukha niya ang inis dahil sa pinsan ko. Nakangiti ako habang pinagmamasdan sila na tuwang tuwa habang naglalaro sa tubig, at ang pinsan ko na tuwang tuwa sa paghabol kay Jona.

"Oh Marck nandyan ka na pala." Bago pa ako makalingon sa direksyon na iyon naramdaman ko nang may tumulak sa akin, napapikit ako sa takot dahil alam kong babagsak ako sa tubig.

Nang bumagsak ako sa tubig ay nagpapanic na ako pero naririig ko parin ang mga boses nila.

"Bakit mo siya tinulak?"

"Tangina mo pare pag nalunod yang pinsan ko ililibing kita ng buhay!"

"Hindi marunong lumangoy si Shy!"

Naramdaman kong may humawak sa bewang ko at iniangat ako sa gilid ng pool kung saan ako nakatayo kanina.
Inihilamos ko ang aking kamay sa mukha saka ako dumilat, at nakita ko si Marck sa aking gilid basa ang kaniyang buhok at mga damit.

Napaubo ako dahil sa tubig na nainom ko.

"Are you okay?" Hinihingal siya habang iniinspeksyon ako. Natulala ako sakaniya at hindi nakapagsalita, nag dive siya sa tubig para sagipin ako?

Niyugyog niya ang magkabilang balikat ko nang hindi ako nagsalita. "Magsalita ka please." Pagmamakaawa niya.

"A-Ayos lang ako, salamat." Nagulat ako ng bigla niya akong niyakap.

Rebound VolunteerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon