Chapter 11

29 4 0
                                    

Shyna

"So finally bati na kayo." Nakangiting sabi ni Misty.

"Yep." Hindi ko mapigilan ang ngiti ko.

"Grabe ha, ang niyo awkward kaya lalo na nung Friday nakakapanibago ang hindi niyo pagpapansinan. Tsaka Ikaw ha, hindi ka na marunong mag kwento samin."

Kaming dalawa lang ni Misty dahil pareho kaming tinatamad magpunta sa canteen kaya nagpabili na lang kami.

"Sorry. I can't share it with you guys." Hinging paumanhin ko. Nagi-guilty ako dahil sa pagsisikreto ko sa mga kaibigan ko pero wala naman akong magagawa. Hindi ko pwedeng sabihin sakanila.

"Naiintindihan namin Shy." She showed me her sister like smile. "Basta alam mo na nandito lang kami para sayo, kaya wag kang magdadalawang isip na lapitan kami kapag may problema."

"Thank you, so lucky to have you." Niyakap ko siya. "Pero teka, ikaw din naman ha? hindi ka nagkekwento. Anong meron sainyo ni Harvey?" Tinignan ko siya ng mariin.

"Ahm...." Napansin ko ang pamumula ng kaniyang mukha kaya sikreto akong napangiti.

"Delivery!" Naunang pumasok si Danica at Justin habang naka sunod naman sakanila si Jona at Glaiza na kumakain ng fries.

"Nasaan?" Tanong ko nang wala akong makitang hawak nila na para sa amin.

Nakakaloko silang ngumiti habang nakatingin kay Misty. Dumating sina Marck at hawak-hawak niya ang pagkaing ipinabili ko, kasunod niya naman si Harvey na may dala ring pagkain, dumiretso ito sa pwesto namin at ibinigay ang pagkain sa katabi ko na lalo yatang namula.

Si kuya Lucas na lang ang kulang sakanila. Simula nang dumating si Gian, lalo ng umingay sa classroom dahil sa kanilang apat.

Lumapit naman sa akin si Marck. "Here."

"Thanks." I smiled at him ng ibigay niya ang pagkain ko. Nagkanya-kanya sila ng upo sa mga bakanteng upuan sa tabi namin.

Nasa bandang harapan ang pwesto namin. Sa first row sina Justin at Danica, bakante ang tatlong upuan sa tabi nila, sa likuran naman nila kami naka pwesto habang sila Marck ay nakapwesto sa bandang likuran kasama ang mga kaklase naming lalake si Gian lang ang nahiwalay sakanila.

"Kung lumipat kaya kami dito?" Patungkol ni Eric sa tatlong bakanteng upuan sa first row.

"Talaga ba? Kaya niyong makipag eye to eye sa mga teacher natin?" Tukso sakanila ni Glaiza.

"Oo naman." Mayabang na sagot nito.

"Wag na." Pagtutol ni Jona.

"Bakit?"

"Baka hindi na makapag aral ng mabuti itong mga to." Tinuro niya kaming dalawa ni Misty.

"Pati si Justin." Natatawang dagdag ni Glaiza.

"Grabe." Reklamo ko. "Itong si Gian ang palayasin ninyo."

Nagpatuloy ang kwentuhan at tawanan namin lalo na ng i-announce nang aming class president na wala ang next teacher namin.

Ngunit napapansin ko ang paminsan-minsang titigan nina Marck at Gian, hindi ko mabasa ang ekspresiyon ng kanilang mga mukha. Hindi kaya may secret feelings si Gian sa boyfriend ko? Kasi kung magkaibigan naman pala sila bakit ganoon ang mga pinagsasabi sa akin ni Gian nung minsan? Na para bang gusto niyang tigilan ko na si Marck.

O M G! Baka nga may gusto siya kay Marck!

"Uy!"

"Ay may gusto siya!" Anaknang!

Rebound VolunteerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon