Mahal Pa Kita

0 0 0
                                    

Mahal Pa Kita

Mahal pa kita,
Hindi ko lang maipakita,
Sapagkat ako'y nahihiya,
At nasasaktan sa aking nakita.

Kasama mo pala siya,
Nagulat ako sa kaniya,
Ikaw ba'y manhid?,
O talagang ika'y nauumid?.

Sadyang mabagal ang panahon,
Gaya ng paghupa ng aking nararamdaman,
Sayo ako'y nasaktan,
Ng sapilitan mong iniwan.

Maari bang iyong tapunan ng tingin?,
Hindi pa ba sapat ang aking pagpapapansin,
Iyong matang parang isang bituin,
Na sobrang kislap dahilan upang ika'y lalong mahalin.

Sa iyong pagtawa,
Ako'y namangha,
Bibihira ka lamang tumawa,
At ang nakakalungkot sa iba pa.

Ngunit kahit anong pilit,
Sa isip ko ika'y hindi mawaglit,
Huwag hayaan na ika'y masaktan,
Dahil ako ang labis na nasasaktan.

Kalakip nga ba talaga ng pagmamahal ang sakit?,
Kasi kung oo, kaya pala masakit,
Masakit mahalin ng walang kapalit,
O kaya naman mahalin ng pilit.

Ako'y sobra magmahal,
Pero ako'y tapat sa minamahal,
Ika'y aking inaantay,
Pero mukhang wala kang pag-ibig na maiialay.

Ang sakit ay aking titiisin,
Kung ang aking pag-aantay,
Ay isang magandang balita ang kapalit,
Pero kung hindi, handa akong masaktan.

Masarap sa pakiramdam na makita kang tumawa,
Pero masakit kung makita ka,
Makita kang masaya sa piling ng iba,
Pero magiging ayos lang kung sa iba ka talaga magiging masaya.

The PoemWhere stories live. Discover now