Chapter 26

26 2 0
                                    

Shyna

"Bakit ka raw niya gustong kausapin?" Nandito kami ngayon sa garden ng bahay nila kuya Lucas, wala ang parents niya at sakto naman na naisipan ng barkada na magsugod bahay at napili nila ang bahay ng pinsan ko.

Nagulat din ako nang makita ko silang lahat sa labas at nagdo-doorbell.

Kibit balikat ang naging sagot ko kay Glaiza. "Tinanong niya lang kung ano." Nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko ba dahil nandito rin sa harapan ko si Gian.

"Kung?" Sabay sabay na tanong nila Glaiza habang napapailing na lamang ang mga lalaki dahil sa katsismosahan ng mga kaibigan ko.

Tinignan ko si Gian na nag aabang rin ng sagot ko. "Kung ano raw ang meron sa amin ni Gian."

"Omg! Baka nagseselos yung ex-boyfie mo!"

"Gaga pagkatapos niyang iwan sa ere si Shyna magseselos siya?"

"Malay mo naman, hindi niyo ba napapansin yung mga tingin ni Marck sa classroom sa tuwing magkasama sina Shyna at Gian?"

Napakagat ako sa pang ibabang labi dahil sa mga sinasabi nila, totoo kaya? O baka umaasa nanaman ako. Kaya ka nasasaktan Shyna eh! Magising ka nga sa katotohanan! Dahil siya na mismo ang nagsabi na si Nina parin talaga ang mahal niya.

My cousin changed the topic and I tried distracting myself by listening to my friends' stories.

"Akala ko torpe ka." Pang aasar ko sa pinsan ko nang mapunta sila sa hotseat ni Jona.

"Akala mo lang yon, dapat nga ay bumilib ka sa akin dahil magugulat ka na lang isang araw sinagot na pala niya ako." Bulong ng pinsan ko habang nangingiti kaya tinawanan ko siya.

Matagal ko ng alam na may feelings siya para kay Jona, at ganon din naman si Jona, pero hindi ako nagsalita dahil mas maganda kung malaman nila mula sa isa't isa hindi ba? At lalaki ang pinsan ko kaya kailangan na siya ang gumawa ng first move.

Lunes.

Walang pinagbago, ay teka meron pala. Napapansin namin na lumalayo na si Marck kay Nina, hindi na rin niya ito pinapansin kaya inis na inis ang bruha. Nagbreak na ba sila?

Lunch break.

"Shyna, pwede ba tayong mag usap?" Nagulat ako ng lumapit siya sa amin.

"Uh-ahm." Tinitignan ko ang mga kaibigan ko ngunit nagkanya-kanya sila sa pag aayos ng gamit at sarili.

"P-Pwedeng next time na lang? Gutom na kasi ako." Pagsisunungaling ko.
Matamlay naman niya akong nginitian bago siya umalis.

"Girl, seriously?" Inirapan ako ni Justin. "Nagpapabebe ka ba ngayon? Ayaw mo bang malaman kung bakit gusto ka niyang makausap?"

"Maybe his explanations?" Sabi naman ni Misty na nagpaisip sa akin sa buong maghapon.

What does he want to tell me? Hindi ba at nilinaw na niya sa akin ang lahat nung araw na iyon?

"Let's talk please?"

"Sorry, pinapauwi kasi ako ng maaga samin." What a lame excuse Shyna.

"Shyna" Pagtawag niya sa akin pero hindi ko na siya nilingon pa.

Lumipas ang mga araw at patuloy siya sa pagmamakaawa na kausapin ako, pero hindi ko pa kaya.

Natatakot ako sa kung ano man ang sasabihin niya, ayoko ng masaktan ulit dahil grabe yung sakit kapag siya ang dahilan. Ayoko ng makita niya akong umiiyak at nagmamakaawa.

"Bakit ang lalim nanaman ng iniisip mo?" Tanong ng pinsan ko habang parang bata kung kumain ng ice cream. Nandito nanaman kami sa park na paborito naming tambayan.

Rebound VolunteerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon