Ang Tanging Hanap

3 1 0
                                    

Ang Tanging Hanap

Isang ina ang aking hinahanap,
Ngunit sa aking paghahanap,
Iba ang aking nahanap,
At ikaw ang aking nahanap.

Sa iyo'y isang hiling,
Nawa'y iyong dingin,
Damdamin kong isa ang hangarin,
Na umaasang iyong didinggin.

Damdaming nagsusumamo,
Isa lang ang gusto ko,
Nais kong marinig ang iyong oo,
Mula mismo sa bibig mo.

Isa kang mabuting tao,
Kaya ikaw ang nais ko,
Nais kong maging nanay ko,
At ipagmalaki iyon sa buong mundo.

Ipagmalaki sa buong mundo,
Na ika'y isang mabuting tao,
Na naging nanay ko,
At tunay na minahal ko.

Ako ba'y kaya mong tignan?,
O ako'y sasaktan?,
Ngunit ayos lang,
Umaasa lamang ako kahit alam kong siya'y lamang.

Lamang siya sa lahat-lahat sakin,
Kaya naman kahit saktan,
Ako'y hindi masasaktan,
Kasi alam kong hindi mo kayang suklian.

Hindi mo kayang suklian ang pag-ibig na inaalay,
Kaya kong maghintay,
Kung sasabihing ako'y may mahihintay,
Pero kung wala, hindi na lang, kasi ayokong mangalay.

Mangangalay lang ako kung hihintayin ka,
Kasi ako'y hindi na umaasa,
Na ako'y iyong mamahalin pa,
Alam kong siya pa.

Siya pa rin ang anak na gusto mo,
Hindi ko kaya ito,
Hindi ko kayang maibigay yung expectations mo,
Kasi umaasa lang ako.

The PoemWhere stories live. Discover now