Ang Mahalin Ka Ay Isang Pagkakamali

10 1 0
                                    

Ang Mahalin Ka Ay Isang Pagkakamali

Tatlong kahilingan,
Kailangan ng kahulugan,
Saan man may paghuhugutan,
Ng lakas at pagmamahal.

Pagiging malakas ay kinakailangan,
Sa lahat ng oras na nagdadaan,
At pagmamahal ang dahilan ng lahat,
Ng pangyayaring nagkalat.

Pagiging mapagmahal at malakas,
Ay mayroon at maraming katumbas,
Tanging ikaw ang makakahanap,
Ng lahat ng aking hinahanap.

Ang mahalin ka ay isang pagkakamali,
Sapagkat hindi ako basta-basta,
Na maghihinala at nag-aakala,
Sapagkat hindi ako madalas magkamali.

Ngunit sayo ako'y nagkamali,
At ang mahalin ka ang aking pagkakamali,
Lakas ko'y sayo lamang inalay,
Ngunit sa pag-aantay sayo, ako'y nangalay.

Kasalanan ko nga ba?,
Na sayo ako'y umasa,
Mahal kita ang tanging alam,
Mukhang ako sayo ay walang alam.

Kahit anong sagot,
Ay aking matatangap kung hindi nakasakit,
Sa aking pagkatao'y nagulat,
Na ako'y nagbago dahil sa sakit.

Sa lahat ng oras,
Ikaw ang aking iniisip at inaalala,
Dahil sayo ako ay nag-aalala,
Akala mo ba ako ay malakas?

Kung inaakala mo na ako'y malakas,
Ika'y nagkakamali,
Sapagkat ako'y mahina na nagpapangap na malakas,
At isa iyon sa aking pagkakamali.

Sadya atang ako'y nagkamali sa aking pag-aakala,
Na mali ang aking hinala,
Na hindi ako nagkakamali,
Sa aking pagkakakilala.

The PoemWhere stories live. Discover now