Ina

2 0 0
                                    

Ina

Sabi nila na ang isang ina,
Hindi kayang makita,
Ang anak na nahihirapan,
Ngunit parang ako'y kaniyang pinahihirapan.

Isang ina,
Kailangan ko ng ina,
Saan na napunta?,
Ang sinasabi nilang aking ina?

Ako'y umaasa,
Na ako'y iyong pupuntahan ina,
Ako'y naghihintay,
Na sa iyong pagbalik, ngiti sa mukha ay bumalatay.

Ina, ina, mahal kita ina,
Nasaan ka na?,
Bakit ka nawala?,
Na parang bula?

Bakit hindi ka man lang nagpaalam?,
Umalis ka ng hindi ko alam,
Ikaw ba'y walang pakialam?,
At ayaw mong ako'y makialam.

Ako'y umaasa sa iyong paliwanag,
Ako'y makikinig,
Makikinig sa iyo magdamag,
Hanggang sa magliwanag.

Nais ko lang malaman,
Kung alam mo bang ako'y nasaktan?,
O kaya ika'y hinanap?,
O kaya'y ipaalan ang laman ng aking nasa isip?

Paliwanag mo'y aking tatanggapin,
Bumalik ka lang sa akin,
Ina ika'y nais makita,
At nais makasama.

Ina, ina ika'y mahal na mahal,
Ngunit may iba ka ng mahal,
Nais kong magwala,
Pero para saan pa?,

Saan pa ba ako aasa?,
Ako'y wala ng makitang pag-asa,
Dapat pa bang umasa?,
O tahimik na lumuha?

The PoemWhere stories live. Discover now