Sapat Na Nga Ba?
Sapat na nga ba?,
Ang pagiging malapit?,
Upang ika'y manakit?,
Mahal pa ba kita?,Kung ang pagmamahal nawawala,
Maaring mawala na nga,
Mawala ang sakit,
Na sa aki'y iyong dinulot.At kapag nawala na,
Maaring magtuloy-tuloy na,
Hanggang pagmamahal sayo'y mawala,
At kapag nangyari iyon ako'y sobrang matutuwa.Sapat nga ba na dahilan ang pagmamahal,
Upang maging hangal,
Sa harapan ko'y nakatingin,
Sa taong di ka mabigyan pansin.Kasalanan nga bang mahalin ka?,
At wala nga ba akong karapatang magreklamo?,
Napakabilis magbago,
Ng aking nararamdaman para sayo.Sadyang nakatadhana na mahalin kita,
Kasi ikaw nagbigay ng saya,
Sayang ika'y napakaganda,
Ang iyong ganda'y nakakahanga.Mahal kita,
Kailangan nga ba ng patunay?,
Upang aking nararamdaman ay iyong makita,
At ang puso ko'y muling mabuhay.Ika'y isang mabuting tao,
Kaya ako sayo'y nahulog lalo,
Salamat sa iyo ako nahulog,
Pagkat kung sa iba, malamang ako'y hindi makakatulog.Ika'y kaakit-akit,
Nung makita kita ako'y napapikit,
Sa katabi'y napakapit,
Pintig ng puso'y katakot-takot.Ako'y nilalamon ng kabang sa puso ko tumunton,
Sadyang ako'y napatalon,
Ng lapitan ako'y napakapit sa aking pantalon,
Sapagkat maraming nasayang na pagkakataon.