Chapter 3

40 4 0
                                    

Shyna

I woke up at exactly 5 o'clock AM, hindi na ko nag alarm dahil alam ko namang di na gagana yun sakin hindi ako nagigising sa alarm eh. Nagjo-jogging ako every morning nakasanayan na rin siguro ng katawan ko ang paggising nang maaga dahil almost 8 months ko ng ginagawa to.

6 o'clock AM nang mapagdesisyunan kong umuwi, malapit lang yung pinagja-jogging-an ko sa bahay 10-15 minutes walk lang depende kung gaano ka kabilis o kabagal maglakad pero ako kase sanay ng mabilis ang lakad.

Pagkauwi ko nag cool down exercise muna ako saka nagpunas ng pawis at nagpahinga. Nagluluto palang ng agahan si mama.

"Ma, maaga po pala akong aalis ngayon." Sabi ko sakanya habang nakatayo sa may pintuan ng kusina.

"Bakit?"

"Bibili po kasi kami ng materials para dun sa activity namin."

"O sige. Magbabaon ka ba ng lunch mo o sa labas ka na kakain?" Tanong ni mama habang nilalagay na sa lamesa yung mga pagkain.

"Magbabaon po, thank you ma." Sabi ko saka tumayo na para maligo.

Medyo malamig pa yung tubig kaya naman binilisan ko ang pagligo. Feeling ko mag yeyelo ako sa loob ng banyo.

7:35 ng matapos akong maligo, magbihis, mag ayos ng sarili at ng gamit. Kinuha ko yung rollers at inikot ito sa bangs ko para maayos na ito mamaya pag paalis na ako, may kahabaan at kaunting pagkakulot ang buhok ko.

Si papa kase ay straight ang buhok na namana ni kuya samantalang si mama naman ay kulot na namana naman ni ate, yung sa akin ay pinaghalo. Dati hindi ko alam alagaan ang buhok ko kaya puro sira ito pero ngayon naman ay meron parin pero hindi tulad dati. Dapat daw kase ay matuto akong mag ayos ng paunti-unti, ang paglalagay ng kung anong kolorete sa mukha ang hindi ko ginagawa, ayos na ako sa aking taglay na natural na kagandahan.

Magkakasabay kami sa pagkain ayaw kasi ni papa na hindi kami sabay-sabay lalo na kapag umuuwi si ate tuwing weekends at holidays.

Kumain ako ng marami dahil baka magutom ako mamaya, nagtaka pa nga si papa kung bakit ang aga kong nakabihis at sinabi naman sakanya ni mama na may bibilhin kaming materials na kailangan sa project.

Pagkatapos kumain ay nagpunta na ako sa sala, umupo ako sa upuan katabi ng bag ko at ni-log in ko yung account ko sa facebook para ichat si Marck.

Shyna: Good Morning boyfie!

Seen 7:52 AM

Lumipas ang limang minuto pero hindi parin siya nagrereply samantalang naka-online naman siya tapos sineen pa ako aba!

Shyna: Oy boyfie kong snob!
Shyna: Magreply ka nga!
Shyna: Anong oras tayong bibili ng materials?
Shyna: Boyfieee!!

Ayan baka sakaling magreply na, finlood ko nga ng message.

Marck: Hey sorry naseen ko lang, kumakain ako eh.

Shyna: Hala sorry!

Marck: It's okay tapos naman na ako. Magkita na lang tayo sa labas ng simbahan? 8:30 am.

O EM GEE SIMBAHAN?!

Shyna: SIMBAHAN?! BATA PA AKO MARCK! HINDI PA PWEDE. PERO SIGE KUNG MAPILIT KA AYOS LANG. PAKASAL NA TAYO.

Marck: What? Doon tayo sa labas magkikita dahil malapit iyon sa bayan kung saan tayo bibili ng materials.

Shyna: Ay sayang. Paasa naman to.

Marck: Assuming ka lang. Sige na babyahe na ako.

Shyna: Okiiiee! Ingat boyfie! I love you!

Rebound VolunteerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon