Chapter 18

33 4 0
                                    

Jona

"May problema ba kayo ni Marck?" Tanong ko kay Shy na nasa kabilang linya.

Gumagawa ako ng assignment nang bigla siyang tumawag at sinabing sayang daw ang pang call niya. Pero iba ang pakiramdam ko, hindi siya tatawag ng ganito sa akin kung wala siyang problema, because I know she prefer texting and chats over calls.

"Ha? Hindi, wala kaya. Paano mo naman nasabi?" Napangisi ako sa naging sagot niya.

"Really?" Let's see if she'll admit it. "Hindi ako kahapon ipinanganak."

I heard her sigh, I knew it. "You never had a boyfriend pero paano mo na halata yun?"

"It's simple, because I'm great." Natatawang sabi ko, feeling ko iniirapan na ako ng gaga dahil sa sinabi ko hahaha.

"So ano nga? Ano nanamang problema niyo?"

Napabuntong hininga siya bago sumagot. "I don't know."

"What? Bakit hindi mo alam?" Kunot noo kong tanong sakaniya.

"Ilang araw na niya akong hindi pinapansin simula nung practicum natin sa P.E"

Bakit ang dami naman yatang problemado sa love life ngayon? Buti pa ako chill lang.

"Sinubukan mo na ba siyang kausapin?"

"Oo, pero kapag palapit palang ako lalayo na kaagad siya. Uwaaaah Jona tulungan mo ko." Ngawa niya mula sa kabilang linya.

"Sorry Shy, wala akong maitutulong kasi kami mismo hindi niya rin pinapansin." Malungkot kong sagot.

Noong isang araw nagkekwentuhan kaming barkada. Pansin namin ang hindi pagpansin at paglapit sa amin ni Marck lalo na kapag nariyan si Shyna, mas gusto niya pang magsolo sa pwesto niya na hindi niya naman dating gawain. Ramdam na rin namin na mayroong hindi pagkakaunawaan ang dalawa.

"Pero Shy, nung minsan lang nagpost pa siya ng picture niyong dalawa sa Instagram tapos ngayon LQ kayo?" He posted it, probably a week ago?

"Ha? Sa IG?" Gulat niyang tanong.

"Don't tell me di mo pa nakita? Hindi ka ba nag o-open ng IG?"

"Hindi hehe." Talaga naman oo.

"You should check it. I need to finish our assignment." Natatawang sabi ko sakaniya at pareho na kaming nagpaalam.

Bumalik ako sa ginagawa ko at nakita ko na kailangan palang i-search ang isang ito. Kinuha kong muli ang cellphone ko, na inilagay ko kanina sa may lamesa ng matapos ang tawag ni Shyna, at binuksan ang browser para makapag search, buti na lang at naka bukas ang WiFi ng kapit-bahay namin.

Saktong pagka-on ko sa WiFi ay walang tigil sa pagtunog ang cellphone ko para sa mga notifications na dumarating.

Binuksan ko muna sandali ang Facebook App at mayroong isang friend request at tatlong messages.

Una kong binuksan ay ang friend request at nakita ang pangalan ng taong kinasusuklaman ko sa mundo, hindi ko ito pinansin. Sunod kong binuksan ay ang Messenger App, galing ang lahat ng ito sa GC ng section namin at ng Power Rangers pero ang isa ay message request.

Binuksan ko ito  at nakita nanaman ang pangalan niya.

Lucas Ramirez:
Hoy! Sinasadya mo ba talagang hindi i-accept yung friend request ko?

Tss. Bahala ka dyan.

Hindi ko ito pinansin. Nag log-out na ako at nagpatuloy na lamang sa ginagawang assignment.

Rebound VolunteerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon