Chapter 5

31 4 0
                                    

Shyna

"Boyfie! Sama ka?" Right after the dismissal lumapit kaagad ako sakanya para ayain na sumama sa amin.

"Saan?" Tanong niya habang nag-aayos ng gamit.

"Sa Food Ave. lang, kakain ng fries at kung ano-ano tapos pag uusapan din namin yung sa group study para bukas kila Jona."

"Sige, tara."

"Talagaaa? Sasama ka? Wala kayong rehearsal ngayon?" For the first time ay makakasama siya samin ngayon hihihi gusto ko lang na ipagmalaki sa barkada yung boyfriend ko noh!

Inaasar kasi nila ako dati na wala na daw akong pag-asa kay Marck at hinding-hindi niya ako mapapansin ha! Who you sila sakin ngayon.

"Wala. Tara." Binitbit na niya yung bag niya at palabas na sana kami ng pinto pero biglang humarang si Nina.

"Ah ano, may rehearsal daw tayo ngayon, next week na lang daw ang walang rehearsals dahil nga sa exam para makapag-aral at hindi tayo maistorbo." Pagkasabi niya nun kay Marck, inilipat niya yung tingin niya sa akin.

"Shy pasensya na. Babawi ako next time, mag iingat na lang kayo." He smiled at me, apologizing, bago umalis kasama si Nina.

Nakatingin lang ako sakanila hanggang sa makaliko papuntang hall. Hindi ko alam pero biglang kumirot yung puso ko, para bang mas pinili niya si Nina kaysa sakin. He should've invited me to watch their rehearsals.

"Oh? Akala ko bang sasama si jowabels mo?" Tanong agad ni Misty nang makita niyang ako lang mag-isa ang pumunta.

Sa harap lang ng school ang Food Avenue kaya pinauna ko na sila kanina kasi nga aayain ko pa si Marck.

"Rehearsals." Matamlay kong sagot.

"Akala ko bang wala silang rehearsal ngayon?" Akala ko din.

"Bigla na lang sumulpot si Nina sabay sabing meron daw at next week pa ang wala para hindi maistorbo sa pagrereview para sa exam." Tila automatic na sumisimangot ang mukha ko sa pagbanggit pa lang ng pangalan nung ex niya.

"I smell something maasim dyan kay Nina." Sabi ni Danica.

"Baka yung kili-kili mo lang yun." Pambabara ni Justin sakanya.

"Bwisit ka! Pero hindi niyo ba napapansin? Palaging nakatingin si Nina sainyo ni Marck, nakaw tingin teh! Para bang nagseselos siya sainyo"

"Imposible, may boyfriend na din siya ang sweet nga nila ni Jace eh."

"Tama si Jona. Wag ka ngang ma-issue dyan Dan. Bili na lang tayo ng fries."

"Here comes our fries addict, Ms. Glaiza Carlos!"

Hindi kaya tama si Danica? Baka...baka may feelings pa si Nina kay Marck, paano kung mag confess siya? Iiwan ako ni Marck?

Hindi malabo, ako lang kase yung may pagmamahal na nararamdaman sa aming dalawa eh. Pero posible rin namang magka-gusto siya sa akin di ba? He treats me well, so special. Para talagang yung taong mahal na mahal ka.

"Hoy teh! Tulala ka na dyan, pwede na akong lumangoy sa lalim ng iniisip mo."

"Ha?"

"Hala sya, anong problema?"

"Ah wala wala hahaha. Nasaan yung iba?" Tanong ko habang inililibot ang paningin para hanapin sila.

"Bumibili pa ng fries, oh ayan na yung fries mo libre daw ni Glaiza yan. Alam ko namang gutom ka na kaya dinala ko na yung sayo."

I smiled at her. "Thanks Jona."

"Hindi ka pa nagkekwento." Biglang sabi niya na nagpakunot sa noo ko dahil sa pagtataka.

Rebound VolunteerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon