Chapter 8

29 5 0
                                    

Shyna

"Kamusta naman si Ms. Pahimatay effect?" Pabirong bungad ni Justin pagkapasok pa lang ni Misty sa classroom namin.

"Heh!" Umupo siya sa tabi ko. Solo nanaman namin yung room dahil nga sa dakilang palakad yung mga kaklase namin at ayun gumagala na sa buong campus.

"Puyat pa kasi. Masyado mong dinidibdib yung exam eh wala ka naman nun." Pang-aasar ko sakanya kaya bago niya pa ako mahampas tumayo na agad ako para hindi niya maabot.

"Kadarating ko lang pero puro iyang pang aasar niyo ang bungad sa akin. Ano nga palang ganap kahapon?"

"Wala, mga contest lang tapos umuwi din kami kaagad mahirap na baka maubos ang pera." Si Glaiza.

Third Day na nga pala ng Foundation Week namin ngayon. Hindi pumasok si Misty kahapon dahil sa kailangan niya pa nga raw ng mahabang pahinga.

"Sa takaw mo ba naman?" Hinampas niya ako sa braso kaya napa-aray ako. Ang bigat ng kamay!

Wrong move yata na sa tabi niya ako lumipat, sana pala nagpahampas na lang ako kay Misty kanina.

"Uy girl turuan mo nga ako kung paano yung pahimatay effect mo."

"Lokaret gusto mo suntukin na lang kita para mahimatay ka?" Sadista talaga nitong Danica na to pagdating kay Justin.

"Hmp! Sige gora! Mamaya pagdating ng mga fafa para naman bubuhatin ako ng mga prince charming ko tapos kiss lang sa aking malalambot at mapupulang labi at ako'y gigising na." Sinabayan niya pa ng tili kaya napatakip kami sa mga tenga namin.

"Asa ka pa."

"Siya nga pala, sobrang taranta ni Harvey kahapon nung nahimatay ka."

"Sinigawan niya pa si Eric para lang kunin yung jacket para hindi ka masilipan pag binuhat ka niya."

"Shet kilegs! Tapos kung hindi ka niya nasalo baka nabagok na yang ulo mo sa sahig."

"At! Hinatid ka pa niya sainyo, binantayan ka pa sa clinic. Aba ang haba naman ng buhok."

"Ta-Talaga?" Nauutal niyang tanong. Mukha rin siyang guilty dahil sa ginawa niyang pagkagat sa kuko niya.

"Don't tell me sinungitan mo siya?" Tinignan niya naman ako bago dahan-dahang tumango.

"Gaga?!"

"Eh hindi ko naman alam!"

"Hay nako. Dapat di mo sinungitan! Malay mo siya na pala yung prince charming mo, at susunod ka na kay Shyna na magkaka-love life." Sinundot sundot pa siya sa tagiliran ni Danica.

Natahimik siya pero kita ang pamumula ng mukha niya.

Hmm.

"Hi girls!"

Napabaling kami sa pintuan at sunod-sunod pa silang nagsipasok na para bang nagmo-model at rumarampa.

"Ehem! Ayan na yung PRINCE CHARMING niyo." Parinig ni Jona.

"Hi mga Fafa!"

"Okay ka na?" Tanong kaagad ni Harvey kay Misty ng makalapit siya dito.

"Ha? A-Ah oo."

"Dapat hindi ka muna pumasok. You need to rest."

"I'm okay."

"Namumula ka. Are you sure you're okay?"

Nilingon niya kami na para bang nanghihingi ng tulong. Pero syempre mababait kaming mga kaibigan kaya nagsipag iwas kami ng tingin sakanya.

"Hey." Napalingon ako kay Marck na nasa likuran ko at nakapatong pa ang mga kamay niya sa sandalan ng upuan.

Rebound VolunteerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon