Tanging Ikaw

7 0 0
                                    

Tanging Ikaw

Tanging ikaw,
Sa akin nakapagpabaliw,
Ngunit ako'y naaaliw,
Sa pagmamahal sayo ng saliw.

Puso ko isa lamang inaawit,
Matamis mong oo nais mabingwit,
Kahit bigyan ng pasakit,
Bigyan mo ako ng malasakit.

Kailangan ko ang isang tulad mo,
Na nakapagpapasaya ng isang tulad ko,
Nais ko sanang makuha ang matamis mong oo,
At pati na rin ang mga kamay mo.

Salamat sa pagpaparamdam,
Ng pagmamahal sa aking puso,
Ika'y hindi nagpapakasasa,
Sa text at tawag ng isip at puso.

Masakit na isipin,
Na ako'y hindi mo kayang naisin,
Ngunit kahit anong isipin,
Ikaw pa rin sa puso't isipan.

Nais mo bang ika'y mahalin?,
Ako'y iyong hanapin,
Sapagkat ako'y iyong kakailangin,
Upang iyong puso'y hindi mamanhid.

Kasalanan ba ang magmahal?
Ng isang dilag na nakakamangha,
Ang gandang katangi-tangi,
Ngunit ako'y naging hangal.

Hangal pagdating sa huli,
Umasa kahit mali,
Ako'y tinuring na kaibigan,
Ngunit ako'y umasa bilang ka-ibigan.

Nais kong malaman mo,
Ako'y umaasa pa rin sayo,
Kaibigan man sa umpisa hanggang huli,
Umasa paring ka-ibigan sa huli.

Nasaktan man,
Ikaw parin minamahal,
Ika'y aking kinakailangan,
Upang puso ko'y mabuhay ng walang hangganan.

The PoemWhere stories live. Discover now