Chapter 24

22 3 0
                                    

Shyna

Napabuntong hininga kaagad ako nang pagkarating ko sa classroom ay wala pa kahit isa sa mga kaklase ko ang naroroon. Ala syete nang umaga ang umpisa nang klase namin sa araw na ito, once a week mayroon kaming schedule na whole day ang klase at mukhang excited yata akong pumasok nang maaga dahil six am palang ay narito na ako.

Nasa pinto pa lamang ako at hindi pa nakakapasok nang may bumangga sa akin at pagtingin ko ay walang iba kundi si Nina.

"Paharang harang." Irap nito sa akin.
Palalampasin kita ngayon dahil tama nga na nakaharang ako sa pinto.

Dumiretso ako sa upuan ko at ibinaba ang bag, umupo ako at nag online para tignan kung may isa man lang sa mga kaibigan ko ang on the way.

Minsan na nga lang ako pumasok nang maaga tapos yung bruha pa ang makakasabay ko, himala na nga at hindi niya kasama yung mga aso niya eh.

"Pwede bang lumabas ka? Hindi ko kayang kasama ka dito." Tahol este sabi nito. Ako ba kausap niya?

Hindi ko pinansin, baka kasi hindi naman ako ang kausap niya at mapahiya pa ako di ba?

"Ano ba? Kinakausap kita eh." Nabaliw na.

Nilingon ko siya, baka kasi may kausap siya na hindi ko nakikita. Pero saakin siya nakatingin. "Ako ba kausap mo?" Turo ko sa sarili ko.

Inirapan niya ako at lumapit pa sa pwesto ko bago niya pinagkrus ang mga braso sa kaniyang dibdib na flat.

"Bingi ka ba o nagbibingi-bingihan?" Nakataas ang kilay na tanong nito sa akin, napatayo na rin ako dahil ayoko siyang tingalain.

"Sana okay ka lang." Nananahimik ako tapos gusto pa yata ng away nang isang to.

"Ako ba talaga ginagalit mo? Akala mo ba nakalimutan ko na yung sinabi mo sa akin kahapon?"

"Alam mo Nina, kung hindi ka sanay na nagigising nang maaga try mo na lang matulog nang maaga tutal wala ka na rin naman nang jowa, hindi yung para kang nakashabu dyan na manghahamon nang away."

Napakaaga pa para patulan ko ang pagtahol nang babaeng ito kaya naman napagdesisyunan kong lumabas na lang tutal halos isang oras pa bago mag umpisa ang first subject namin.

Pero nakakaisang hakbang palang ako ay hinila na niya ang buhok kong naka ponytail, hala ka sige hindi ako naligo.

"Ano ba!" Napahawak ako sa anit nang hilain niya ang buhok ko nang napakalakas.

"Wag kang malandi Shyna! Kahit isang daang tula pa ang gawin mo at idedicate para kay Marck, sakin parin ang bagsak niya! Dahil ako ang mahal niya at hindi ikaw." Inabot ko ang buhok niya at hinila rin ito nang pagkalakas lakas. Hindi ako makakapayag na ako lang ang nasasaktan sa pagkawarfreak nang taong ito!

"Ikaw naman pala ang mahal niya, pero bakit napaka insecure mong babae ka?! Nananahimik ako tapos guguluhin mo ako?" Naitulak niya ako at tumama ang tagiliran ko sa kanto nang teacher's table, napadaing ako at nabitawan ko ang buhok niya.

"Eh kasi napakalandi mo! Nag volunteer ka pa para maging rebound niya at ikaw pala ang dahilan kung bakit hindi niya ako nasundo sa mall nung sembreak!"

So totoo nga? Na sila ang parating magkasama noong sembreak, kaya ba ganon-ganon na lang niya ako kung ipagtabuyan niya?

And what? Sinabi niya kay Nina yung tungkol sa pagiging rebound ko sakaniya?

"Ano? Tama ako di ba? Napaka desperada mo pala, matalino ka nga pero saksakan ka naman nang landi!" Tinulak-tulak niya ako hanggang sa mapaupo ako.

"Shyna!" Sigaw nang kung sino mula sa labas at patakbo itong lumapit sa akin.

Si Gian, tinulungan niya akong tumayo nahirapan ako dahil sa lakas nang pagkatulak sa akin ni Nina at dahil na rin sa pagtama nang tagiliran ko sa teacher's table kanina.

Rebound VolunteerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon