Mawaglit Ka Kaya?
Dapat pa ba kitang mahalin?,
Kung paulit-ulit mo lang na sinasaktan,
Sa isip ko'y di mawaglit,
Ika'y palaging pumupuslit.Pagmamahal na nararamdaman,
Tila ba napalitan,
Ng takot at kaba,
Sapagkat sa aking isip hindi mawala.Masasakit na salita,
Sa aking isip at puso hindi mawala,
Maganda ang iyong mga tawa,
Kapag siya ang kasama.Sana matapunan mo lang kahit tingin,
Upang magkaroon ng silbi,
Ang aking mga pagpapapansin,
Ngunit kahit anong gawin, balewala parin sa huli.Ika'y hindi mawaglit,
Bakit kahit anong pilit?,
Kahit anong pilit na alisin,
Mawala sa isip, puso'y hindi nanaisin.Nakakatakot na masaktan,
Ngunit handa ako para sayong masaktan,
Ikaw lang nakakapanakit,
At nagdudulot ng sakit.Puso ko'y umiiyak,
Ngunit nakakapanabik,
Makita lang kita sa isang sulok,
Sa tuwa puso'y puputok.Sadyang ika'y katangi-tangi,
Kaya puso ko'y nabighani,
Ngunit galit ang nahalili,
Sa pagmamahal na walang naani.Ako'y walang ibang hangad,
Kung hindi ang magandang ngiti ang sa akin bumungad,
Magandang dalaga,
Na sa akin nakapagpahanga.Naisin ko man na kalimutan,
Puso ko'y ikaw lang ang kailangan,
Hindi mawaglit sa aking isipan,
Pagmamahal na naramdaman.