Chapter 6

40 4 0
                                    

Shyna

"Haaaaaayyy finally! Hell Week is over!" With matching taas ng dalawang kamay pa sa ere, at tamang sandal tsaka taas ng paa sa sandalan ng upuan sa harapan ko.

"Feeling ko hinigop nung test papers natin yung utak ko." Sabay hawak pa sa ulo na sabi ni Danica.

"Feelingera talaga, akala mo naman may mahihigop yung test paper sayo." Pambabara sakanya ni Justin.

"Epal, ikaw ba kausap ko ha?"

"Kahit hindi ako ang kausap mo wala akong pake, magsasalita ako kung kailan ko gusto."

"Sagot ko na yung biscuit sa kasal nila." Natatawang sabi ni Jona habang nag-aayos ng mga gamit niya.

Nagtawanan naman kami, pero yung dalawa ay busy parin sa pagbabangayan. "Ako na sa pa-kape."

"Ako sa bulaklak."

"Ako sa taga make-up."

"Yung pang-patay ba?" Tanong ko na lalong nagpatawa sakanila, na naging dahilan ng pagtingin nung dalawa sa amin.

"Ang daya nila hindi tayo sinasali sa usapan oh." Sabi ni Danica habang nakakapit sa braso ni Justin.

"Bitaw nga kadirdir ka."

"Sus! Choosy ka pa! Pasalamat ka at hinawakan kita eh."

"Kapag talaga nagkatuluyan sila, magpapaparty ako."

"Eh paano naman pag tayo ang nagkatuluyan?" Sabay-sabay kaming napatingin sa nagsalita.

Si Harvey pala na nasa gilid ni Misty ngayon. Nagkatinginan kaming tatlo sabay hagalpak ng tawa dahil sa mukha ni Misty. Grabe ang pula niya parang cherry bomb at malapit ng sumabog.

"Mangilabot ka nga sa mga sinasabi mo, tsaka hindi ako madadala sa kalandian mo noh. Hindi ako tulad ng mga babaeng nauuto mo." Irap ni Misty sakanya, wow first time kong nakita na magsungit to ah.

"Pakipot naman akala mo maganda. Dyan ka na nga." Nag-walkout ang loko hahaha.

"Hambog hahahaha." Natatawang sabi ni Glaiza.

Wala si Marck ngayon dahil pinatawag kaagad sila sa hall para mag rehearse, last rehearsals daw nila ngayon para naman next week ay makapag enjoy din sila sa mga activities tsaka balak ko din sanang manood kaso ang sabi niya sakin ay bawal daw kaya ayun uuwi na lang ako ng maaga para na rin mapahinga ko yung utak ko baka layasan na ako ng tuluyan eh ang liit na nga lang niya mawawala pa.

***

Foundation Week: Day 1

[Shy nasaan ka na?! Parade ngayon teh! Baka naman gusto mo ng pumunta sa school di ba?]

"Oo na nga papunta na oh. Lalo lang akong bumabagal dahil sa kakamadali nyo eh."

[Paano ba naman kasi eh nakailang missed call na kami sayo tapos anong oras na at wala ka pa, ikaw na nga lang yata ang hinihintay eh.]

"Oo na, oo na. Paalis na ko, bye na maglalakad  pa ko."

[Mag tricycle ka na!]

In-end ko agad ang tawag ni Glaiza para makapag umpisa na ako sa paglalakad dahil late na daw ako. Sus ke-aga aga kasi ng oras na sinabi nila 7 am daw pero panigurado 9 am pa magsisimula yun, at 8:55 na  pero keri lang yan.

Nakalabas na ako ng street namin nang makita kong nag uumpisa na nga yung parada kaya patakbo at pasimple akong sumingit sa linya nung mga kapareho kong kulay ng shirt at sakto namang nasa bandang unahan sila. Color coding per grade level, Gray ang para sa mga grade 12.

Rebound VolunteerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon