Chapter 7

23 4 0
                                    

Shyna

"Wow, himala at mukhang pinaghandaan nila itong Foundation Week ngayong taon." sumangayon kaming lahat sa sinabi ni Eric.

"Baka maraming budget hahaha."

Sa East Side ng campus makikita mo lahat ng mga booths na nagtitinda ng iba't-ibang uri ng pagkain na swak sa budget ng mga estudyante. Sa West Side naman ang mga game booths, jail booth, photo booth at syempre mawawala ba ang pinaka korni sa lahat? Ang Marriage Booth, hindi pa gaanong maingay sa bandang ito dahil hindi pa tapos ang ganap sa covered court.

"Wala pa yung mga nagtitinda pano yan? gutom na ako." Reklamo ni Eric habang nakahawak sa tyan niya.

"Patapos na rin naman siguro yung speech sa court maghintay na lang tayo."

"Teka bakit nga pala hindi kayo nakinig doon? Baka may announcements sila, lalo ka na" Sabay turo ko kay Marck "Baka may in-announce sila tungkol sa pageant."

"Don't worry, I can just ask my co-contestants."

"Mga pasaway!" Akusa sakanila ni Danica.

"Bakit? Kayo rin naman hindi nakinig doon ha. Kung makasabi ka ng pasaway diyan parang kayo hindi." Natahimik kami lalo na si Danica dahil sa sinabi ni Eric.

"Edi wow!"

"Kapag talaga wala ka ng masabi mapapa-edi wow ka na lang. Yuck nakakahiya ka." Sino pa nga ba ang magsasabi niyan kundi si Justin.

"Epal ka nanaman Epal!"

"Baka gusto niyong mamahinga muna sa pag aasaran niyo noh? Ang sakit na ng ulo ko dumadagdag pa kayo." Misty looks pale.

"Hey, are you okay?" pero bago pa ako makalapit sakanya, bigla na lamang siyang nahimatay buti na lang at nasa likuran niya si Harvey kaya nasalo siya nito.

"Fuck! Give me your jacket!" Pasigaw niyang utos kay Eric, ito lang kasi ang nakasuot ng jacket sa ganito kainit na panahon. Pagkabigay niya ng jacket kaagad na ibinalot ito ni Harvey kay Misty para hindi siya masilipan dahil sa suot nitong above the knee skirt na uniform namin.

Lahat kaming mga babae ay natataranta na, including Justin, pero mukhang walang makakahigit sa pagkataranta ni Harvey dahil walang paalam siyang tumakbo habang buhat niya si Misty papunta ng clinic.

"Kamusta? Bakit daw siya nahimatay?" Sabay-sabay kaming napatayo pagkalabas ni Glaiza mula sa clinic. Silang dalawa lang ni Harvey ang pinapasok sa loob dahil bawal daw na marami kami baka makaistorbo sa iba pang mga nagpapahinga sa loob.

"Kulang siya ng tulog dahil siguro sa kakareview para sa exam at mukhang hindi pa siya gaanong nakakatulog ng maayos dahil nag aalala siya sa resulta." Next week pa kasi ipopost ang mga score, grades at ranking namin.

"Tapos hindi pa siya nakapag breakfast."

"Si Harvey?"

"Ayun nasa loob pa, siya na daw ang maghahatid kay Misty pagkagising niya."

"Alam niya kung saan nakatira si Misty?" Si Jona.

"Close ba sila?" Kunot-nuong tanong ni Danica.

"Hindi." iling ko. "Nung huling beses na nagkausap 'yang dalawa, nagkapikunan pa sila."

Napatingin ako sa gawi nila Marck and they're extra quiet pagkatapos ng nangyari.

Natigil kami sa pag-uusap nang biglang lumabas si Harvey.

"Ako na ang bahalang magbantay sakanya, ihahatid ko na rin siya sakanila pagkagising niya kaya wag na kayong mag alala. You can enjoy the first day of the Foundation without the two of us, kailangan niyang magpahinga."

Rebound VolunteerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon