Chapter 17

27 4 0
                                    

Shyna

"Anong klaseng mukha yan mga ateng?"

Pagkatapos ng practicum namin kahapon hindi na ako kinausap ni Marck hanggang sa mag uwian at ngayon ay ganun parin. Inisip ko ang mga ginawa ko na maaaring nagpainis sakaniya pero wala akong maisip ni isa, nilayasan na rin yata ako ng utak ko.

"Mukha kayong nawalan ng jowa." Napatingin ako sa mga kaibigan ko na halos palibutan na kaming dalawa ni Danica.

Danica looks so down these past few days, ang tahimik niya at hindi na rin gaanong pinapatulan si Justin, minsan pa nga ay papasok nang maga ang mga mata. Sinubukan ko siyang kausapin nung isang araw kaso ayaw niyang sabihin sa kahit kanino maski kay Jona at Justin.

May hinala na kami sa kung ano man ang problema niya pero mas gusto namin na sakaniya ito manggaling.

"Naghiwalay na kayo?" Pare-parehas kaming nagulat sa deretsahang tanong ni Jona sa kaniyang pinsan, hindi na yata ito nakapagpigil.

Napatingin ito sakaniya at bigla na lang humagulgol kaya nataranta ako ay niyakap siya upang patahanin. Magkahalong gulat at pagtataka naman ang ekspresyon nila Gian.

"Sinasabi ko na nga ba." Irap ni Jona bago tumayo at naglakad paalis.

"Pigilan niyo! Baka sugurin si Jose!" Sigaw ni Glaiza na agad namang sinunod ni Eric at Harvey, hinarangan nila ito para hindi makalabas.

"Huwag niyo nga akong pigilan! Gago yun eh!" Pagalit niyang sigaw, sinenyasan ko yung dalawa na dalhin pabalik sa pwesto namin si Jona.

"Sorry..." Napatingin ako kay Danica na ngayon ay lalong naiyak. "...dapat nakinig na lang ako sainyo."

"Ewan ko ba naman kasi sayo niloko ka na niya nung una pero konting landi niya lang ulit sayo eh bumigay ka nanaman! Hindi ka pa nagtanda." Inis na inis na sabi ni Jona sa kaniyang pinsan.

"Sorry...." Walang tigil sa paghingi ng tawad at pag iyak si Danica kaya lalo ko siyang niyakap, inabutan naman siya ni Misty ng tissue.

"Ate girl relax. Walang magagawa 'yang galit mo." Pagpapakalma sakaniya ni Justin. "Kay Jose dapat tayo nagagalit dahil siya ang nagpaiyak dito kay Danica, siya ang nanloko samantalang walang ibang ginawa itong isa kundi ang mahalin siya ng lubusan."

Minsan lang magseryoso itong Julia na ito kaya nakakagulat na nasabi niya ang mga salitang iyon. Muntik pa akong matawa dahil sa kaseryosohan niya ngayon.

"Huwag mo akong tawanan Shylalu, minsan lang ito girl!" Hindi ko na napigilan ang tawa ko dahil sa sinabi niya.

I hate myself for laughing at a serious moment like this.

Kinatok ni Gian ang ulo ko kaya pinanlakihan ko siya ng mata.

"May boyfriend ka pala? Akala ko..." Nagpa lipat lipat ang tingin ni Gian kay Justin at kay Danica and this time siya naman ang kinatok ko sa ulo.

"Naging kami nung Grade 10 tapos nakipaghiwalay siya kasi may iba na raw siyang nagugustuhan syempre wala naman akong magagawa ayaw na niya sa akin eh, tapos nung Grade 11 bumalik siya. Isang sabi niya lang na mahal niya ako tinanggap ko kaagad siya. Ang tanga tanga ko para maniwala sakaniya kasi tignan niyo oh, inulit niya nanaman. May bago na siya, ilang buwan na pala niya akong niloloko." Habang nagkukwento ay nakatingin siya sa kawalan at naluluha.

"Tahan na nga! Naiiyak ako sayong babaita ka eh! Tama na ang iyak, aawayin pa kita." Nagkunwaring nagpupunas ng luha si bakla. "Payakap nga."

Lumapit ito sa amin kaya tumabi ako para mayakap niya si Danica, I still ship them owkey?

Rebound VolunteerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon